Chapter 30:

4.3K 97 5
                                    


HYORIN POV 

Nakatingin lamang ako sa mga batang naglalaro sa harapan ko, nandito ako sa park at nakaupo lamang. Nasasaktan ako ngayon. bakit nga ba masasaktan pa? Hindi ba pwedeng magmahal lang at walang masasaktan? 

Napahilamos nalamang ako sa mukha ko. Niluko niya ako! Niluko ako ni blue. Sino ba kasi ang ang kausap niya! Sino ba kasi ang ka text niya na ikatulala niya palagi? Ako yong kasama niya pero nasa cellphone lamang siya nakatuon! Ilang linggo na ang nakalipas nung pinatawad ko siya dahil nga humingi ito ng tawad dahil sa cellphone siya nakatuon. Sabi pa niya yong mommy ang ka text niya kaya okay lang saakin yon at pinatawa dko lamang siya. 

Pero tinanong ko si Red, ang kanilang bunso. Gusto ko lang naman na makausap ang mommy nila para naman makilala ko ito ng pormal, wala akong pakialam kung hindi ko sinama si Blue. Nagtungo ako sa mansion nila. 

Nagtanong ako kung busy ba ang mommy nila, kung nasa mansion ba nila ito o wala. Pero nakatulala lang si red sa harapan ko na parang nag tataka. 

'Ate? Wala na ang mommy namin. Namatay si mommy pagkatapos niyang ipinanganak ako.' 

Napanganga ako nun, nagsasabi ba ito ng totoo?

'Huh?' 

'Totoo po yon. Tanungin mo pa si kuya Blue. Tsaka hindi na nagbalak pa si daddy na magpakasal sa iba dahil sobrang busy ito. Matanda na din siya.'

Dito ako agad nag tungo pagkatapos kong kausapin si Red. Argh!

"Hyorin?" 

Napatingin ako sa likuran. Kumunot pa ang noo ko dahil hindi ko ito kilala. Bakit kilala ako nito? 

Bigla niyang tinanggal ang shades niya. Bigla nalamang akong nakanganga sa kaniyang harapana. Gwapo, ang puti at ang pula ng mga labi niya. 

"Ikaw nga" napaubo ako dahil bigla niya akong niyakap na napala higpit. Kinagat ko ang baba ng labi ko dahil hindi ko mapigilan na amoyin siya. 

Salamat naman at kumalas siya sa pagyakap.

"L-luke" nauutal ako, nakakahiya kasi dahil ngayon ko pa siya ulit nakita. Ewan ko dito kung saan ito nanggaling. Biglang nawala e. 

"Kamusta?" Tanong nito saakin. Naalala ko tuloy ang nangyayari kanina at ang pagsisinungaling ni Blue. 

"Okay lang naman, Ikaw? Bigla kang nawala ah? Saan kaba galing." Sunod-sunod kong tanong sa kaniya. Tumabi ito saakin kung saan ako nakaupo,

Tiningnan niya ako saglit at ngumiti ito. Sht ang gwapo ng lalaking to! 

"Sa korea ako nag patuloy ng pag-aaral, nandoon kasi sila mommy" sabi nito. Tumango tango ako dito. Kaya pala nawala ito ng biglaan, 

Napatingin kami sa batang babae na tumatakbo sa harapan namin ni Luke kasunod naman nito ay ang katulong. Halata naman kasi dahil tumatakbo din ito na parang hinahabol ang bata. 

"Baby natasha nandito ang tito Blue mo." 

Napatayo agad ako at hinila si Luke at nagtago sa malaking puno na nasa tabi lang namin.

"Hyorin bakit tayo nagtatago" 

Sumilip ako ng kaunti, nasa likuran ko si luke. "Wag ka munang maingay luke." 

Hindi na nga nagtatanong si luke kaya narining namin ang pinag-uusapan nung bata at ni Blue.

"Hi baby girl, kamusta ang araw mo?" 

"Okay lang naman tito. Bakit wala pa si mommy tito? Diba kausap mo siya sa phone kahapon?" Bulol na sabi ng bata. Diba ito yong anak ni Cloud? At bakit tumatawa si veronica kay blue? 

"Uuwi na siya baby bukas, dapat good girl ka ha? Magagalit talaga ako." 

Hindi ko maintidihan. Bakit kailangan na umakto si Blue na parang siya ang ama? Napailing ako.

"Labas na tayo hyo." Umiling ako habang naka silip pa sa dalawa na nag-uusap. Nakatalikod ito kung saan ako nakasilip habang ang isang katulong naman ay naka sideview ito. Gusto kong makita ang bata, hindi ko pa kasi ito nakita simula naisinalang ito! 

"Mamaya na Luke please lang diyan ka lang muna." Napakulit naman ng lalaking to. 

"Ah sir. Hindi mo ba sasabihin sa bata ang totoo?" Napakunot ang noo ko, "Manang bata pa si Natasha." Tumango naman yong babaeng matanda. Napabuntong hininga ako. 

'Blue ano ba talaga ang tinatago mo.' 

"Hindi talaga maitatanggi na kamukha mo si natasha sir blue. Sayong sayo nagmana eh." 

Napasandal ako sa puno at pinipigilan na lamang ang pagtulo ng luha ko. Lumingon ang bata kung saan ako nakasilip sa kanila. Nakita ko din ang buong mukha nito. 

Hayop ka Veronica!

--------

AN: Bukas nalang ang 9 Chapters,inaantok na ako. Goodnight sainyo. 💕✨

His Possessive Ways(Season2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon