Sobrang kaba ko habang naglalakad kaming apat. Bakit? Kasi kami lang naman ang nagsasagutan diba? Kaya sila Coleen ay nanatili lamang sa canteen.
Hawak ko parin ang kamay ni Shern, nako naman first day of school ko dito pero ito na agad ang bungad ko? Malalagot ako nito ni daddy.
Pagkapasok namin sa opisina mukha na agad ni kuya Cloud ang aking nakikita, naka poker face lang ito na nakatingin saakin. Umupo si Shern at Cloud sa harapan ni Cloud at kami naman ni Shane ay nakatayo sa likuran ni shern,
"Ano yong pinag aawayan niyo!?" Hindi ko alam kung galit ba ito O hindi. Nakakaba naman ata to, bakit pa kasi ako umangal sa nag-aaway nila.
"Sir pwede bang amin nalang yon? Alam mo naman na hindi pwedeng pag-usapan." Sabi ni Shane, napatingin ito kay shane kaya umiwas na ako ng tingin bago pa magkatagpo ang aming mga mata.
"Hindi niyo kailangan mag away sa harapan ng studyante, hindi mabuti ang iyong ginagawa" napatango-tango ako, totoo naman kasi ang sinasabi niya.
"And you Mrs.conway," biglang umangat ang tingin ko dito, ano daw?
Napatingin silang tatlo saakin, ganun nalamang ang pagtagpo ng aking kilay dahil sa sinasabi ni kuya Cloud,
Hindi ako sumagot dito, bakit? Hindi naman kasi ako Mrs. Aba! Wala na kami ah?
"Sir? Who's Mrs.conway?" Takang tanong ni Shane, Oo nga. Sino nga?
"Naah. Dont mind" sabi nito pero nakatingin parin ito saakin.
"Bumalik na kayo," dagdag pa nito. Tumango kaming apat na lumalabas.
THIRD PERSON POV
Masamang nakatingin si Clark kay shane, bakit ba angal ito ng angal sa gusto niyang gawin sa kambal nito? Gwapo naman siya at mayaman. Pero bakit hindi ito gustong makipag sunduan sa kaniyang. Bigla lamang siyang nainis dito.
Lumabas ng tuluyan ang apat, nanatiling nakatulala si Cloud sa pintuan na nakasirado. Hindi niya alam pero bigla lamang siyang nainis sa kaniyang sarili ng makita niya si Vanessa, ibang iba ito noon. Kung noon may ay mauto mo ito, o malaruan ngunit ngayon ay halata sa mukha nito ay matapang, hindi na ito isip bata.
Napahilamos siya at sumandal sa kaniyang inuupuan, kanina lamang ay nagulat siya sa dalaga na kumakain sa canteen. Matagal tagal niya itong tiningnan para makakasigurado siya na totoo ba ang kaniyang nakita at hindi guni-guni lang niya. Ngunit lumingon si Vanessa kung saan nakatayo si Cloud at nag salubong ang kanilang mga mata. Pareho silang nagulat, biglang bumilis ang tibok ng puso ni Cloud. Pupuntahan niya sana ito ngunit tinatawag nanaman ito ng isang guro dahil may ipaperma ito, bumalik siya at nag bakasakaling nanatili parin iyon sa loob ng canteen. Totoo nga hindi siya nabigo, pero ang naabutan niya ay si Vanessa noon.
"Sige kunin mo para malaman muna mas lalake pa ako sayo."
Mukhang bumabalik si Vanessa noon na nagkakagusto ng babae, nainis si Cloud sa inasta ni Vanessa.
"TO MY OFFICE NOW!"
Hindi niya mawari pero nagseselos siya. Hindi niya alam kung sa'ng bagay siya nag seselos.
Pero hindi niya ito iniisip,
Pumasok sila sa opisina ngunit ang kaniyang mga mata ay pikit na pikit kay vanessa. Naadik ata ito sa mukha ni vanessa at parang wala siyang balak alisin ang tingin niya dito.
Kinakausap niya ito dahil kanina, binabalik nalang niya ang mga ito sa klase dahil alam niyang hindi niya Kailangan malaman ang kagaguhan na ginagawa ng kaniyang kaibigan ni si Clark,
Ng makita niya ulit si Vanessa ay hindi niya alam ang kaniyang gagawin, hahalikan ba niya ito o Yayakapin.
Mga halik noon na hanggang ngayon ay dala-dala parin niya. Mga yakap na gusto niya noon ay hanggang parin ngayon.
May kaunting pagmamahal pa siya kay Veronica ngunit mas umibabaw ang pagmamahal niya kay Vanessa.
Ginagawa lahat ni Veronica para kay Cloud,
Pero parang unti-unti talaga itong nawala ang pagmamahal niya kay Veronica,
Napabuntong hininga siya,
May anak silang dalawa ni Veronica, nababaliw na siya. Ano ang kaniyang gagawin?
Sino ang pipiliin niya?
Yong mahal niya
O yong
May anak silang dalawa.
(COOOORNY ANG LAST 😂)
BINABASA MO ANG
His Possessive Ways(Season2)
FanfictionTHAT 14 YEARS OLD IS MY WIFE (Season1) THE POSSESSIVE MR.CONWAY (Season2)