Chapter 9:

5.3K 141 7
                                    

Chapter9: Editing

(Present)

Napangiti ng malapad ang dalaga na si Vanessa. Hindi niya akalain na uuwi na talaga ito ng Pilipinas, wala na kasing magagawa si Ezekiel dahil si Amanda na ang kumausap nito na ipapauwi na lang sila. Nag impake na silng tatlo dahil mamayang hapon na ang kanilang lipad patungo sa Pilipinas.

"Excited ka na ba baby?" Tanong ni Amanda kay Vanessa na busy sa paglgay ng mga damit nila sa maleta. Tumango ito, ngumiti lamang si Amanda at tinulungan ang ginagawa ng dalaga.

"Paano kung makikita ka ni Cloud?" Napatigil ito. Paano nga ba kapag makita ito ni Cloud?

"Doon nga ako papasok sa dating paaralan mommy eh" bakas sa mukha nito na masaya, ganun na lamang ang pagka gulat ni Amanda sa sinabi nito. Babalik ito sa dating paaralan kung saan pag-aari ni Cloud?

"Vanessa? Hindi matutuwa ang daddy mo kapag malaman niya ito." -Amanda

"Mommy. Para saan ang pagbabalik ko sa Pilipinas? Diba mag-aaral ako? Tsaka mommy gaya ng sabi ko hindi ko mahal si kuya Cloud. Hindi na kailangan para mag tago ako." Sabi nito sa kaniyang ina na si Amanda. Napabuntong hininga ito. Hindi niya alam kung papayagan ito ni Ezekiel.

***

Gabi ng dumating sina Vanessa sa kanilang mansyon sa Pilipinas, pagod na pagod si Vanessa sa mahaba nilang byahe.

"Babe samahan mo na lang si Vanessa na mag pahinga." Tumango ang kasintahan nito at nagtungo ang dalawa sa silid ni Vanessa.

Ganun na lamang ang pag-alala ni Ezekiel lalo't na sa Pilipinas na sila. Paano na kapag magkita sina Cloud at Vanessa? Napailing na lang ito.

Walang alam si Dyle, walang may alam na nasa Pilipinas na ito.

"Babe" napatingin ito sa hagdanan kung saan pababa si Amanda, sinalubong niya ito at inakbayan.
"Nakatulog na siya?" Tanong nito.
"Pagod na pagod ang anak mo." Nagtungo sila at naupo na lang sa mahabang couch.

"Gusto niya talagang umuwi dito eh, kaya wala na talaga akong magagawa. Ang kailangan lang natin ay bantayan siya." Tumango na lamang si Amanda.
Sumandal si Amanda at tiningnan si Ezekiel.

"Gusto ni Vanessa na doon siya mag-aral." Kumunot ang noo ni Ezekiel
"Saan?" Tanong pabalik nito.
"Sa pag-aari ni Vanessa."

"ANO? MARAMING PAARALAN DITO! AT HINDING HINDI KO SIYA PAPAYAGANG DON MAG-AARAL!"

"Ano ba Ezekiel, diba sabi ko naman sayo na wala ka dapat na ikakaba. Okay na ang anak mo! Hayaan mo na siya babe." -Amanda

"Bakit ba kasi tayo umuwi dito!" Napasabunot ito sa kaniyang buhok "Paano kung kukunin ni Cloud ang anak ko?" Dagdag nito ulit. " Hindi mangyayari yon, iba na si Vanessa ngayon. Siguro oo may pagka-isip bata ito. Pero matapang na siya! Marynong na siyang lumaban."

Nagka tinginan ang dalawa, wala namang magawa si Ezekiel dahil si Amanda na ang kausap niya. At siguro oo wala siyang dapat na ikakaba dahil matapang na nga ito. Lumalaban pa ito.

"Bukas na ang simula ng kaniyang pasok."

"Na enrolled ko na si Vanessa sa C.U (Conway University)" -Amanda

"Bakit ang bilis naman ata?" -Ezekiel

"Babe naman, kapag next week pa papasok ang anak mo ma huhuli na siya sa klase."

Pagkatapos nilang mag-usap ay nagtungo na sila sa kanilang silid.

Bukas na ang klase ni Vanessa, tiyak na magkikita sila ni Cloud.

Lalo't  kailangan niyang magtungo sa opisina nito para kunin ang  schedule niya!

His Possessive Ways(Season2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon