Chapter 27

4.4K 97 0
                                    


Lumipas ang Isang linggo at palagi ng umiwas si Vanessa kay Cloud, ayaw niya! 
Ayaw niyang mahuhulog nanaman ang kaniyang loob dito. Tama na siguro na mahal niya ito noon, ngunit hindi na siya papayag ngayon! Mahal na mahal niya si Dyle at ayaw niyang mawala ito sa kaniya, hindi niya gusto na maghiwalay sila dahil lamang kay Cloud. Kaya habang maaga pa ay umiiwas nalang ito. 

Nasa jollibe sila nag-uusap habang kumakain ang mga ito. 

"Vanessa." Napatingin ito sa kaniyang mga kaibigan na nasa kaniyang harapan. Linggo ngayon at naisipan nilang gumala, hindi na kasi sila araw-araw magkikita kahit na nasa paaralan sila, madami silang ginagawa dahil nga ay graduating ito sa senior high. 

"Hmm?" -Vanessa. 

"Malalim ata ang iniisip mo? Ano naman kaya ang iniisip mo?" Sabi ni Kylie na kunwaring nag-iisip ito sa kaniyang harapan. Binato niya ito ng fries. Napangiti ang iba niyang kaibigan. 

"Iniisip ko lang naman si dyle." Kinikilig pa ito pagkatapos niyang magsalita. 

"Dyle ha."-Snow

Napatingin si Vanessa dito, oo nga pala at hindi alam ng mga ito ang totoo! Hindi nila alam na kay Irish ito, ang sinabi lang ni Hyorin sa kanila na may nagbigay sa kaniya ng puso ngunit hindi ito sinasabi ang pangalan. Nag-uusap kasi ang dalawa na sila lamang ang nakakaalam pati na rin ang pamilya ni Vanesaa,

"Oh? Bakit ayaw mo naman ata maniwala?" Takang tanong ng dalaga, umiling si snow at ngumiti nalang ito. 

"Kyaaaaah" napatingin ang mga ito sa gilid. 

-______- sila

Nandito nanaman ang masakit sa ulo, nakabuntot din ang kambal nito na si Shane. 

"HI" sabi ng dalaga na si shern. Isa-isa silang ngumiti dito. 

"Iba ka talaga shern, parang nakalunok ka palagi ng michrophone ano?"-Micah 

Napanguso ang dalaga, napapoker face naman ang mga ito. Inaamin nila na cute si Shern dahil sa inakto nito, pero sa pagka isip bata niya ay madali lamang ito maloloko. 

"Shern let's go." Turan ni shane, umiling si shane. 

"dito lang ako pleaseeee, gusto ko silang makasama eh. Please ate." Pagmamakaawa nito. "No! Tara na!" Napahikbi ang dalaga. "Ayaw ko *sob* po t-talaga" naningkit ang mga mata ni Shane. 

"Ah Shane dito nalang ang kambal mo. Kami--no!" Deritso na sabi ni shane, kailan niya naman ito iniwan sa iba? Kahit na may klase ito ay ang mga mata nito ay nasa labas para lamang makakasigurado ito na nasa labas ang kambal niya at walang kalokohan na ginagawa. 

"D-dito ka lang." Hinila niya ang kaniyan kambal sa tabi ng kaniyan upuan. Bali ganito, 

|Shern|shane|snow|
-----------------------
|                        | Hyorin
-----------------------
|Vanessa|micah|kylie|

mahabang lamesa ang kanilang kinukuha dahil alam nila na hindi sila magkakasiya dahil nga ang ibang lamesa ay tatlo lamang ang makaupo. 

"Bakit pala kayo napadpad dito shane?" Tanong ni hyorin dito, 

"Dahil sa kambal ko. Gusto niya daw na takasan si Clark." Kumunot ang mga noo nito. 

"Si Clark?" 

"Anong meron sa kanila?"

"Diba yon yong campus playboy? Yong hot?!" 

Sunod sunod na tanong ng mga ito, tahimik lamang sa upuan si vanessa na nakaupo sa kaniyang upuan. 

"Hindi siya hot. Manloloko siya!" Napabuntong hininga ang dalagang si Shane. 

"Hindi mo siya gusto shane?" Tumaas ang kilay nito na tiningnan si kylie, "Bakit ko siya magugustuhan? Sa isang tulad niya ay dapat parusahan. Hinding hindi ko siya magustuhan." Walang gana nitong sambit. Napatingin naman ito kay shern na napayuko lamang. 

"Shern uuwi na tayo. Naghihintay na si mommy." Sambit nito. Magsasalita na sana si Shern ngunit kinaladkad na ito sa kaniyang kambal kaya wala na iton magawa kundi sumunod nalamang. 

Napabuntong hininga ang magkaibigan sa lamesa. 

----

His Possessive Ways(Season2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon