THIRD PERSON POVTatlong taon na ang nakalipas.
Marami ang nangyari. Gaya na lamang sa buhay ng mga bida.
Naging success ang operation ni Vanessa, naging matatag ito dahil ang kaniyang ama na si Ezekiel at ang kasintahan nito ay palaging nagsasabi sa dalaga na 'kaya niya ito.'
Nanatili din si Hyorin sa America at palaging sinasamahan si Vanessa sa loob ng hospital room. Ang tatlo nitong kaibigan na sina Snow--Kyle at Micah ay nanatili sa Pilipinas dahil wala itong magawa kundi mag pa iwan lamang doon dahil nag-aaral pa ang mga ito. Mas pinili lamang ni Hyorin na doon na sa America mag-aral kasi doon ay maalagaan niya ang kaniyang kaibigan na si Vanessa, pumayag naman ang ina nito dahil alam niyang itinuring na rin ni Hyorin na kapatid si Vanessa.
Si Dyle naman ay nanatili din sa tabi ni Vanessa ngunit pabalik balik ito sa Pilipinas dahil sa pamilyang Conway, hindi kasi gusto ng mag asawa na manatili ito sa America..
Naging matatag ang relasyon nila ni Vanessa dahil sa pagmamahalan nito, masaya naman sila sa isa't isa lalo ba't magtatatlong taon na rin ang kanilang relasyon.Naging busy na ang buhay ni Cloud simula nong umalis ang kaniyang asawa---Oo asawa niya dahil hindi niya matanggap na wala na ito at iniwan siya. At doon niya lamang napagtanto na mahal niya ang kaniyang maliit na asawa at noong panahon na nalaman niyang wala na ito sa Pilipinas at pinirmahan ang annulmemt paper nilang dalawa ay tila nagbago na ito!
Gaya na lamang sa pakikitungo nito sa ibang tao, malamig---at walang makikitang emosyon sa mukha.
Nagsilang ng batang babae si Veronica ngunit labis na nakakapag taka, bakit nga ba na kahit pilik mata nito ay hindi nagmana kay Cloud? Labis na nag tataka ang pamilyang Conway pero hindi na lamang nila ito sinayangan ng oras para mag tanong, magkasama sa isang mansion si Veronica at si Cloud, pero naiinis si Veronica dahil ibang iba na si Cloud noon. Dahil ngayon kahit salita ay hindi magawa nito kay Veronica tanging ang anak lang nito ang kinakausap ni Cloud.
Pa ulit-ulit na sinabi ni Veronica kay Cloud na magpakasal na ito, ngunit pa ulit-ulit din na umaayaw si Cloud at doon ay tuluyan ng tumubo ang sungay ni Veronica! Hindi niya alam kung bakit ba ito nagbabago! Bakit ba ay tila galit na galit ang mga mata nito!
"Cloud! May anak na tayo kailangan na nating magpakasal!" Turan nito kay Cloud na nakaupo lamang sa kama.
Tiningnan lamang ito ni Cloud saglit tsaka tumayo.
"Cloud, hindi mo parin ba ako pananagutan?" Dagdag nito, pero nanatiling walang sagot si Cloud.
"Tatlong taon na ang nakalipas! Pero bakit ba tila nag bago ka na? Akala ko ba ako ang mahal mo!? Cloud maawa ka naman sa anak mo, nag sasama tayo sa isang mansyon pero hindi parin tayo legal na mag asawa!"
Napahinto si Cloud at nilingon ito.
Bakit nga ba ayaw siyang pakasalan ng lalaking ito subalit ito naman ang gusto nito noon?
"Hindi ko alam, ano ba ang dahilan mo at naging ganiyan ka? Nalunod ka na sa alak! Trabaho alak--trabaho alak! Yan na lamang ang trabaho mo sa buhay mo! Tapos ano? Uuwi ka na parang walang taong naghihintay sayo dito! May anak kana Cloud wag ka namang umakto na wala kang anak. Palagi na lamang umiiyak ang anak mo dahil hinahanap ka niya. Nagmamakaawa ako Cloud makinig ka naman oh!" Mahabang dag-dag pa nito.
Hindi gumalaw si Cloud, nanatili itong nakatayo sa kaniyang harapan at tinitigan ito, si Veronica na lamang ang umiwas ng tingin dahil parang walang balak ito na tanggalin ang mga titig nito sa kaniya.
"C-cloud"
"I will marry the girl that I love Veronica." sabi nito at umalis na sa silid.
Nanigas si Veronica sa kung saan ito naka upo ngayon, bakit sinasabi niya ang mga salitang iyon? Ano ang ibig niyang sabihin.
'I will marry the girl that I love Veronica.'
'I will marry the girl that I love Veronica.'
'I will marry the girl that I love Veronica.'
Pa ulit-ulit na sumasagi sa kaniyang isipan ang mga sinabi ni Cloud.
Papakasalan niya lang ang babaeng mahal niya? Bakit? Ako naman ang mahal niya noon pa? Bakit ngayon sinasabi niya 'yon. Mahal niya ako!
Tumulo ang luha ni Veronica hababng naka titig sa daan kung saan tinahak ni Cloud.
Hindi maari na hindi ako mamahalin ni Cloud! Kailangan na namin mag papakasal sa madaling mapanahon.
BINABASA MO ANG
His Possessive Ways(Season2)
أدب الهواةTHAT 14 YEARS OLD IS MY WIFE (Season1) THE POSSESSIVE MR.CONWAY (Season2)