Nagtatype ako sa aking desktop dito sa loob ng office . Isa akong full time call center agent dito sa Mandaluyong may condo ako malapit umuuwi ako sa Rizal pag day.off ko kinabukasan . Pag nasa Rizal ako, madalas nasa Municipal ako, volunteer ako sa mga gawain sa barabarangay. Bakit ako nakabili ng condo ? Naging kabit ako ng isang Ramos the rich and mighty Theo Ramos kapalit non condo, sad to say nakaratay na sya ngaun dahil naaksidente sa sinasakyan nyang motor, racer sya at may asawang di kagandahan kaya naghanap ng iba buti nalang bago pa sya maaksidente at nabigay na nya sakin yung condo ko sa panahon ngayon utak na ang ginagamit, di ako mabubusog ng letseng pag.ibig na yan. Busy ako sa computer ko ng biglang umilaw yung phone ko dali.dali akong nagpuntang CR . Sinagot ko na agad nung nakita kong si Arthur .
"Hello baby ? I miss you umuwi ka bukas may surprise ako sayo" sabi ni Arthur, Arthur Sanchez our Hon.Mayor ay 32 years old, married man walang anak sa kanyang misis na si Amanda dahil dalawang beses na itong nakunan . 4 months na kaming may secret affair nagsimula nung tinext nya nalang ako bigla at gustong makipag.kita then BOOM bigla nalang nauwi kami sa kama . Gwapo sya at bata pa kumpara sa iba kong naging bedfriend .
" Sure Arthur, uuwi naman talaga ko ee ok . San tayo magkikita ?" Tanong ko habang nakatingin sa salamin.
"Sa dati nalang ulit, see you baby . I really miss you . Aaah I can't wait for tomorrow" mulang excited talaga sya oh well let see kung matutuwa ako sa surprise nya.
"Ok good night Arthur" di ko na hinintay ang sasabihin nya at pinatay ko na . Hanggat maaari ayoko ng kahit anong commitment, ayokong may magbabawal sakin ng ganito-ganyan and specially no feelings involved ayokong masaktan ulit di ko na ata yun kakayanin.***
2nd year college ako nung naging boyfriend ko si Mike, typical guy, good looking, sweet and caring sobrang mahal na mahal ko sya as in sobra kahit alam kong ayaw sakin ng parents nya dahil mahirap lang daw ako pinaglalaban ko sya kaso ang hirap pala pag ikaw lang ang lumalaban . Binigay ko sa kanya lahat.lahat, puso ko, katawan ko, kaluluwa ko na halos sambahin ko na sya pero sabi nya sakin "Angela, gustong.gusto talaga kita pero please tama na mas mahal ko yung pamilya ko at ayokong mawala yung kotse ko, credit cards, yung buhay na meron ako, di ko un ipagpapalit dahil lang sayo, pag ikaw ang pinili ko sa kangkungan ako pupulutin kaya nakikiusap akong tigilan na natin to." Pero nakikiusap ulit ako sa kanya na ...
"Mike buntis ako, please panagutan mo naman ako."
"Tangina naman Angela ee, Ipalaglag mo ang dali.dali ng problema pinapalaki mo"
"Hayop ka Mike! Wala kang puso, dimonyo ka. Mamatay ka na, tangina mo!" Galit na galit ako dahil sa mga sinabi nya iyak, takbo, iyak hanggang nabundol ako ng padating na sasakyan kasabay nun ang pagdilim ng paligid.***
Umiiyak na pala ako sa loob ng CR buti nalang walang tao. Lumabas na ko para kunin ang mga gamit ko at dali.daling lumabas ng building 1-10pm ang pasok ko, gabi na pero sa Rizal ako uuwi ngayon . May kotse rin ako bigay ng ex-fling kong congressman, kaya di hassle sakin ang transportation .
BINABASA MO ANG
Home Wrecker (completed)
General FictionAng storyang ito ay hango sa aking malawak na imahinasyon lamang. Ang mga pangalan, lugar at pangyayari ay walang katotohanang batayan. Sana ay magustuhan nyo, malaking pasasalamat sa mga mag-iiwan ng mga mensahe, opinyon at konklusyon. Maraming sa...