Psycho 8 - Strangers

1.5K 50 14
                                    

Psycho 8 –

Strangers

 [Third Person’s point of view]

GULAT na gulat talaga si Leila. Hindi n’ya inaasahan na makikita n’ya si Clyde, hindi nya inaasahan na gising na pala ito mula sa pagkakacoma. Ni hindi naman kasi nagpasabi ang binata na nakabalik na pala s’ya, sabagay wala nga naman silang komunikasyon nito at hindi nila alam kung saan sya dinala ng mga magulang n’ya. 

“Clyde.. Ikaw nga.” Tawag n’yang muli sa pangalan nito kahit sa kabila ay sobra ang kabang nararamdaman n’ya. Ang daming pumapasok sa isip n’ya.

Tinitigan s’ya ng binata ng may pagtataka. “You know me?” kunot noong tanong n’ya sa dalaga.

Natigilan saglit si Leila at tila ba naguguluhan sa sinabi ng binata. Tinitigan n’ya ito at pilit na tumawa.

“Ano ka ba Clyde, wag ka ngang magbiro ng ganyan!” sabi n’ya at hinampas ang braso ng binata.

Napa-atras si Clyde sa gulat. Hindi n’ya inaasahan na hahampasin s’ya ng babaeng nasa harap n’ya. Ng babaeng hindi n’ya kilala.

“You’re creepy, I don’t even know you but you’re acting like we’re close! Who are you Miss? How did you know my name?” tuloy tuloy na tanong ni Clyde sa babaeng nasa  harapan n’ya.

 Pilit nitong ina-alala kung kilala n’ya ito ngunit wala talaga syang matandaan. Ang alam n’ya ngayon lang nagtuos ang landas nila.

Napa-iling siya at tila hindi makapaniwala. “Clyde! Ako ‘to! Si Lorsen, ang girlfriend mo.”

Lalong naweirdohan ang binata sa sinabi ng dalaga. Napatawa pa ‘to ng mahina at tinignan si Leila na tila nasisiraan na ng bait.

“If this is just a sick prank, drop it Miss. Hindi nakakatuwa. At isa pa, how will you be my girlfriend if I don’t even know you. Wala akong natatandaan na may iniwanan akong girlfriend dito sa Pinas.” Napabuntong hininga s’ya at tinuloy ang sinasabi. “ You see, kakauwi ko lang galing Canada. Tatlong araw palang akong nandito. So please stop making some fun of me! I’m a busy person.” Pagkatapos n’ya sabihin ‘yon ay kinuha n’ya sa kamay ni Leila ang cellphone nya. Aalis na sana ‘to ng hinawakan s’ya sa braso ni Leila kaya’t napaharap ulit sya sa dalaga.

“Ikaw si Clyde Lopez. Kapatid mo si Earl Lopez. Ako si Lorsen Domingo, ako ang girlfriend mo. P13 ang pangalan ng barkada na’tin but unfortunately may nangyaring---“

Tinanggal n’ya ang pagkakahawak ni Leila sa braso n’ya kaya’t natigilan ito sa pagsasalita.

 “What are you talking about? Yes, I’m Clyde Lopez but I don’t have a brother. Only child ako!” tinignan n’ya ng diretso si Leila sa mata. ”I don’t have a girlfriend, dahil kung meron man hindi ko sasabihin na hindi ko sya kilala. And I don’t know what’s with the P13, you are talking about.” Sambit n’ya at iniwanan na si Leila na mag-isa doon.

Tiningnan ni Leila si Clyde na naglalakad palayo sa kanya. Hindi s’ya makapaniwala na hindi s’ya kilala ng binata. Posible kayang nagka-amnesia sya dahil sa nangyare noon?

Another real psychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon