Psycho 1 –
Back to School
[Garlic’s point of view]
TAKBO lang ako ng takbo. May humahabol kasi saking SIZE eh! Kaninis. Nakakapagod kaya.
“Hoy! Girl bawang. Bumalik ka dito.” Sigaw nya sakin. Jusko! Iligaw nyo po sya please. O kaya madapa sana sya sa tae ng kalabaw. Lol. Meron kaya dito nun? Ai, ewan.
“Tigilan mo ‘ko Medium! Wag mo kong habulin.” Sigaw ko habang tumatakbo pa din. Hindi ko na nga alam kung saan ako pupunta. Gusto ko lang makalayo sa kanya. Kasalanan ‘to ng mga kaibigan ‘ko eh. Pero, itaga mo sa bato. Hindi ako papahuli!
Sinulyapan ko naman sya at hinahabol pa din ako. “Wag kang tumakbo!” sigaw nyang muli.
“Wag mo kong habulin!”
“Wag kang tumakbo!”
"Wag mo kong habulin!” Lumiko ako at napunta ako sa mini Forest ng school na’to. Jusko. Ako pa ata ang maliligaw, ngayon lang ako nakapunta dito.
“Garlic naman! Tumigil kana please.” Napahinto ako. Sa apat na taon ko syang nakasama sa High school, ngayon lang nya ako tinawag sa pangalan ko. Pano kasi, ang tawag nya sakin lagi ay Girl Bawang o kaya Babaeng panakot sa aswang. Aba! Kasalanan ko ba kung Garlic ang pangalan ‘ko? Isisi nya sa magulang ko no! Hmp.
Naramdaman ko naman ang paghawak nya sa magkabilang balikat ko. Rinig ko ang paghingal nya.
“Salamat naman at tumigil ka din. Makakaganti na ‘ko.” Napapikit nalang at napamura sa isip ko. Langya, naisahan ako dun ah! Kahit hindi ko sya lingunin, alam ko na may ngiti syang tagumpay sa mga labi nya.
“Fine. Kagatin mo na ako gaya ng pagkagat ko sayo kanina.” Sabi ko ng humarap ako sa kanya at hilahad ang kamay ko.
Kinagat ko kasi sya kanina sa braso habang naka-upo sya kasama ang kaibigan nya, isa na dun ang kapatid ko. Hulaan nyo ang pangalan. Onion lang naman. Ha ha ha! Tawa kayo dali.
“Bakit mo kasi ako kinagat?” tanong n’ya sakin habang nakataas ang isang kilay. Wooh! Hindi ko kaya ‘yun.
“It was just a stupid da—re..” Nanlaki yung mata ko. He kissed me! Feeling ko sasabog na ako sa pula. Nakita ko naman ang pagngisi nya.
“We’re quits Girl bawang.” Cool nyang saad at iniwan akong naninigas dun. Ilang Segundo pa din akong tulala at hinawakan ang pisngi ko.
“Medium Martinez, you’re so dead!” sigaw ko habang nang-gagalaiti sa inis. He just kissed me! And I freaking don’t like it! EWW!
[Jhay’s Point of view]
Saktong pagsakay ko ng sasakyan ko narinig kong tumunog ang cellphone ko kaya’t sinagot ko muna ito bago umalis. Siguro si Gomez na naman ‘to at mangungulit.
BINABASA MO ANG
Another real psycho
Mysterie / ThrillerBetrayal is not new. Be careful whom you trust. This is the sequel of Who's the real psycho?