Chapter 3:

8.8K 179 0
                                    


Kinabukasan ay maagang nagsi gisingan ang mga katulong sa mansyon. Baka kasi ay mapagalitan na naman ito ni Veronica at mag dradrama na naman ito.




Bumaba ang binatang si Dyle kasama ang batang si Natasha.



"Kuya." Sambit ng binata sa kaniyang kuya Cloud ngunit hindi ito pinansin at tuloy tuloy lamang sa pag akyat.



Hindi nagustuhan ni Cloud na tumira ang kapatid nito sa mansyon niya lalo't may inis pa rin ito hanggang ngayon, pinilit naman niyang kalimutan ang lahat ng nangyari noon pero hindi niya ito magawa! Pumapasok na naman kasi sa kaniyang isipan ang lahat. Ang ikakainis niya lamang ay hanggang ngayon ay hindi niya parin nakikita si Vanessa.


"Galit po ba si daddy shayo?" Sabi ng bata na si Natasha. Napatingin si Dyle dito at pinisil ang ilong nito.



"Hindi alam ni kuya baby, baka hindi niya parin nakalimutan ang ex-wife niya." Sabi nito sa bata. Naningkit ang mga mata ni Cloud habang naka tayo ito sa likuran ni Dyle.


"She's not my ex-wife!" Sabi nito at humarap sa dalawa.


"Hindi mo pa rin ba tanggap na wala na kayo kuya? May anak na kayo ni Veronica." Sabi nito. Nanatili lamang na nakatitig si Cloud kay Dyle.

"Tss. I will do everything...to get her back!"


"Paano? Wala siya dito." Hindi pinansin ni Dyle si Natasha na hinawakan ang buhok nito sa likuran. Seryoso lamang ito na nakipag titigan kay Cloud.

Nag maang maangan lang naman si Dyle. Syempre alam niya dahil siya naman ang kasama ni Vanessa simula nung umalis ito.




"Wag kang umakto na hindi mo alam Dyle." Napalunok si Dyle.

Nakipag titigan si Cloud sa kaniyang kapatid ngunit tila mas malakas si Cloud sa pag titigan kaya umiiwas si Dyle. Binalik na lamang niya ang tingin kay Natsaha at ni laro laro ang buhok nito.



"Kuya? Alam mo naman na busy ako sa kompanya ni daddy diba? Tayong dalawa ay may sariling pinaghahawakan na. Ngayon pano mo masasabi na may alam ako kung nasaan si Vanessa."



Si Cloud ay nanatili sa Conway University kung saan nag-aaral si Vanessa noon. Nanatili ito palagi doon kahit na wala siyang masyadong gawin ay umuupo parin ito at kaharap ang picture frame ni Vanessa.



Masyado siyang patay na patay kay Vanessa ngunit hindi sumasagi sa kaniyang isipan na ipapahanap ito. Alam kasi nito na babalik at babalik pa rin ito sa Pilipinas dahil ang pamilyang Clarkson ay nanatili pa rin sa pilipinas.


"I dont believe you Dyle." Madiin ang bawat bukas nito.


Lumabas si Cloud sa mansyon kaya napabuntong hininga ito. Hindi siya makapaniwala na ganito pala ang epekto kapag ikaw ay iwan ng taong mahal mo. Hindi siya nakaranas kung paano iniwan dahil si Vanessa ay nanatili sa kaniya tabi, halos minuto ay hindi gusto ni Vanessa kapag aalis ito pero walang magawa ang dalaga dahil si Dyle dahil kailangan  siya ng pamilya niya.


Tumunog ang cellphone ng binata.

Bimuhat na nito si Natasha. Hindi naman ito malikot kaya hindi siya nabibigatan dito.


Sinagot niya ang tawag.


"Dyleeeeeee" napangiti ito, boses palang ay alam na alam niya kung sino ito.

"Hi Princess." Nakangiting bati nito.
Nagtungo siya sa sofa at doon umupo.


"Uwi kana. Bahala ka hindi talaga ako matutulog." Sa boses nito ay alam niyang nakanguso ito.


"Asus. Namimiss mo lang ako eh." Sabi nito. Himas himas ni Dyle ang buhok ni Natasha habang ang kaliwang kamay nito ay hawak hawak ang cellphone niya.


"Sobra. Punta kana kasi dito, please miss na miss kana ni Princess mo." Ani nito. Bigla na lang kinilig si Dyle. Hindi niya akalain na hanggang ngayon ay nanatili parin ang kanilang relasyon, noon pa lang ay ito na ang gusto ni Dyle na mahalin siya nito..

"Basta ba may kiss ako pag uwi ko diyan?" Natahimik ang kabilang linya.



"Gusto mo gawa tayo ng baby?" Sabi nito. Si dyle na naman ang natahimik, hindi niya masabi kung ano ang nararamdaman niya ngayon.



"Eh kasi kapag buntis na ako hindi mo na ako pwedeng iwan. Kasi ngayon pa lagi ka na lang wala dito eh." Napangiti si Dyle.

Hanggang ngayon ay may pagka isip ang bata si Vanessa kahit tumataas na ang edad nito. Siguro ay nasanay na ito sa inakto niya noon.





"Pwede namang magpakasal muna tayo bago gagawa ng baby diba?"-Dyle


"Ayaw ko nga. Para sure na Dyle."


Natawa si Dyle. Hindi niya akalain na pag-uusapan nila ang mga bagay na ito. Noon kapag pag-usapan nila ang about baby ay hindi nakikinig o iniiba nito ang usapan, pero ngayon ay ito na mismo ang nagsasabi na gagawa na sila ng baby kahit na hindi pa ito kasal.


"Papagalitan ka ni daddy mo?"


"Bahala ka nga. Babalik na lang ako kay Coleen. Hindi mo naman talaga ako mahal! mas mahal mo pa iyon babae na nakilala mo noon! Mahal pa niya kasi ako sabi niya hehehehe" Napa upo ito sa bigla.


Naalala niya ang babae na nakilala niya noon. Irish

Napa buntong hininga ito. Siya pa nag sabi na hindi lang si vanessa ang naging girlfriend niya. May isa pa siyang mahal pero wala na matagal na silang hiwalay yon lang ang inikwento niya kay Vanessa kaya wala ito masyadong alam.



"Eh hindi mo naman siya mahal."
Sabi ni Dyle dito. Pag iiba nito ng usapan.



"Pwede naman turuan ang puso blee." Hindi naka sagot si Dyle. Pwede naman talaga pero ang ikinagugulat niya lamang ay kung paano uuwi ito dito? Eh dito naman nakatira si Coleen.



"Princess hindi na talaga ako uuwi diyan bahala ka." Nagtatampo ang boses nito. Pero nagbibiro lang naman ito! Hindi niya matiis ang dalaga lalo't mahal na mahal niya ito.



"Huwaaaah joke lang naman Dyle eh, babe ko uwi kana please." Parang bata nitong sabi.



Bumalik na ang sigla ng dalaga, ngunit naging slow.. pero ang mga mata nito, ay nag iba.


Naging...

Masigla na rin ito.

His Possessive Ways(Season2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon