Psycho 14 - Destroyer

1.5K 52 35
                                    

Psycho 14 - 

  Destroyer

 [Leila’s point of view]

NAKARATING na kami sa aming paroroonan. Sa isang mental institution. Nabalitaan ‘ko na dito dinala si Jayme. Kailangan ‘ko s’yang makausap.

Kailangan ‘kong makakalap ng inpormasyon.

“Tara na?” tanong sakin ni Jhay na ngayon ay katabi kong nakatayo sa labas ng institution na ‘to. Tumango ako bilang sagot.

Pagkapasok namin sa loob, mahahalata ‘mo ka-agad na hindi ito ordinaryong lugar. May maririnig kang iba’t ibang ingay. May sumisigaw, may umiiyak, may tumatawa at iba pa.

Palakad kami sa mahabang pasilyo, na walang kang makikitang ibang kulay kundi puti. Napalinis ng paligid. Lingid sa inaasahan kong magulo, madumi at mabaho.

Tahimik lang kaming nakamasid habang naglalakad. Maging si Jhay, ramdam ko ang pagiging seryoso n’ya. Halata kong may iniisip sya.

Huminto kami sa parang nurse station upang magtanong kung pwede syang madalaw. Si Jayme-

“Excuse me, pwede ba naming makausap ang isa sa mga pasyente dito? Si Jayme Javier..” tumigil sa ginagawa ang in-charge na nurse ng magtanong ako.

Una, tinitigan nya muna ako tapos ay kay Jhay.

“I’m sorry pero hindi na sya pwedeng tumanggap ng bisita ngayon. Kakatanggap nya lang kanina..”Napakunot ang noo ‘ko at mas lalong naging interesado sakin ang bagay na ‘to.

“Sinong dumalaw sa kanya?” tanong ni Jhay na puno rin ang kuryosidad ang tono ng kanyang boses.

Ngumiti ng maliit ang nurse bago nagsalita. “It’s confidencial, hindi pwedeng sabihin. Balik nalang kayo sa susunod na araw at isa pa, nagpapahinga na s’ya..” pansin ‘ko ang pagiging malikot ng mata ng nurse na ‘to kaya’t buong pagtataka ko syang tinignan. Namamawis din s’ya kahit na malamig dito. What’s wrong with her?

Magsasalita pa sana ako ng higitin ni Jhay ang kamay ‘ko. “We need to get out of here..” Nagmamadali s’yang makalabas kami.

Nakakunot noo ako habang nagpapatangay sa hila n’ya. “Bakit?” tanong ‘ko sa kanya ng makalabas kami sa loob.

“Wag nalang tayong makialam, Lorsen. Baka mapahamak lang tayo..” sagot nya at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse nya, hindi pa sana ako sasakay ng tinulak nya ako ng bahagya kaya’t wala na akong nagawa.

What’s wrong with him? He looks uneasy..

“Jhay, tell me what’s wrong..” sambit ‘ko ng ini-start na nya ang kanyang sasakyan. Binigyan nya lang ako ng mabilis na sulyap pagkatapos ay itinuon na ang paningin sa harap.

“Jhay!” tawag kong muli sa pangalan nya ng mapansing kong hindi nya ako sasagutin. Narinig ko ang pagbuntong hininga n’ya.

Another real psychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon