Chapter 34:

4.2K 110 1
                                    

Maagang gumising ang dalagang si Hyorin dahil sa ingay sa baba. Antok na antok pa ito dahil na rin sa kakaiyak niya kagabi, hindi niya parin kasi makalimutan ang lahat ng ginagawa ni Blue sa kaniya. Mahal na mahal niya si Blue pero kailangan na niya siguro na pakawalan ito, Bata pa si Natasha at kailangan ito ng Ama. Hindi pwede na si Cloud lamang ang tatayo nitong ama na hindi naman ito pinapansin kapag nasa mansion nila.

"Mommy ba't ba ang ingay niyo." Kinusot kusot pa nito ang mga mata habang pababa ito sa hagdan. Nagtataka ito at ang ingay nito, dalawa lamang sila sa bahay at bakit ba ang ingay nito eh ang aga pa. 

"A-anak si B-blue" tumigil sa pag kusot sa mata si hyorin at napatingin ito kaagad sa baba kahit na ay nasa gitna pa ito ng hagdanan. Nag iba ang templa ng mukha nito. 

"Anong ginagawa mo dito?" Tuluyan na itong bumaba sa hagdanan at hinarap ang binata. "Please mag papaliwanag ako." Pag mamakaawa nito. Umiwas ng tingin ang dalaga sa mga mata ni Blue dahil puno ito ng sakit at pagka ulila. 

"Wala ka ng ipapaliwanag pa Blue. Malinaw na saakin na wala na tayo, na may anak kana. Tanggap ko naman na may anak kana Blue siguro nga at hindi tayo para sa isa't-isa" 

Lalakad na sana ito na may biglang humawak sa kamay niya. Ganun nalamang ang pagka gulat niya na naka luhod na si Blue at may luha sa mga mata. Napatingin ito sa kaniyang ina na may pagka sa mga mata. 

"Anak mag-uusap nalang kayo. Siguro nga at kailangan mo munang makinig sa paliwanag ni Blue" sambit ng kaniyang ina. Mag sasalita pa sana ito ng tinalikuran ito ng kaniyang ina. Napabalik ang kaniyang tingin sa lalaking nakaluhod sa kaniyang tagiliran. "P-please" 

Nagtungo ito sila sa silid ni Hyorin, nakaupo si Blue sa kama at ganun din si Hyorin. Ngunit ay nakatalikod ito sa binata. 

"M-mag papaliwanag kana para m-makaalis kana." Walang gana nitong sabi. Napabuntong si Blue at pinahiran ang kaniyang luha sa mga pisnge. 


'3 Years Ago' 

THIRD PERSON POV 

Sunod sunod ang pag inom ng binatang si Blue sa kaniyang iniinom na alak. Gusto niyang manatili si hyorin sa kaniyang tabi pero bakit kailangan pa itong sumama sa kaniyang kaibigan na si Vanessa na nandoon naman ang ama at ina na si Amanda sa tabi ni vanessa. Bakit pa niya kailangan iwan si Blue? 

Mura ng mura ang binata. Nag-uusap naman ang mga ito bago umalis sa pilipinas ang babae ngunit parang ang hirap ipasok sa utak ng binatang si Blue. 

'Babalik ako' 
'Oy basta hintay mo ako ah' 
'Mahal na kita pero hindi ibig-sabihin na sinasagot na kita, basta ba hintayin mo ako' 

Yan ang mga sinasabi ng dalaga. Pero hindi niya talaga maintindihan! Ang gusto niya lamang ay mananatili ito sa kaniyang tabi dahil kailangan niya din ito, pinipili niya paring sumama sa kaniyang kaibigan na si Vanessa. 

"Hi" 

Napailing ito kaagad ng makita niya ang pag mumukha ni Veronica. "Nag-iisa ka ata." Sabi nito at kinuha ang alak sa kaniyang kamay at nilagok ito ni Veronica. "Akin yan!" 

"Hindi lahat sayo ay magiging sayo." Ngumiti ito at hinawakan ang kamay ni Blue na nakalapag nasa lamesa. 

"Pwede ba?" 

Tumayo si Blue at binawi ang kamay niya. "What? C'mon Blue wala si hyorin dito." 

"Then? You don't care!" 

"Oh." 

Inalok ni Veronica si Blue ng alak para mag inuman ito, wala namang magawa ang binata dahil nga ito din ang sadya sa bar. Nag inuman ang mga ito hanggang sa pareho na silang na lasing. 

His Possessive Ways(Season2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon