Psycho 30 - Out of sanity

1.2K 47 18
                                    

Psycho 3 -

Out of sanity

[Third person’s point of view]

NAGMAMADALING pina-andar ni Jhay ang kanyang sasakyan. Sa sasakyan na nga din siya nagbihis ng damit sa kakamadali. Kinakabahan siya na hindi niya maipaliwanag pero may tiwala siya kay Leila, sa plano nito kaya’t ganun nalang kadali sa kanya ang sumunod sa mga pinapagawa nito. Kahit na nagkaroon ng lamat ang loob niya sa dalaga dahil sa nangyari noon. Pero, naniniwala siyang lahat ay may karapatang bigyan ng pangalawanag pagkakataon at isa pa si Lorsen na mismo ang nagsabi sa kanya na pagkatiwalaan si Leila dahil alam nito ang ginagawa niya.

Paano nga ba siya makakatanggi sa babaeng mahal niya?

Lumabas siya noon sa ward nila ni JM, iniwan niya itong natutulog. Nainip kasi siya at isa pa, alam niya sa sarili niyang kaya na niya. Hindi naman din niya kasi makausap ang dalaga dahil kung hindi ito tulog, tulala naman kung gising.

Kaya’t naisipan niyang pumunta nalang sa kwarto ni Lorsen, baka sakaling nandoon ang kanyang mga kaibigan. Naiinip na din siya dahil halos tatlong araw na siya sa hospital.

Pagkalabas niya ng ward nila, pakiramdam niya may nakamasid sa kanya ng mga oras na ‘yun. Inilibot niya ang tingin sa paligid ngunit normal naman ang lahat. May mga pasyente na kasama ang kanilang mga nurse. Palakad lakad ang mga tao at walang masyadong kakaiba kaya’t hindi na niya pinansin.

Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang makarating siya sa tapat ng kwarto ni Lorsen. Walang pag-aalinlangan na binuksan nito ang pintuan.

Nagulat siya sa nasaksihan, nanlalaki ang kanyang mga mata at mabilis ang tibok ng kanyang puso ng makitang walang Leila na nakahiga sa kama.

Mabilis niyang binawi ang pagkabigla at isinara ang pintuan. Inilibot niya ang paningin sa loob at nakita niya ang babaeng kakalabas lang ng banyo ng kwartong iyon. Nakasuot pa din ito ng hospital dress at ganun nalang ang pagkabigla nito ng makita niya si Jhay sa tabi ng pintuan.

Parehong gulat ang kanilang mukha habang nagtititigan. Nanlalaki ang kanilang mga mata habang tila naestatwa sa kanilang mga kinatatayuan.

“Gising kana?!” halos isigaw ni Jhay ang mga katagang ‘yun sa dalaga. Napa-urong si Lorsen sa pagsigaw niya. Napalunok pa ito ng ilang beses bago siya sinagot.

“Hindi! Tulog pa. Imagination mo lang ‘to. Okay? Tulog pa ‘ko. Nakapikit ako at nakahiga sa kamang ‘yun.” Itinuro ni Lorsen ang hospital bed niya. “Maliwanag ba Jhay? Tulog pa ako, wala kang nakita. Wala kang sasabihin sa iba, wala kang ikukwento kina Chris. Mawawala ang iyong ala-ala, I mean yung mga ala-ala mo lang ngayong oras na ‘to. Tulog pa ako Jhay, itatak mo sa isip mo. Hindi pa ako gising! Ilusyon mo lang lahat. Nagdidilehiryo ka la---“ hindi na natapos ni Lorsen ang sinasabi niya ng mabilis na lumakad si Jhay patungo sa kanya at binigyan siya ng isang mahigpit na yakap.

Nabigla si Lorsen sa ginawa ni Jhay. Kaya’t  nanigas siya sa kinatatayuan niya.

“Lorsen wag mo nga akong inihipnutismo, hindi ka naman marunong niyan..” mahinang pagbanggit ng binata sa pangalan niya kaya’t umakyat ang kaba sa kanyang dibdib. Naramdaman din niya ang biglaang pagkabasa ng damit niya sa balikat dahil sa manipis lang ang tela na suot niya.

Another real psychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon