9

4.7K 30 1
                                    

Nagleave ako sa work for 1 week at naisipan kong mag punta sa asamblea o kumbento, hindi para magmadre dahil alam kong isusuka ako ng mga Pari at Madre doon .
Kung saan nangumpisal ako, nagsisi, binuo ko muli ang aking sarili . Sabi ng pari sakin dapat alisin ko ang kahit anong galit, poot, at pighating nararamdaman at ipasa-Diyos kong lahat .
Nung unang dalawang araw ko sa asamblea pakiramdam ko wala ng pagasang liminis ang kaluluwa ko dahil pakiramdam ko sinusunog na ko sa impyerno pero hindi sa tulong ng mga pari at madre lumaya ako sa lahat ng masamang nakaraan ko .

Ito na ang huling araw ko sa ... pinuntahan ko.
"Father and Sisters, salamat po sa lahat ng naitulong nyo at pinapangako kong magbabagong buhay na ko di na ko babalik sa kahit anong kasalanan. Ang dami kong natutunan sa susunod ho dito ulit ako papasyal pag may oras hoh ako ." Nakangiting saad ko sa kanila .
"Nako Angela, Ang dami mo ng pinagdaanan anak at humahanga ako sa tapang at pagbabalik mo ng loob sa ating Diyos, naway patnubayan ka ng buong Maykapal" sabi ni father Alfred sakin bago ako umalis sa ...

Gabi na ng nakauwi ako aa condo ko at may dalawang araw pa kong pahinga para sa isang linggo kong leave naisip kong humingoli ng tawad sa lahat ng taong nasaktan ko unang.una na ang aking ina . Wala na kong galit na natira para sa kanya kung meron man nagsisisi ako sa nagawa ko dahil alam kong nasira ko din ang buhay nya .
Kinuha ko ang aking phone at tinawagan sya .
"Hello ! Who's this ?" Mababang boses any sumagot sa kabilang linya .
"Si Angela to, Pwede ba tayong magkita?"
"Angela ? Yung anak ko ? Angela anak, sige gusto kitang makita."
"Bukas sana 8 am sa Bristo Cafe"
"Oh cge anak."
Pinatay ko na agad at di ko na nagawang magpaalam. Nakatulog ako dahil na rin sa sobrang pagod ng byahe mula sa asamblea hanggang condo 3hrs. drive din yun.

Kinabukasan 7:30 am palang nandun na ko sa cafe, bali sa sulok ako pumwesto para hindi agaw atensyon sa magiging paguusap namin, di ko kasi alam kung pano ko haharap kay MAMA dahil sa mga nagawa ko rin sa kanya .
7:45 am nagulat ako ng may umupo sa harap ko, nagulat ako na si MAMA na pala yun . Maaga sa oras na napagusapan.

"Angela, anak patawarin mo ko" agad saad nya na ikinaluha ko.
"Mama, Mama ko 😭😭" di ko napigilan humagulgol at tumayo sya para hagkan ako.
"Mama patawarin mo din ako mama, nadala lang ako ng galit ko sa inyo kaya ko yun nagawa"
"Naiintindihan ko anak, nung sinabi mong ikaw ang anak ko bigla akong nahiya para sa sarili ko di ko naisip na lalaki kang gaya ko dahil sa walang gumabay sayo. Nagsisisi ako anak na iniwan kita, binalikan kita sa bahay ng papa mo pero wala ka na. Alam kong naging pabaya ako nung bata ka pero maniwala ka't sa hindi zlsobra kong pinagsisisihan un anak." Umiiyak din sya sa harap ko habang hawak nya ung kamay ko at binibigyan ng munting mga halik .
"Mama, sobra kong nagalit nung namatay si papa kayo sinisi ko tinanim ko sa isip at puso ko ang mga ginawa mo pati ying pagtataksil mo nung lumaki ako tsaka ko lang naintindihan ang mga nangyari noon at sobra kong kinimkim ang nangyari, pinangako kong pagbabayaran nyo kaya nagawa ko un, pero nagsisisi na rin ako mama"
"Tapos na yun anak, sana kalimutan na natin yun ayos na naman na kami ng anak at ng asawa ko kaya sana palatlyain mo na rin sarili mo kasi ako nagawa ko na."
"Thank you po ma"
Matapos ng aming paguusap kwentuhan iyakan nakwento rin yung kay Mike at sa baby ko sobra syang nalungkot para sakin kahit papano daw apo daw nya yun kung pwede lang daw sana na ibalik ung panahon dadamayan daw nya ko . Ang daming SANA ......

***

Ano tuloy Ko pa ba ?😊

Home Wrecker (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon