Psycho 34 - After the pain

1.2K 48 30
                                    

Psycho  34 -

After the pain

[Third person’s point of view]

MADALING araw na ngunit naisipan ni Ralz magpunta sa paborito niyang bar. He’s no underage. He’s already 18 kaya’t pwedeng pwede. Kung dati nagpupunta siya dito para magsaya at mambabae, ngayon nagpunta siya dito dahil sa sobrang frustration sa mga pangyayari. Kakalibing lang kanina ni Nhai at hindi magtatanggal susunod na si Chriselle. Pagkatapos, umalis pa kanina si Onion at Garlic. Tuluyan ng nabuwag ang kanilang masayang pagsasamahan.

Lalo na ng mas lalong pinagulo ni Onion ang lahat. Yung mga sinabi niya, hindi niya maintidihan ngunit alam niyang may itinatago ito sa kanila. Masakit ang loob niya, may hinanakit para sa kaibigan dahil hindi sila nito pinagkakatiwalaan. Para san pa kung naging magkaibigan sila kung ganun lang din pala?

“Pucha! Para akong bakla, nagkakaganito ako para doon.” Mahina niyang sambit sa kanyang sarili matapos inumin ang alak na nasa maliit na baso. Naka-upo siya sa may gilid. Nag-iisa siya doon dahil wala siyang kasama.

Bumuntong hininga siya at tinignan ang buong paligid.

Maingay at malakas ang tugtog ng musika. Maraming tao, halos kasing edad niya lang lahat. Nagkakasiyahan ang lahat at ang iba ay nag-iindakan sa saliw ng musika. Iba’t ibang amoy, alak, sigarilyo at ang matatapang na pabango ng mga tao. Naghahalo halo na sa madilim na silid na iyon. May ilaw naman, pa-ikot ikot at iba’t ibang kulay. Kung hindi ka sanay malamang mahihilo ka.

“Hi babe, need some company?” tinigan niya ang babeng lumapit sa kanya. Kulang kulang ang tela na suot nito. Halos makita na ang buo niyang kaluluwa. Kulot kulot ang buhok nito na kulay itim. Kapansin pansin ang mapupulang labi niya dahil sa lipstick. Idolo niya siguro si Anne Curtis, pero iba ang aura niya kumpara sa artista. Mapapansin din ang kaputian ng kanyang balat dahil kulay itim ang kanyang maikling damit.

Tinitignan niya si Ralz gamit ang mapupungay nitong mga mata. Iniikot din nito ang dulo ng kanyang kulot na buhok gamit ang daliri kasabay ng pagkagat ng kanyang ibabang labi.

Ngumisi si Ralz sa babaeng nasa harap niya kaya’t mas lalong lumapit ang babae sa kanya. Ngunit ganun nalang ang pagkadismaya ang babae ng marinig nito ang sinabi niya.

“No thanks. No time for flirting tonight, darling. Now leave me alone..” malamig niyang sabi.

Kumunot ang noo ng babae at itinuro siya gamit ang hintuturo nito.

“What?!” hindi makapaniwalang niyang sabi. “Are you rejecting me?!”

Tinaasan siya ng kilay ni Ralz dahil naiirita na siya. Wala siyang panahon ngayon para sa mga babae. Masyado siyang maraming iniisip.

“Yeah, I think so..” balewala niyang sabi.

Napa-iling iling ang babaeng kulot habang may kung anong sa mukha nito. Galit, inis, pagkasidmaya? Halo halo.

“Seriously  dude, are you gay?!” aniya na nagpa-init ng ulo ni Ralz. Tumayo ito at hinablot ang babae at walang kung anu ano’y hinalikan ito ng mariin sa labi. Nabigla ang babae kaya’t hindi kaagad ito nakapagreact.

Another real psychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon