Chapter 4:

7.2K 164 2
                                    


Napangiti na parang baliw ang binata na si Dyle, kakapatay niya lang sa tawag. Hawak hawak niya parin si Natasha na nakaupo sa mga hita nito.



"Bakit kayo ngumingiti?" Napatingin ang binata dito tsaka ngumiti.



"Masaya lang si tito mo."



Sino ba ang hindi sasaya kung ang taong mahal mo ay kausap niya? Araw-araw naman silang nag-uusap ngunit para kay Dyle ay hindi ito sapat, gusto niyang palagi itong makaka-usap at masilayan ang maamo nitong mukha.



"Bahit phow?"



"Kasi kausap ko ang pinakamamahal ko. Siya lang kasi ang nakakabigay nitong ngiti ko." Sabi nito sa bata. Tiningnan lamang ito ni Natasha na parang wala itong naintindihan.



Eh sino naman ang makakaintindi na tatlong taon pa lamang ito. Wala itong alam kundi ang mag tanong ng mag tanong at maglaro ng maglaro.



"Hatid na kita sa mommy mo?"


Napayuko ito. Imbes na tatayo na ang binata ay napaupo ito pabalik.


"Bakit baby?" Tanong nito sa bata na nakayuko.



"Mommy hate me" sabi nito.


Hindi maipaliwanag kung gaano siya naaawa sa bata, totoo naman kasi ang sinasabi nito, hindi gusto ni Veronica si Natasha. Bakit naman ito magustuhan ni Veronica kung pati din naman ito ay nagbibigay ng sakit sa ulo.

Napayuko lamang ito at pinag lalaruan ang kaniyang daliri. Napa buntong hininga si Dyle at hinalikan ito sa ulo.


"Baka marami lang problema si mommy baby." Hindi nagsalita ang batang si Natasha,



"Oy, wag na mag sad baby. Alam mo bang ayaw ni papa God na maging sad si Natasha?" Biglang napa-angat ang tingin nito kay Dyle.

Naghihintay na naman si Dyle na magsalita ito ngunit tahimik lamang ito, na pipi na ba ito? Kanina pa siya salita ng salita ngunit hindi na talaga ito nag sasalita kahit man lang kaunti.


Sinundan ni Dyle si Cloud ng tingin.
Paakyat na sana ito pero tinawag ito ng Dyle.


"What?" Nakatalikod ito. Hindi man lang ito tumingin kahit saglit lang, wala talaga itong pakialam sa mga taong nakapaligid sa kaniya.



"Hindi mo man lang samahan o tanungin ang anak mo kung ano ang gusto niya?"


"For what? You know what Dyle! Just get out of here and find your own house!" Kumunot ang noo ni Dyle. Malaki na nga ang pagbabago ng kaniyang kapatid.. ni respeto sa kaniyang ama't ina ay hindi na niya ito ginagawa, simula iyon noong nawala si Vanessa.


"Tumahimik ka nga Cloud. Bakit iba ka na ngayon? Ano ba ang rason mo?! Bakit ni anak mo ay hindi mo kayang alagaan!" Singhal nito. Biglang umiyak si Natasha ngunit hindi nila ito pinapansin, pareho sila na may galit sa isa't isa.



"You.don't.care!" Bigla itong humarap, sinalubong ni Dyle ang mga mata nito na wala parin emosyon.
Gaya lang ng dati, pero mas lumala ito ngayon.



"Kung si Vanessa na naman ito Cloud, ako na ang nagmamakaawa sayo na tigilan mo na yan kung ano man ang ginagawa mo! Wag mo ng baguhin ang sarili mo.. alam mo ba kung gaano ito nakakaapekto kina mommy at daddy?! Ibalik mo  na yong dating ikaw Cloud. AT KALIMUTAN MO NA ANG TAONG HINDI NAMAN PARA SAYO!"


Hindi kumurap si Cloud habang nakatitig ito kay Dyle. Hindi na niya nagustuhan ang tabas ng dila nito! Ano ang gusto nitong ipalabas? Na si Vanessa ay para sa kaniya at hindi para kay Cloud? Iyon ba ang gusto niyang ipalabas?



"Magbabago lang ako, kapag ang taong mahal ko ay maging akin na, ulit!" Tumalikod ito at umakyat para magtungo sa silid.



Napakuyom ang mga kamao nito.


Hanggang ngayon ay hindi niya parin nakakalimutan si Vanessa.


Ngunit hindi naman natatakot si Dyle, dahil alam niyang siya na ang mahal ng dalaga at hindi na ang dati niyang asawa.

His Possessive Ways(Season2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon