THIRD PERSON POVLunes na at sabay pumasok ang magkasintahan na si Vanessa at Dyle, magkahawak ito ng kamay habang naglalakad ang mga ito. Hindi nila namalayan na may matang nakasamid sa kanila.
Napayukom ang kamao ni Cloud. Hindi niya gustong may kahati sa mahal niya! Nagkakamali man siya noon sa kaniyang naramdaman pero ngayon ay hindi na. Totoo na ang naramdaman niya kay Vanessa at gusto niyang masakaniya ito ulit. Ano ngaba ang balak niya? Sa ngayon ay wala pa. Nag-iisip pa lamang ito para makuha niya ang taong mahal niya.
Bumalik ito sa opisina at padabog na sinira ang pintuan. Wala siyang ganang mag trabaho. Ayaw niya! Ang gusto niya lamang ay nandito na dalagang si Vanessa na masisilayan niya. Nakakawalang stress ang mga maliit nitong mukha, ang mabilog nitong pisnge at mapula nitong labi ay gustong gusto niyang titigan lamang mag hapon. Pero bigo itong papuntahin ito sa kaniyang opisina dahil nakabakod ang kapatid nito sa mahal niya.
Napaisip tuloy siya para lamang mapuntahan siya sa dalaga. Kinuha niya ang cellphone sa kaniyang bulsa at hinahanap ang numero ng dalaga. Tinawagan niya ito ulit, Ngunit paulit-ulit siyang tumawag wala paring sumasagot. 'Sht' napamura nalamang ito sa kaniyang isipan bakit hindi ito sumagot?
Nakalimutan niya na may pasok ito at report ng dalaga ngayon. Napasabunot siya sa kaniyang buhok! Nababaliw na siya. Ganito ba talaga kapag ikaw ay nagmamahal mababaliw ka kapag hindi mo makita?
Napatingin ito pabalik sa kaniyang orasan. Lunch time na, bigla itong tumayo at lumabas sa kaniyang opisina.
Tatlong minuto din itong naghihintay sa kaniyang opisina.
Tanaw na tanaw niya ang babaeng mahal niya na naglalakad ito papasok canteen. Ngunit mabilis ang bawat hakbang nito at hinawakan ang braso ng ni Vanessa.
"Ano ba!" Nagulat ang dalaga sa paghila ni Cloud, hindi Umimik si Cloud habang hila hila niya ang braso
ng dalaga na naglalakad,Ang mga mata sa studyante ay nasa kanila. Napalunok nalang si Vanessa sa titig ng mga ito. Kinakabahan siya na baka ay makakarating ito kay Dyle na magkasama sila ni Cloud.
'Hala ano naman ang kasalan ni girl?'
'Diba yan yong girlfriend ni Dyle?'
'Nako naman ang sungit pa naman ni sir Cloud. Pero gwapo pa rin.'Tuloy tuloy lamang ang paghila ni Cloud sa dalaga na parang wala itong narinig. Napangiwi si Vanessa ng maramdaman niya ang paghapdi sa kaniyang braso.
Binitawan lamang ito ng makapasok na sila sa opisina ni Cloud.
"Bakit mo ba ako dinala dito." Galit nitong sabi. Nakatitig si Cloud sa mukha nito, ito yong gusto niya! Yong titigan ang mukha ng mahal niya maghapon para hindi siya mabored sa loob ng kaniyang opisina.
"I miss you." Sabi nito pero ang mukha nito ay pareho parin sa dati. Walang reaction! Napakunot ang noo ng dalaga.
"K-kuya aalis na ako."
Lumapit si Cloud dito at hinawakan ang mukha nito. Lumunok si Vanessa.
"Do you know how much I love you baby? Please...don't leave me again"
Hindi makagalaw si Vanessa, nanatili ang kaniyang mga mata na nakatitig sa mukha ni cloud na umiiyak. Oo umiiyak si Cloud sa harapan ni Vanessa at ito yong una na nakikita niya si Cloud na umiiyak mismo sa harapan niya.
"K-kuya"
Hindi niya inaakala ang lahat ng ito, Yong umiiyak ang taong mahal niya noon na ngayon ay nag mamakaawang hindi siya iiwan ulit. Pero huli na ata ang lahat, pareho silang nagmamahalan ni Dyle ngayon. Gusto niyang umiwas kay kuya Cloud ngunit ito na mismo ang gumagawa ng paraan para lamang makita siya ng binata, kung si Cloud na ang gumagawa ng paraan ay hindi ito pumalpak!
"I love you, baby I love you so much. Promise me that you will never leave me again." (Hindi ako sure sa Grammar)
BINABASA MO ANG
His Possessive Ways(Season2)
FanfictionTHAT 14 YEARS OLD IS MY WIFE (Season1) THE POSSESSIVE MR.CONWAY (Season2)