Psycho 26 -
A friend's word
[Third peroson’s point of view]
“GIRL bawang wag ka ng umalis!” nakangusong pakiusap ni Medium sa kaibigang babae. Nasa loob sila ngayon ng kanilang bahay. Iniwan niya ang kanyang mga kaibigan na nag-uusap sa labas habang isinasakay nila ang mga bagahe nina Garlic sa sasakyan. Gusto niya kasi itong makausap ng masinsinan.
Hinarap ng dalaga ang kanyang kaibigan at pilit na ngumiti.
“Kahit ayaw ko naman, wala naman akong magagawa. Hindi ko nga alam kung bakit biglaan nalang magdesisyon si Sibuyas e. Isa pa, nalulungkot din ako kasi hindi pa ako nakakapunta sa burol nina Nhai at Chriselle.” May luhang nagbabadya na tumulo sa kanyang mata kaya’t mabilis na lumapit si Medium para punasan ito.
“Wag kang ngang umiyak pumapangit ka lalo e.” Biro niya dito kaya’t nakatanggap siya ng hampas sa dalaga.
“Pero mas mabuti na din na wala ka dito..” mahina ngunit seryosong giit ni Medium kaya’t napatingin sa kanya si Garlic.
“Bakit?” nagtatakang tanong niya.
Ngumiti ng tipid ang binata at humiwalay sa dalaga. “Ang dami ng nangyayare e. Baka mapahawak ka pa, kahit Girl bawang ka hindi sila aswang para matakot sayo.”
Umiling si Garlic ng may ngiti sa labi. “Puro ka kalokohan size! Pero, kahit na lagi tayong nag-aasaran noon. Well, ikaw lang naman ang nang-aasar sakin e! Mamimiss kita.”
“Mamimiss din kita girl bawang! Wag kang mag-alala, kapag tapos na lahat ng kaguluhan dito. Susunod ako sayo..”
Napatango ang dalaga sa sinabi niya. “Umalis nalang din kayo para hindi na kayo mapahawak pa. Mag-iingat kayo ah?”
----
“Hindi na ba talaga kayo mapipigilan?” tanong ni Raff sa kaibigang si Onion. Inilalabas na kasi nito ang mga gamit nila ni Garlic. Isinasakay na niya ito sa kanilang sasakyan, ngayon ang alis nila palabas ng bansa.
“Oo nga Onion! Wag na kayong umalis, paano na ang pag-aaral niyo? Paano na kami? Tayo tayo na nga lang tapos mang-iiwan pa kayo..” malungkot na saad ni Angel sa kanya.
Napahinto sandali si Onion sa kanyang ginagawa at hinarap ang kanyang mga kaibigan.
“I’m sorry Guys but I need to get Garlic out of here.” Aniya habang nakatitig sa kanila. “Masyado ng delikado.”
“Pero---“
“Bakit feeling ko hindi lang ‘yan ang dahilan.” Biglang sambit ni Ralz na kanina pa nananahimik. Tinignan siya ni Onion na may pagtataka sa mata at the same time, may pangamba ang tingin niya sa kaibigan.
Lumunok muna siya bago nagsalita. “Ano ibig mong sabihin Ralz?”
BINABASA MO ANG
Another real psycho
Misterio / SuspensoBetrayal is not new. Be careful whom you trust. This is the sequel of Who's the real psycho?