Chapter 6:

5.8K 139 5
                                    

"Gusto ko pong  bumalik sa pilipinas " nanatiling nakatingin ang mag kasintahan sa dalaga.



Hindi nila lubos maisip na tatlong taon na ang nakalipas ay ngayon niya lamang naalala na bumabalik sa pilipinas. Ngunit, ay hindi ito gusto ni Ezekiel, Ama siya at ayaw niyang masasaktan nanaman ang kaniyang anak kay Cloud. Ganun din si Amanda, ayaw na ayaw niya lalo't ang ina nito ay hindi parin nanahimik. May galit parin ito sa kaniyang anak na si Vanessa dahil sa pag pasok nito sa buhay nila ni Cloud.



"Hindi ako papayag." Napayuko ang dalaga. "Bakit gusto mong bumalik doon? Okay naman ang iyong buhay dito anak!"dagdag ng kaniyang ama. Napabuntong hininga ang dalaga.



Alam niya ang iniisip ng kaniyang ina. Pero ni kahit kailan man ay hindi niya naisip si Cloud, O mabanggit man lang ang pangalan nito. Dahil ang puso at isip nito ay si Dyle lamang ang laman.



"Gusto ko lang pong makasama ang mga kaibigan ko, hindi maayos ang buhay ko dito dad. Kung sa tingin mo Oo pero saakin ay hindi! Nakikita mo ba kung paano sila palaging wala kapag gabi? Dad ayaw ko na sumasama sa kanila kahit na ay pilipina sila. Hindi kasi tama ang ginagawa nila."


Paaralan,bahay,paaralan bahay ang ginagawa ni vanessa sa Amerika. Hindi niya masisi ang ibang dalagang pilipina na tumitira sa Amerika dahil pinapayagan na itong pumupunta sa bar. Gumigimik at halos tanghali na makauwi! Hindi niya gusto yon, sa tatlong taon na ninirahan siya sa Amerika ay hindi niya parin maiwasan na uuwi na lamang sa pilipinas kung ganito nalamang ang kaniyang buhay. Pero sa tingin niya, hindi siya makakauwi dahil sa kaniyang ama na mananatili sa Amerika at dito nalamang maninirahan habang buhay.

Pero hindi ganun ang gusto niya. Gusto niya ng mga tao na malaya niyang kausap na hindi siya mahihirapan mag salita na ibang lingwahe. Kahit ano man ang pilit ng dalawa sa dalaga ay nanatili parin itong umaayaw sa gusto nila.



"Dito lang tayo. Walang uuwi sa pilipinas! Naintindihan mo ba ako Vanessa?" Walang magawa ang dalaga kundi tumango na lamang. Hindi na siya makikipatalo sa kaniyang ama dahil ramdam niya na galit na ito. Baka masigawan pa siya nito.



Sila na lamang dalawa ni Amanda sa sofa. Titig na titig si Amanda sa dalagang nakayuko at parang may malalim na iniisip.


"Gusto mo ba talagang umuwi sa pilipinas baby?" Tumango ito. "Pero bakit? Dahil ba ito kay cloud?" Umangat ang tingin nito.


"Ayaw ka kasing payagan ng daddy mo dahil alam niyang kapag babalik ka sa pilipinas ay magkikita ulit kayo ni cloud" Umiling ang dalaga at hinawakan ang dalawang kamay ni Amanda.


"Mommy. Alam mo naman diba? Alam mo naman na iba na ang puso ko, hindi na akin to! Ang tinitibok lamang nito ay si Dyle. Wala na pong iba Hindi ko mahal ang kapatid niya siya ang mahal ko at alam ninyo iyon."



"Anak, hindi lang si Cloud ang dapat hindi mo mahal ngayon. Kaming lahat! Kaming lahat ay hindi mo mahal. Pero bakit si Cloud?"


Tama ang sinabi ni Amanda ngunit sa loob ng tatlon taon nakayahan at naturuan naman niya ang puso para sa pamilya at para sa iba pa na noon ay minahal niya.


"Hindi ko rin po alam. Na gising nalang ako na wala na ang pag mamahal ko sa kaniya. Diba po nung nasa hospital tayo ay mag kasama tayong lahat? Ikaw. Si daddy si dyle, hyorin,kylie,snow at Micah. Kilala din naman po kasi kayo sa nag mamay ari nito eh." Tumulo ang mga luha ni Amanda. Hindi niya alam kung bakit nalamang siya na lumuha.


"B.bakit po?"


"Hindi ko lang matanggap na wala na siya. Sobrang bait niya baby. Mahal na mahal niya si Dyle." Napayuko si Vanessa.


"Shhh. Wag ka ng umiyak, sisihin mo nanaman ba ang iyong sarili baby? Hindi mo kasalanan ang lahat. Kusa lamang niya iyan binibigay, at ang kapalit lamang nito ay alagaan mo."



Tumango ito. Aalagaan niya ito hanggang buhay pa siya at mamahalin niya si Dyle hanggang sa pag hinga niya.



"Kakausapin ko ang iyong daddy mo okay?"


"Wag napo mommy. Mag---Hindi, totoo naman ang lahat na iyong sinasabi saakin diba?" Tumango ito.


Sana pumayag ang kaniyang daddy na uuwi na ito sa pilipinas.

His Possessive Ways(Season2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon