VANESSA POV
"Vanessa"
Napalingon ako sa likuran ko."Hyorin? Bakit ganiyan ang hitsura mo? Wala ka bang tulog?" Sunod-sunod kung tanong ko sa kaniya, eh ang gulo ng buhok nito. Idagdag mo pa ang panamit nito na parang manang. Jusko ano ba ang nangyari sa kaniya, nag aaway ba sila ni Blue?
"V-vanessa" hinawakan ko kaagad ang mukha niya at tiningnan siya sa mata "Nag-away ba kayo?"
Bigla itong yumuko kaya nabitawan ko ang mukha niya. -____- Mukha talaga silang nag aaway kasi first time kung nakita si Hyorin na ganito ka lungkot.
"W-wala na kami"
"Huh?"
"Ayaw ko, ayaw kung mawalan ng ama si Natasha. Mahal na mahal ko si Blue pero ayaw kung mawalan ng ama si Natasha kasi bata pa ito. Kasi ayaw kung masaktan siya V-vanessa"
Nakatitig lang ako sa kaniya habang ang kaniyang mga luha ay sunod-sunod ng bumaba.
Sino na naman ba ang sisihin ko?
Wala naman sigurong iba kundi ang ina ko diba? Siya lang ang makakagawa ng mga bagay na ikakawasak O ikakasira ng relasyon ng iba! Siya lang ang makakagawa nun. Bakit? Bakit Di Veronica pa ang naging ina ko. Kung Tatanungin niyo ako kung nagsisi ba ako na siya ang naging Mommy ko ay OO! Sising sisi ako kung bakit siya pa! Bakit siya pa ang naging Mommy ko! Bakit...Marami na, marami ng relasyon ang winasak niya! Pero bakit hanggang ngayon ay hindi parin ito na kuntento? Bakit hanggang ngayon ay nanatili parin ito sa ibang tao, na makipag talik. Napaka hayop niya!
"H-hyorin sorry"
Niyakap ko siya bigla. Wala eh ako lamang ang hihingi ng tawad, dahil alam ko naman na walang pakialam si mommy Veronica sa mga taong sinasaktan niya -____- ganiyan siya kasama."M-mahal ko siya"
Nakakaawa, Siguro ganito ako nun noong panahon na mahal na mahal ko si Cloud, pero nag iba ang panahon at ngayon si Dyle na mahal ko. Sa totoo lang napipilitan ako. Sinong hindi? Mahal ko naman talaga si kuya Cloud at kaibigan lang ang trato ko Kat Dyle, ang hirap. Sobrang hirap ng sitwasyon ko.
"Tahan na bes. Kakarmahin lang yang mommy ko, mahal ka din naman ni Blue eh"
-*-
Someone Pov
"Ready for tomorrow bes?"
Ngumiti ako sa kaibigan ko na kaharap ko ngayon, Ilang taon naba ang lumipas simula nung nahanap ko na ang totoong kong pamilya? 9 years? 10 years? Nakalimutan ko kung kailan ako nawalay sa tabi ng pinakamamahal kong kapatid.Kamusta na kaya siya? Okay lang ba siya? Okay lang ba siya sa kamay ng malandi niyang ina? Tss! Napaka walang hiya ng babaeng yon. Kahit matanda na yon papatulan ko yon eh! Akala mo naman maganda! Malandi din pala.
"Ready na ready, Tingnan lang natin kung sino ang hindi mapahiya"
Ininom ko ang wine na nasa baso ko. Excited na ako para bukas. Well bukas na pala ako giganti para sa kaniya, sana naman at matuwa siya sa surprise ko para sa kaniya.Napabuntong hininga ako ng maalala ko nanaman ang lahat, lahat ng pag hihirap naming dalawa nung nasa puder pa ako sa kanila. Sino naman ang mag aakalang ampon lang pala ako sa malanding yon? Sino ang mag aakalang makawala pala ako sa kamay ng malandi kung ina-inahan?
Tining ko ang litratong nasa cellphone ko at napangiti, mahaba na ang kaniyang mga buhok at makapal na. Napaka ganda na niyang babae ngayon. Noon pa pala ay maganda na ito mas ngalang ngayon. Na matured naba ito? Hindi na kaya ito isip bata gaya noon? Haayst gusto ko na siyang makita. Gusto ko na siyang mayakap na napaka higpit at mapisil ang mataba niyang pisnge.
"Hoy! Para kang baliw!"
"Ano ba!" Sinamaan ko ito ng tingin. Kitang inaalala ko pa kung paano ako kasaya kapag nakita ko itong batang to eh! Panira naman itong babaeng nasa harapan ko ang sarap ihagis sa dagat!
"Ahahaha makikita mo yan bukas gaga!" Sabi nito saakin. Hindi na ako makapag hintay na makita siya bukas.
"Kinakabahan ako."
"Oh? Ngayon kapa kinakabahan? Wag ka nga. Ready na ang gown mo para bukas! 6pm dapat nandoon kana."
Napairap ako. Edi wala ng atrasan ito! Humanda ka saakin Veronica! Ipaparanas ko saiyo kung paano kahirap ang ginagawa mo saamin ng anak mo noon! Kulang pa ang gagawin ko sayo bukas. But I'll make sure na mag makaawa ka para tigilan kita! Hayop ka! Makakaganti din ako sayo sa wakas!
BINABASA MO ANG
His Possessive Ways(Season2)
FanfictionTHAT 14 YEARS OLD IS MY WIFE (Season1) THE POSSESSIVE MR.CONWAY (Season2)