Psycho 32 - Don't betray us

991 41 10
                                    

Psycho 32.

Don’t betray us.

[Lorsen’s point of view]

“COME with me!” biglang sabi niya kaya’t mas lalo akong napa-urong. Umiling iling ako biglang pagtanggi ngunit wala na akong nagawa ng nilapitan niya ako at walang pakundangan na kinaladkad papunta sa loob ng kanyang sasakyan.  Hindi ko na ininda yung hadpi ngpagkakahawak niya sa akin kanina. Ang mahalaga ngayon, maka-usap ko siya.

“Clyde listen to me! Kung sino man yung kausap mo kanina, hindi siya nagsasabi ng totoo! Tinignan mo ‘ko! Hindi mo ba ako naalala? Ako ‘to si Lorsen! Ako yung girlfriend mo.” Sabi ko sa kanya ngunit hindi niya ako pinakinggan bagkus ay pina-andar niya ng mabilis yung sasakyan.

Kaya’t dali dali kong sinuot yung seatbelt baka kasi mabunggo kami. Mahirap na!

“Shut up please! I don’t wanna hear anything!” sigaw niya sakin kaya’t natahimik ako. Nangingilid na naman yung luha ko sa mga mata ko. Pinagpatuloy niya lang yung pagmamaneho at kung minsa'y titingin siya sa salamin sa harapan.

Hinawakan ko yung braso niya na kaagad naman niyang tinaggal gamit yung kaliwang kamay at tinignan ako ng masama.

“Please Clyde, makinig ka sakin! Don’t betray us..” mahinang paki-usap ko sa kanya habang pinupunasan yung luha ko sa pisngi. Nakita ko siyang napangisi sa sinabi ko.

"Mamatay tayong lahat. Ibubunggo ‘ko tong sasakyan kaya’t mamatay tayong dalawa.” Nanlaki yung mata ko sa sinabi niya at mas lalo akong kinabahan. Mas lalong bumilis yung pagpapatakbo niya ng sasakyan.

“No! Clyde, wag. Please? Wag mong gawin ‘yan!” sigaw ko sa kanya pero hindi niya ako pinapakinggan.

“Sino ka para pakiusapan ako? I don’t even know you!” walang emosyon niyang sabi pagkatapos ay biglang. Parang tinataga yung puso ko. Ang sakit sakit lang na marinig mula sa kanya ‘yun.

“Okay lang sige. Ibunggo mo, at least kasama kita kung mamatay man ako.” Sabi ko sa kanya at binigyan siya ng isang ngiti. I’m sorry Leila. Pero, hindi na ako ako makakatulong. Hindi ko na alam ang gagawin.

“I love you baby..”  pagkasabi ko noon tumingin siya sakin. Akala ko magkakaroon na ako nga pag-asa dahil tumingin siya pero hindi pala. Kabaliktaran! Nagmamaneho siya pero hindi niya tinitigan yung dinadaanan namin!

“I love you means goodbye?” sabi niya sakin. Kaya’t umagos na naman yung luha ko. Hindi ko mapigilan ang mapa-iyak. “Well, then goodbye missy. Whoever you are. Dahil sisiguraduhin ko na ikaw lang yung mamatay.” Nakita kong wala pala siyang suot na seatbelt pagkatapos ay binuksan na niya yung pintuan sa side. Naguguluhan ako.

Anong balak niyang mangyare? Napapikit nalang ako ng mapatingin sa harapan. Nakita kong ibabangga na niya yung sasakyan kung saan.

[Third person’s point of view]

Mag-aalas syete na ng gabi ng maisipan ni Kim na paalisin na si Chris sa kanila. Nakakain na din sila ng hapunan at balak pa atang doon matulog ni Chris pero hindi pumayag si Kim. Ayaw niyang masyadong malapit sa kanya ang binata. Mas mabuti pang palayuin niya ito ngayon mismo.

Another real psychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon