Psycho 28 - Leila's conclusion

1.1K 48 15
                                    

Psycho 28 -

Leila's conclusion

[Leila’s point of view]

MAGLALAKAD na sana kami ni Jhay papunta sa kwarto ni Lorsen ng may maalala ako. Inihinto ko ang paghakbang kaya’t napahinto din siya. Ramdam ko ang tingin niya sa akin ng may pagtataka kaya’t humarap ako sa kanya.

“Jhay, bakit ka pala nasa labas at bakit nakalock yung ward niyo ni JM?” sunod sunod na tanong ko sa kanya. Nagulat ako sa reaksyon niya kaya’t mas lalong sumama ang kutob ko. Kumunot ang noo niya.

“Anong nakalock? Hindi ko naman ‘yun nilock kanina bago ako lumabas..” paliwanag niya. Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa at patakbo akong bumalik sa pintuan ng ward niya.

Kumatok ako ng ilang ulit pero walang nagbubukas. “Shit! JM, buksan niyo ‘to..” sigaw ko. Nakikatok na din si Jhay sakin. Ihihampas niya pa ang kamay niya sa pintuan.

“JM! JM! Buksan mo yung pintuan..” halos mawalan na kami ng boses kakasigaw pero wala pa ding nagbubukas.

Sinipa ni Jhay yung pintuan sa inis. “Shit! Sino bang naglock nito?! Ang alam ko bawal na bawal ito sa hospital!”

Pinagtitinginan na kami nung iba pero wala kaming pakialam. Biglang may lumapit saming guard. Inilayo kami sa pintuan ng ward nila.

“Miss, Sir, umanahon kayo. Ano bang problema?” tanong nila samin.

“Nakalock yung pintuan! Pwede bang buksan niyo na?! Yung susi nasaan?” hindi ko na mapigilang mapasigaw. Kaagad naman siyang tumango at biglang umalis.

Marami na ding nakiki-usyoso samin. Parami ng parami yung tao hanggang sa bumalik yung guard na may kasamang nurse at mga doktor.

Nagmamadaling binuksan nung guard yung pintuan sa mga dala niyang susi. Pagkabukas na pagkabukas. Halos patakbo ang ginawa namin ni Jhay para makita yung loob.

Nagkatingian kami. “Nasaan si JM?” tanong ko sa kanya dahil wala kaming nakitang tao sa loob. Ni anino ni JM wala. Malinis ang loob ng ward nila, wala din ang mga gamit niya.

Hinarap ni Jhay yung mga nurse. “Nasaan yung kasama ko ditong pasyente? Si JM Jacoba?” tanong niya sa mga ito.

Napa-iling yung nurse sa tanong niya. Nagkatingian pa sila nung doktor.

“Hindi ko alam..” tanging niyang sagot.

Napasabunot nalang ako sa buhok ko at napamura ng wala sa oras. “Shit!” hinila ko si Jhay palabas ng ward na ‘yun hanggang makarating kami sa loob ng kwarto ni Lorsen.

“Oh, anong nangyare?” nakahiga ngnunit bukas ang isang mata ng kakambal ko. Lumapit ako sa kanya at bigla siyang pinalo sa braso. Napa-upo siya dahil doon, halatang naman na nagulat si Jhay sa ginawa ko kasi mabilis siyang nakalapit samin.

Tinignan ko siya. “Chill lang Jhay, hindi ko siya aanuhin. Okay?” iritang sabi ko. Tumango naman siya at bahagyang umatras. Hinarap kong muli si Lorsen.

Another real psychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon