Chapter 15

5K 122 7
                                    

Editing

Chapter 15

Napangiti lamang si Ezekiel na pinagmasdan ang malaking ngiti ng kaniyang anak na si Vanessa, Alam na niyang may anak si Cloud. At masaya siya na gumagawa siya ng hakbang para lamang hindi mahulog ang loob ni Vanessa kay Cloud kapag ang mga ito ay magkikita O mag-uusap.

"Ano po ang pangalan niya?" Napaisip siya, ano nga pala ang pangalan non? Si Amanda lang kasi ang may alam ng lahat about kay Veronica. At si Amanda din ang nag sabi na may anak na pala ang mga ito.

Naalala niya ang pangalan ng bata,

"Princess Natasha Conway anak. Teka diba alam mo naman na buntis si Veronica bago tayo umalis patungo sa Amerika?" Napaisip si Vanessa, alam niya nga pero nawala sa kaniyang isipan.

"Eh akala ko naman kasi dad na hindi yon totoo eh." Napanguso ito. "Totoo yon at 3 years na ang kaniyang anak."

Ewan ba niya pero gustong gusto na niyang makita ang kapatid niya sa ina.

"Dad gusto ko pong makita ang kanilang anak please," pagmamakaawa nito, ngumiti si Ezekiel dito. "Basta ba hanggang kaibigan lang kayo ni cloud?"

Napasimangot ang dalaga "dad naman oo naman ano! Hind pwede kasi naman may anak na sila ^______^" -Vanessa

"Oh sige kay Cloud kanalang makiki-usap anak, hala late kana" napatingin ito sa orasan.

"Hindi po yan."Sabi naman ng dalaga, "aba, kahapon kalamang pumasok tapos ngayon malalate kana?" Tanong ng ama kay Vanessa. Tumingin lamang si Vanessa sa ama at malaki ang ngiti nito, "Oh anong klaseng ngiti yan?"

"Ahahahaha wala naman po, naalala ko lang na hanggang pala ngayon ay hindi kayo kasal ni mommy Amanda." Gaya ni Amanda ay Napatigil ito, ito nanaman siya at ang kaniyang ama nanaman ang kaniyang tutuksuhin.

"Aba, bakit alam mo ang kasal kasal na yan ha?!" Napapoker face ang dalaga, bakit?dalaga na siya at alam na niya ang mga iyon, 14 palang siya ay alam na niya dahil kinasal na ito kay cloud.

"Dad dalaga na ako, malamang alam ko na yon, tsaka duuh 7 years old ay alam na kung ano ang kasal na yan ano, aba change topic lang dad?" Sabay ngiti nito. Napalunok ang ama,

"Ano ba naman vanessa bakit kailangan nating pag-usapan yan."

"Dahil kailangan, gusto mo bang mawala si Mommy Amanda dad? Gusto mo makita yan na may kasamang lalake? Pwede naman din niyang sabihin na 'Hindi tayo kasal, kayang wala kang pakialam.'" pananakot nito, sinamahan pa nito sa kaniyang mata ng pananakot. Napalunok ang Ama.

"Syempre hindi, mapapatay ko ang lalaking kasama niya pag nagkataon!" Singhal nito, ngumisi si Vanessa "diba? Hindi po nga nakikita ay galit kana. Asus."

"Daddy, apat na taon na kayo diba? At alam ko na proposal lamang mo ang hinihintay ni mommy. Alam mo ba kung paano siya namula kanina? Nakakatawa ngang tingnan eh, ikaw din daddy kapag siya mawala." Halos sasabog nasa pagpigil ng tawa ang dalaga, hindi kasi maipinta ang mukha ng kaniyang Ama. Hindi niya akalain na ganito ang reaction ng kaniyang Ama! Halatang torpe.

"Pumasok kana nga. Late kana," pag-iiwas nito sa usapan.

"Torpe mo kasi eh, galaw-galaw din pag may time daddy. Ang ganda pa naman ni mommy. ^_____^ " kita niya sa mukha ni Ezekiel kung paano ito namula, hindi na niya mapigilan at tuluyan na itong humagakhak ng tawa.

"AHAHAHAHAHAHA"

Tinakpan ni Ezekiel ang mga pisnge nito at nag walk out, hawak hawak niya parin ang kaniyang tiyan dahil sa sakit.

"Baby Vanessa? Akala ko ba ay pumasok kana?" Napatigil si Vanessa at lumingon sa kaniyang ina na si Amanda,

"Pffft O-oo Hahaha po"

"Ano ba ang nangyari? Pumasok sa silid ang daddy mo na nakatakip sa kaniyang pisnge. At ikaw naman ay tawa ng tawa. Okay lang ba kayo? Ano ang pinag-uusapan ninyong dalawa?" Sunod-sunod na tanong ni Amanda, kagagaling lang itong kumain at nagligpit na din, iniwan niya lamang ang ibang pagkain dahil hindi pa kumakain ang dalawa.

"Tinanong ko lang naman mommy kung kailan kayo magpapakasal eh,"
Natuod si Amanda. Ito nanaman at Bumabalik sa kaniyang ina ang pang-aasar kanina.

"Bakit ka natahimik mommy? Wala ba kayong balak na magpakasal?" Sabi nito, tahimik lamang si Amanda na nakatingin sa dalaga.

"Mommy? Sumagot ka naman." Dag-dag nito, napabalik sa ulirat si Amanda. Hindi niya alam ang Isasagot nito, hindi kasi nila naisip ni Ezekiel na magpakasal pa. At hindi nila inakala na tatanungin ito ni Vanessa.

"Hindi ko alam baby, pumasok kana nga." Tinulak niya si Vanessa palabas, napanguso ang dalaga.

"Basta ba ay kasal muna bago may baby ang tiyan." Sabi nito at tumakbo ng tuluyan. Napabuntong hininga ito.

'Talagang pinagtripan ako ng batang yon'

----

Haayst sana Di niyo ako ibash sensiya na talaga, alam khong may wrong grammar at typos ang chapter hindi ko pa kasi ito binabasa babasahin ko din kapag may oras. Sana naintindihan niyo ako. 😎

His Possessive Ways(Season2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon