Psycho 22 -
On the loose again
[Leila’s point of view]
NAKA-UPO kami ngayon at tila nagpupulong pulong. Kailangan naming pag-isipan itong mabuti. Hindi kami pwedeng magpadalos dalos sa mga aksyon na gagawin namin kundi mas maraming mapapahamak.
Hindi din ako pwedeng magtiwala kahit kanino. Kahit pa sa mga taong kasama ko sa mga oras na ‘to. Kailangang magdoble ingat.
“So, ano ba talaga ang nangyayare satin?” biglang tanong ni Kim. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Jhay kaya’t tumingin ako sa kanya.
Sandali s’yang natahimik hanggang sa may mga lumabas na salita sa kanyang bibig.
“We’re in trouble again..”
“Well, that’s not a big news. Parang nakadikit na sa atin ang salitang trouble. Diba, noon palang.” Kaswal na sagot ni Kim pagkatapos uminom ng C2 na nasa tabi n’ya.
Napatango si Chris. “Kaya nga e. Buti nalang talaga at gwapo ako.”
“Anong connect?” iritadong tanong ni Kim.
“Wala eh. Gwapo lang talaga ako.” Nakangiti pa ‘to na abot hanggang tenga na tila ipinapakita lang yung mga mapuputi n’yang ngipin.
“Bungalin kita gusto mo?” biglang giit ni Kim. Natawa nalang kami ni Jhay, heto na naman po sila.
“Yoko nga. Tatahimik na nga po eh.”
Napangiti si Kim sa sinabi ni Chris. “Good. Go on Jhay.”
“So, as I was saying yung sabi ni Jack kanina ginagamit n’ya nung kapatid ni Earl para matupad n’ya yung walang kwenta n’yang pangarap. Noon palang pinlano na n’ya lahat.” Napakunot ako ng noo. Ganun din sina Kim at Chris.
“Ano namang pangarap nung Jack stone na ‘yun?” tanong ni Chris sa kanya. Yun din ang gusto kong itanong.
“Pangarap n’yang makilala sa pagpatay tulad nina Ted bundy. Yun yung gusto n’ya. Killing is an art for him..”
“Killing is an art..” pagbigkas ko sa mga huling sinabi n’ya. Natahimik ako saglit, natulala ako sa kawalan. Narinig ko na ‘yung mga katagang ‘yun. Umakyat ang kaba sa dibdib ko.
“Lorsen, okay ka lang ba?” tumango ako ng wala sa sarili.. Nakita ko ang pag-aalala sa mga tingin nila sakin kaya’t pinilit kong ngumiti kahit pilit.
“Teka, kung ginagamit ni Jack yung kapatid ni Earl. Ibig bang sabihin nun si Clyde?” tanong ni Kim sa amin.
Nagkatinginan kaming apat dahil sa tanong n’ya. Napa-iling ako.
“Heck no! Hindi ‘yun magagawa ni Clyde. Matagal s’yang nawala..” paninigurado ko sa kanila.
BINABASA MO ANG
Another real psycho
Misterio / SuspensoBetrayal is not new. Be careful whom you trust. This is the sequel of Who's the real psycho?