Chapter 2:

10.5K 192 2
                                    


Napahilamos si Veronica sa kaniyang mukha habang ang mga luha nito ay naglandasan pababa sa kaniyang pisnge.



Bakit ganun si Cloud sa kaniya? Sa mga binitawan nitong mga salita ay pinapalabas nito na hindi na niya ito mahal. Hindi na nga ba siya mahal ni Cloud?



Maraming 'bakit' sa kaniyang isipan. Pero hindi niya alam kung itatanong niya ba ito kay Cloud o mananatili lamang ito sa kaniyang isipan at siya na lang ang umalam.



Napatingin ito sa lamesa na may nakalapag na picture frame kung saan silang dalawa ay masaya, mag kasama at nakangiti sa isa't isa.


'Vanessa'


Biglang pumasok ang pangalan ng kaniyang anak. Si Vanessa!


Tatlong taon na niya itong hindi nakikita, sabi ng mga kaibigan nito ay umalis ito at nagpunta sa ibang lugar, Tudo pasalamat siya dahil wala ng bwesit sa kaniyang buhay. Ngunit sa pagalis ni Vanessa, naglaho ang lahat. Hindi na nagpaparamdam ang dalawa niyang kapatid na si Cheska at Mark, tawag siya ng tawag sa mga ito ngunit wala pa ring sumasagot. Ayaw talagang sagutin ang tawag nito!



*Tok*Tok*Tok*


Napabalik sa wasto si Veronica ng may kumatok sa pintuan.



"Ano?" Naiinis ito, hindi kasi maalis sa isipan nito kung paano siya sinagot nito...ng masakit!



"M-mommy." Padabog itong tumayo sa kama ng marinig niya ang maliit na boses ng kaniyang anak.


Princess Natasha Conway ang pangalan nito, tatlong taon na ang kaniyang anak pero pareho parin ang trato nito sa kaniyang anak na si Vanessa. Hindi niya ito trinatato na totoong anak! Maging maganda lang ang pagtrato nito kapag si Cloud at ang pamilyang Conway ang kaharap niya.

Bakit? ano pa ang maganda nitong pag turing sa bata kung ginagamit lang naman niya ito!


Maputi ang bata, maikli ang buhok na hanggang sa leeg at may mapupulang mga labi. Ang pilik mata nito ay manipis at sakto lamang. Wala itong minana kay Cloud, dahil si Cloud ay mataas! Makapal ang pilik mata nito at matangos ang ilong. Sakto lamang ang kahabaan ng ilong nito.



"M-mommy." Nauutal na sabi nito.



"Ano? Sino ba ang may sabi sayo na magtungo ka sa silid namin ng ama mo!" Sigaw nito sa bata. Napayuko ang bata at nilalaro ang hintuturo nito.


"Ano sumagot ka." Dag-dag pa nito.


"I want you t-to come w.with me"


"Busy ako! Maraming mga bagay na kailangan kong gawin Natasha!"


Walang magawa ang bata kundi lumabas na lang sa kanilang silid.



Pareho sila ng silid ni Cloud dahil ito ang gusto ni Veronica ngunit hindi ito gusto ni Cloud na may kasama siya sa kaniyang silid subalit nag pumilit si Veronica kaya walang magawa ito kundi hindi umuwi sa gabi. Kung uuwi man ito ay sa kaniyang anak lamang ito tumatabi.



"Ma'am" Imbes na tatalikod na ito para bumalik sa kama ngunit tinatawag na naman siya nito. Lumingon ito na may galit sa mga mata.


"Ano ba! Ayaw ko munang may istorbo. Kung may sasabihin ka wala akong oras para pakinggan yan!"


"P-pero ma'am kailangan niyo pong samahan si Natasha sa pamamasyal!" Turan nito.
Napakuyom ang dalawang kamao ni Veronica.



"Samahan mo kung gusto mo!" Tatalikod na sana na naman ito ngunit may sumulpot sa pintuan.

"Hanggang kay Natasha ba ganiyan parin ang trato mo Veronica?" Napahinto ito sa paglalakad at dahan dahan na lumingon sa pintuan.



Mula sa makapal na kilay nito,
Maitim na buhok at maitim na mata nito ay lalo itong gumwapo. Matangos na ilong at maliit na mukha na nilandi niya noon ay ngayon patay na patay sa kaniyang anak ngayon!


"D-dyle." -Veronica


"Sige na manang ako na ang bahala sa kaniya." Tumango ang katulong nila at yumuko ito bago umalis sa kanilang harapan.


"Hanggang kailan mo lolokuhin si kuya."
Tulala lang si Veronica na nakatingin kay Dyle. Lalong gumwapo ang binata, litaw na litaw ang kulay niya sa suot nitong sando na puti. Pinarisan niya din ito ng maitim na pedal, halatang kagagaling lang ito sa pagtulog.



"Veronica." Tawag nito sa pangalan ng babae.



"H-huh? Ano bang pinagsasabi mo Dyle."

Pag maamg maangang nito ni hindi ito napa tingin sa mga mata ng binata.



"Pag nalaman niya ang lahat ng kalandian na ginagawa mo ma papatay ka niya! Lalo na siguro pag malaman ito ni Hyorin." Sabi nito at umalis.



Hindi nakaimik si Veronica, paano nga ba kung malaman ito ni Cloud? Kung malalaman din ito ni Hyorin? Siguradong pagtutulungan nila ito.


"Wala akong pakialam" Sabi nito sa sarili at tumalikod na ng tuluyan at humiga.



Hindi sila ang sadya ko kaya kung mag kakagulo sila wala na ako doon, Ginamit ko sila at gagamitin ko lahat sila!

His Possessive Ways(Season2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon