This is a special chapter. Flashback 'to kung pano o kelan nagising ang mahal natin na si Lorsen. Para hindi na din kayo maguluhan. Pakibasa ng mula sa puso para maiyak naman kayo. Dejk lang. Haha. Enjoy reading. ♥
Lorseng & Leileng
[Lorsen’s point of view]
Dahan dahan kong minulat ang mata ko. Pakiramdam ko ang haba ng naging tulog ko pero kahit ganun wala naman akong napaginipan na kahit ano. It was a dreamless sleep. At isa pa, bakit pakiramdam ko ang baho baho ko na? Ilang oras ba akong natutulog?
Bigla nalang nagflash sa utak ko yung mga nangyare. Kasama ko si Leila sa lumang school. Sinabi n’ya na patay na si Bru, kasabwat n’ya si Earl. Hawak nila si Clyde at Kim. Tapos, mayroon ding nangyareng pagsabog. Galit siya sa akin. Kinamumunghian niya ako kaya humantong sa ganun ang lahat.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pagtulo ng mga luha sa aking mga mata. Kasalanan ko lahat. Sa akin nagsimula ang lahat kaya naging ganun. Ako dapat ang sisihin. Hindi dapat si Leila o kung sino man. Ako ang naging dahilan kung bakit nagka-ganun nalang siya.
Inilibot ko ang aking paningin sa buong silid kong nasan ako. Halos hindi ko na nga matandaan pero dahil sa litrato na nakalagay sa side table ng kamang hinihigaan ko ang litratro kung saan kasama ko si Leila nung mga bata pa kami. Hindi ako pwedeng magkamali, ito ang kwarto ko.
Nakaramdam ako na tila may nakamasid sakin kaya’t hinanap ito ng aking mata. Ganun nalang ang pagtulo ng luha ko ng makita ko s’yang nakatayo sa gilid habang nakatingin ng seryoso sakin.
Ngumiti ako kahit na patuloy ang pagluha ko. “Leila...” pagtawag ko sa pangalan niya. Humakbang siya palapit sa kamang hinihigaan ko. Ngayon ko lang napansin ang dami palang aparato na naka-kabit sa akin.
Naalis ang atensyon ko dun ng umupo siya sa kama ko. May mga butil din ng luha akong nakita sa kanyang pisngi.
Ako na mismo ang nagkusang punasan ang mga ‘yun. Buong akala ko iiwas niya ang kanyang mukha ngunit hindi. Hinayaan niya lang ako kaya’t lalo akong naluha.
“Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon na gising kana. Dapat ba akong matuwa kasi bumalik kana o dapat akong magalit sayo dahil mawawala na naman sakin ‘yung buhay na binuo ko sa pagkatao mo habang tulog ka.” Nakikita ko sa mata niya ang pangamba at takot na baka mawala sa kanya ang isang bagay na iniingatan niya ngayong gising na ako.
Nagulat din ako sa sinabi niya. Buhay na binuo niya sa pagkatao ko? Ibig bang sabihin, nagpanggap na naman siyang ako?
Hinawakan ko yung kamay niya magsasalita na sana ako ng inunahan niya ako kaya’t nakinig nalang din ako sa kanya.
“Alam mo Lorsen, pagod na pagod na akong magalit. Hindi naman kasi talaga ako ganito e. Kilala mo ko. Ikaw lang ang nakaka-alam kung sino talaga ako. Ikaw lang...”
Tumango ako sa sinabi niya habang tumutulo ang luha sa mata ko. Hindi ko mapigilan e.Tama kasi yung sinabi niya.
“Alam ko Lei, alam ko kung sino ka talaga. Ikaw yung kakambal ko na sobrang mahal ako. Kaya lang, hindi ko binigyan yun ng importansya kasi alam ko kahit anong mangyare hindi ka magagalit sakin. You loved me so much and I hate myself for taking you for granted back then. Ako ang dahilan kung bakit ka nagbago. Ako ang dahilan kung bakit ka naging miserable. Leila, I’m really really sorry. Maiintidihan ko kung hindi mo pa ako mapapatawad. I’m willing to wait even it takes forever..” Hindi na ako nag-atubiling punasan yung luhang walang tigil sa pagtulo mula sa mga mata ko.
BINABASA MO ANG
Another real psycho
Mystery / ThrillerBetrayal is not new. Be careful whom you trust. This is the sequel of Who's the real psycho?