Psycho 18 - Tangled

1.4K 56 24
                                    

Psycho 18 –

Tangled

[Shobe’s point of view]

“SHOBBY! I’m so masaya, alam mo ‘yun?” napatingin ako kay JM ng sabihin nya ‘yun. Ano na naman kayang drama nito ngayon. Nandito kami ngayon sa taas ng puno, trip lang namin tumambay dito.

“Bakit naman?”

Ngumiti sya bago nagsalita. “It’s because you are buhay. Akala ko talaga you’re dead na.”

Kumunot ang noo ‘ko. Kagabi ‘ko pa napagtanto na tila akala nila patay na ako. Ano bang nangyayare. Hindi ko maintindihan.

“Pano mo naman nasabi?” puno ng kuryosidad na tanong ‘ko.

“Eh, kasi nga there’s this one person na hindi ko know that nagpadala ng picture mo, blood’s over your face and may itak ka sa ulo!” bigla akong nakaramdam ng kaba.

“Nasan yung picture?”

Napakamot sya ng ulo. “Binura ni Onion. That is so, nakakatakot kaya.” Fuck. So, malapit na talaga ang katapusan ‘ko.

Pinagbabantaan na nya ako. How great! Natatakot siguro sya na ibulgar ko lahat ng alam ‘ko. Natatakot syang mapunta sa wala lahat ang mga plano nya.

Kahit naman mamamatay ako, malalaman at malalalaman padin nila ang totoo. Masasagot at masasagot pa din nila ang mga misteryong ako lang ang nakaka-alam. Napaghandaan ko na ‘yun kung sakali mang wakasan nya ang buhay ‘ko.

“Shobe, mag-usap tayo..” napatingin kami sa baba ng may magsalita. Nakita ko sa gilid ng mata ‘ko ang pagtataka ni JM ng makita nya ang taong gusto akong kausapin.

Napangisi ako. Isa sya sa mga tumutulong sa kanya. Isa sya sa mga nag-uudyok sa kanya upang tapusin ang mga plano nya, na hindi natapos ng Kuya nya..

“Okay!’ saad ‘ko at dahan dahang bumaba mula sa puno.

[Third person’s point of view]

NASA hospital sina Jhay ngayon dahil sumama sila ng dalhin ang dalawang mga kamag-aral dito upang ipa-autopsy. Nagdatingan din ang ibang mga kaibigan ng dalawa pati narin ang pamilya nila. Puro, iyak ang maririnig sa parte kung nasan sila.

“Parang hindi naman tayo kailangan dito..” mahinang sambit ni Kim sa mga kaibigan. Nakatayo sila sa may gilid.

Narinig nila ang buntong hininga ni Jhay. “I think we need some place to talk..”

“Leila’s room.” Napatingin sa kanya ang tatlo. “Dun nalang tayo mag-usap. I’m pretty sure may Mum si not there.”

Maglalakad na sana sila ng mapansin nilang hindi pa humahakbang si Kim. Tila ba, nagdadalawang isip ito kung sasama ba sya dun o hindi.

Another real psychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon