Chapter 25

4.5K 117 6
                                    


Nanatiling nakatayo ang dalaga sa harapan ni Cloud, hindi siya makagalaw sa mga binitawan nitong mga salita. Hindi niya alam ang kaniyang naramdaman ngayon, magagalit ba O maawa sa lalaking la harap niya ngayon. 

"Pero hindi pwede kuya. May boyfriend na ako at may---Hindi ko anak si Natasha damn! Hindi ko din asawa si Veronica!" Galit na ito, napaatras si Vanessa, nandilim ang mukha ni cloud. At doon lamang siya kinakabahan. 

"Believe me baby," lumambot bigla ang mukha ni cloud at naging maamo na ito. 

Naalala niya bigla si Irish, 
Napamura nalamang ang dalaga sa kaniyang isipan. Oo nga pala at hindi na ang kaniyang puso ang nasa kaniya ngayon, kay irish na puso na pala ang nasa kaniya. Nangako pa ito na hanggang sa huli si Dyle parin ang mamahalin nito. 

"Baby?" 

Bumalik ang kaniyang atensiyon sa lalaking nasa kaniyang harapan. 

"Kilala mo ba si Irish?" Tanong nito, nagulat si Vanessa sa kaniyang tanong. Pero huli na ang lahat para bawiin ito, nakita niya nalamang kung paano nanlaki ang mga mata ni Cloud, 

'Kilala niya ba ito?' tanong niya sa kaniyang isipan
"W-why?" Tanong nito pabalik. Umiling ang dalaga, "Wag m-mo ng pansinin." 

Lalakad na sana ang dalaga papunta sa upuan na kaharap ng nasa lamesa pero biglang nagsalita si Cloud. 

"I-irisha is my bestfriend. Yes my real bestfriend, 6 Years old pa kami nun. Pero hindi nagtagal ang friendship namin, dahil lumipat na ito sa ibang province. Bumalik siya with her Grandma sa Manila then nagkita kami ulit, Naging matagal ang aming pagkakaibigan dahil dito siya ulit nag-aaral, pero nung graduate na kami ng elementary ay lumipat nanaman ito dahil namatay ang kaniyang Lola dito, wala na kasing mag-aalaga sa kaniya kapag manatili parin siya. Pero bago siya umalis, umamin siya na mahal niya ako. Hindi na ako nagulat ganun naman Talaga kapag may kaibigan ka na babae diba? Hindi mo maiwasan na mahulog sa iyong kaibigan." 

Hindi makagalaw sa kinatatayuan ang dalaga, nakatingin ito kay cloud na nakanga-nga, pilit niya paring ipasok sa kaniyang isipan ang kinwento nito. Hindi siya halos maniniwala, Baka ibang irish ang tinutukay nito. 

"I-i mean I-irish D.dyle ex girlfriend" paninigurado niya. 

Ngumiti si Cloud at dinala ito sa upuan, may couch siya sa loob ng opisina. 

Napaupo silang dalawa habang tulala parin ang dalaga, ngumiti si Cloud dito at tinuloy ang kwento. 

"Then after she confessed ay umuwi na ito. Hindi na niya kailangan daw ng sagot baka daw masasaktan siya kasi wala naman talaga akong naramdaman sa kaniya. Umuwi siya sa kanilang probinsiya nun, bumalik din siya dito para mag college para daw makatulong sa mama niya, nalalaman ko nalang na sila nani Dyle. Masaya ako dahil pag ganun ay hindi na aasa si irish saakin. Masaya ako para sa kanila, kita naman sa kanila na nagmamahalan sila sa isa't-isa." 

Nanatiling tulala ang dalaga, 
Mahal ni Irish si Dyle noon? 

Para siyang nabingi sa sinasabi nito na 'Mahal niya ako' napakurap kurap pa ito. Gusto niyang hindi maniwala sa kwento nito pero hindi, hindi magsisinungaling si Cloud lalo't seryoso pa itong nag kwento sa kaniya. 

"Baby ok kalang ?" Doon lamang siya natauhan. Tiningnan niya si Cloud na nakangiti sa kaniya, 

"Y-yes" 

Gusto niyang sabihin na 'Hindi.' paano niya masasabi na okay lang siya kung siya ay nanatiling kinakabahan. Kinakabahan siya Lalo na sa kaniyang iniisip. 

May possibility na titibok ulit ang puso na nasa kaniya ngayon 
kay 

Cloud.

His Possessive Ways(Season2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon