HYORIN POV
Lunch time na at kami lamang ni Blue ang magkasama, hindi ko alam kung nasaan ang mga baliw kong kaibigan. Napatingin ako kay blue habang may ka text ito, palagi nalamang itong kaharap ang cellphone niya.
"Blue?"tawag ko dito, ngunit nakatoon ang atensiyon nito sa cellphone, napabuntong hininga ako.
Kami na ni Blue, 3 years ako nasa amerika at kasama si Vanessa at ang kaniyang pamilya. Umuwi ako dito at sinagot ko si blue, totoo na ang lahat at mahal ko na ang asul na ito, after month ay sumunod sila vanessa dito. Syempre masaya ako sa wakas at makasama ko nanaman ang kaibigan ko, kahit naman ay 3 years kaming magkasama sa Amerika mamiss ko parin siya kapag hindi ko siya makikita...kapatid na kasi ang turing ko sa kaniya.
Pero nung sinagot ko si blue ay hindi ko alam kung masaya siya, ang nakikita ko lang ay hindi.
|FLASHBACK|
Gustong gusto ko ng bumaba sa airplane na ito dahil ang mahal ko ay naghihintay na. Si blue kasi ang sumusundo saakin ^_____^ siya kaya ang mahal ko hihi.
Dali dali akong bumaba, nakita ko agad siya na may malaking ngiti sa kaniyang labi. Niyakap ko ito ng mahigpit.
"OO" Sigaw ko habang yakap yakap ko siya, kumalas siya ng yakap saakin at nakakunot ang noo na nakatingin saakin.
"Sinasagot na kita Blue" sabi ko dito,
Napatigil ito.
"Blue?" Tawag ko dito, napatingin ito saakin ng seryoso.
"Ayaw mo ba?" Seryoso kong tanong. Umiling ito "G-gusto ko"
|END OF FLASHBACK|
Gusto niya pero saakin ay hindi. Ito ba ang gusto niya? Na mananatili sa ganitong relasyon? na palagi lamang siyang nakatuon sa kaniyang cellphone na parang may hinihintay na tawag O text, nilagyan pa niya ito ng password kaya hindi ko ito mabuksan O matingnan man lang.
Napatingin ako ulit dito, seryoso parin ang kaniyang mukha.
"Blue.." parang wala siyang narinig.
Tiningnan ko ang paligid at tumayo nalamang ako, nandito pala kami sa garden kung saan palaging nandito si Dyle noon pati na rin ang kaniyang kapatid na si Cloud, kami lang na magkaibigan ang nandito dito dahil nagpapaalam naman kami kay Cloud, kaya pinayagan kami.
Umatras ako,
"Blue, kapag hindi ka titingin saakin iiwan na kita." Pinipigilan ko ang mga luha ko, nanatili itong nakayuko at panay text.
"Blue.." naghintay ako ng ilang minuto para lamang mapalingon sa gawi ko pero bigo nanaman ako.
Lalakad na sana ako ng magsalita ito.
"Saan ka pupunta?" Walang bakas na emotion ang boses nito, napangiti ako ng mapakla.
"Tanungin mo ang sarili mo kung saan ako pupunta."
Luha wag kang tumulo, ayaw kong mag mukhang mahina sa harapan niya. Kahit ngayon lang ay makisama ka.
"Huh?!" Napakuyom ang kamao ko, siya pa ang may ganang singhalan ako? Kapal naman ng mukha ng lalaking to.
"TINANONG MO KONG SAAN AKO PUPUNTA? AALIS NA AKO! PAPAKAWALAN NA KITA. OH ANO? SAPAT NABA?!" Sigaw ko dito, taksil na luha! Bakit ka bumaba.
Nagulat ang mukha niya, napairap ako at pinahiran ko ang mga luhang pababa sa pisnge ko.
"Ano ba ang pinagsasabi mo."
"Hindi mo alam? Kanina pa ako tawag ng tawag sayo, h-hindi ko alam p.pero nagsisi ako na sinagot kita."
"Ano?!"
"ANO BA NAMAN BLUE! ALAM KO NAMAN NA HINDI MO GUSTO NA SAGUTIN KITA. ALAM KO NAMAN NA NAGSISI KA NA NILIGAWAN AKO DIBA? SA PALAGAY MO BA AY LARO LANG ANG MGA ITO?!"
Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko, tumayo ito at lumapit saakin.
"Kaya siguro m-mag hiwalay na tayo"
Tatalikod na sana ako ng may humablot sa pulsuhan ko.
Ang alam ko lang ay nasa bisig na niya ako.
"I'm sorry, si mommy ang ka text ko.. kailangan daw ako sa kompanya sa Korea." Nanatili parin ako sa dibdib niya.
"Masaya ako at sinagot mo ako, I'm sorry, wag mo akong iiwan. Saakin ka lamang mag tiwala baby.."
Hinalikan niya ako sa noo, sana totoo. Sana ang lahat ng ito ay walang halong pag-bibiro Blue.
Mahal na mahal kita.
BINABASA MO ANG
His Possessive Ways(Season2)
FanfictionTHAT 14 YEARS OLD IS MY WIFE (Season1) THE POSSESSIVE MR.CONWAY (Season2)