Psycho 19 –
Target
[Third person’s point of view]
“ANO bang dapat nating pag-usapan?” nakataas kilay na tanong ni Shobe sa kasama. Nasa isang sekretong silid sila sa kanilang unibersidad. Wala ibang nakaka-alam nito, walang ibang makakarinig sa kanila kundi sila lang dalawa.
“Baka masira ang plano natin dahil sa kaibigan mo.” Sambit nya habang nanliliit ang mga mata. “Kaya nya ba talaga?”
Napangisi si Shobe. “I think so. Kapag binalot na ng galit ang puso ng isang tao. Wala na syang kinatatakutan. Makakaya nya lahat kahit pa hindi nya ito ginagawa noon..”
“Sila Chriselle ba ang target?” bahagyang tumango si Shobe.
“Gagawin nya na ‘yun mamayang gabi. He’s ready anyway..” aalis na sana ang huli ng higitan ng kanyang kasama ang braso nito dahilan upang mapahinto sya. Tinignan ni Shobe ang kasama ng nakataas ang kilay.
“Do you really want him to be a killer?” seryosong saad nya.
Marahas na tinanggal ng dalaga ang kamay na nakahawak sa braso nya bago sya sumagot sa tanong ng kasama.
“I don’t, but that his life anyway. I can’t do anything about it. It his own choice.”
[Garlic’s point of view]
Tinapos namin yung prayer meeting kahit na may nangyare ulit patayan. Hindi ‘ko na alam kung ano bang nangyayare sa amin, sa eskwelahang ito. Gulong gulo na ‘ko. Parang pilit na ipinasasagot sayo yung isang math problem na hindi mo naman alam kung anong formula ang gagamitin.
“Garlic, uwi na tayo. It’s already 4pm..” napatingin ako sa wrist watch ‘ko at tinignan ang oras. Tama sya, alas kwartro na nga.
“Onion, hihintayin pa natin si Clyde diba?” kunot noo kung tanong sa kanya sabay tingin sa mga kasama ko. Ako, si Onion at si Chriselle lang ang nandito. Hindi ko alam kung nasan ‘yung iba. Masyado silang natakot dahil sa nangyare kanina.
Naka-upo kami sa may bench sa gilid ng Gym. Umalis kasi sya at sinabi nya na gagawa sya ng paraan para mapapayag sina Lorsen na tulungan nila kaming sa problema namin. Napag-alaman ‘ko na sila pala ‘yung namasacre noong isang taon. Naawa ako sa kanila dahil unti unti silang naubos nun, at the same time natatakot ako para sa amin ng mga kaibigan ‘ko.
“Clyde should convince his damn friends! Sayang ‘yung tiwalang ibinigay natin sa kanya kung hindi nya magagawa.” Mariin na giit ni Chriselle habang nakapameywang sa harap namin. Nagkasalubong yung kilay ‘ko at napatayo na din.
Hinawakan ni Onion yung braso ‘ko para pigilan pero hindi ako nagpapigil. “Sumosobra kana Chriselle. Wag mong isisi kay Clyde kung ayaw nila tayong tulungan! Remember, sa simula palang ikaw na ang may kasalanan ng lahat. Wala silang ginagawa sayo pero lagi mo sialng pinag-iinitan!”
Nakita ‘ko ang pag-awang ng kanyang bibig dahil sa sinabi ‘ko. Hindi din sya makapaniwala sa mga sinabi ‘ko. Nakikita ‘ko yun sa mukha nya.
BINABASA MO ANG
Another real psycho
Mystery / ThrillerBetrayal is not new. Be careful whom you trust. This is the sequel of Who's the real psycho?