Psycho 25 - Leila's way

1K 51 7
                                    

Psycho 25 –

Leila’s way

[Leila’s point of view]

NAGLALAKAD na  ako patungong kwarto ni Lorsen pagkatapos kong tawagin yung nurse ni JM. Hindi ko alam kung anong nangyayare sa kaniya. Masyado na akong madaming problema, hindi ko na siya proproblemahin pa.

“Ikaw ba ang pumatay kay Chriselle?’ napahinto ako sa narinig. Mahina lang ngunit sapat na para maabot ng mga tenga ko. Napasilip ako sa isang pasilyong malapit sa morgue. May naaninag akong taong nakatalikod doon. Ngunit, ang ikinabigla ng sistema ko ang narinig mula sa kanila. Patay na si Chriselle? Ngunit, paano?

Hindi ako nagpahalatang nakikinig sa kanila. Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko, hindi ako gumawa ng kahit anong ingay para makita nila ako. Patuloy lang ako sa pakikinig.

“Gustong gusto ko ng gawin yun, pero hindi ko ginawa. May takot pa din ako sa Diyos kahit papaano.” Rinig kong sagot ng isang lalaking boses. Pamilyar ang boses niya, nilang dalawang nag-uusap.

“Kung hindi ikaw, sino ang may gawa?” rinig kong tanong nung isa.

Natahimik sandali yung kausap niya bago sumagot. “Hindi ko alam pero sigurado ako, alam ni Shobe kung sino..” kumunot ang noo ko.

Si Shobe na naman? Masyado ng malihim ang babaeng ‘yun. Panahon na siguro para malaman ko na ang lahat. Kung hindi siya madaan sa maayos na paki-usap, dadaanin ko siya sa paraang mas alam ko.

Lumayo na ako ng dahan dahan sa kinaroroonan nila. Mabilis kong inihakbang ang paa ko patungo sa kwarto ni Lorsen. Binuksan ko ang pinto at tumambad sakin ang nakadilat na mata ng kakambal ko habang umiinom ng C2 na nasa gilid niya, nakapa-upo siya sa kama.

“Baliw kana ba? Bakit ka nakadilat diyan at naka-upo kapa. Ano ‘to bahay mo?” sermon ko sa kanya at inilock ang pintuan. Baka kung sino pa ang pumasok at makita siya. Hindi talaga siya nag-iingat.

“Sungit mo naman. Na-uhaw ako e.” Nakanguso niyang sabi. Napa-iling nalang ako ng uminom ulit siya ng hawak niyang C2. Nakita niya ang ekspresyon ng mukha ko habang pinapanuod siya.

“Ang arte mo! Masarap kayo tong c2. Favorite ko ‘tong inumin.” Wala pa man akong sinasabi kaagad na niyang denepensahan ang paborito niyang inumin. Ngumisi ako ng nakakaloko bago siya sinagot.

“Kaya pala mapanghi ka.” Saad ko at nagtuloy sa pagpasok. Umupo ako sa gilid at ganun nalang ang pagkabigla ko ng lumipad ang unan niyang hawak sa ulo ko. Nahulog yun sa sahig. Pinulot ko naman at tinignan siya ng masama.

“You little witch!” sambit ko.

Dinilaan lang niya ako at humiga na ulit. “Tulog muna ako Leilang. Ikaw na bahala sa lahat. Wag mo akong gigisingin.”

“Yeah! Whatever Lorsen.”

Ilang sandali pa may kumatok sa pinto kaya’t napatayo ako sa kina-uupuan ko at naglakad para buksan iyon. Tumambad sakin ang mukha ng nakasimagot na si Kim at abot tengang ngiti naman ni Chris.

Another real psychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon