Psycho 10 –
One down. Three to go.
[Garlic’s point of view]
NAKAKAINIS! Bakit ba kasi ang tigas ng ulo ni Chriselle? Hindi ko na alam ang gagawin ‘ko para mapigilan sila sa pinaplano nila, tapos ngayon ako pa ang mapapasama dahil hindi ako sumang-ayon? Naman eh!
Kinuha ‘ko ang cellphone ‘ko at denial ang number ni Clyde. Nagpalitan kasi kami ng number nung isang araw nung nakita ‘ko sya sa mall. Ang weird nga eh, parang kilala sya ng mga kaibigan ko.
Bakit ang tagal naman nitong sagutin? Ring lang ng ring eh.
“Lorsen, okay ka lang ba?” may narinig akong nagsalita kaya’t napatingin ako sa paligid. Nasa OSA kasi ako, walang masyadong tao dito. Meron nga, kokonti lang. Sa di kalayuan ng kina-uupuan ko nakita ko yung Jhay at Lorsen na nakatayo.
Tumango yung Lorsen pero halatang malungkot sya. Ano kayang problema nya? Hindi kami close pero ewan ko ba parang gusto ko syang maging kaibigan.
“Si Clyde ba?” lalo akong kinaen ng kuryosidad ko ng marinig ko ang pangalan ni Clyde kaya’t kinancel ko yung call. Hindi ako chismosa pero parang gusto kong marinig yung sasabihin n’ya.
“Ang daya kasi n’ya. Bakit hindi n’ya tayo maalala? Bakit hindi n’ya ako maalala Jhay, samantalang sya walang oras na hindi ko s’ya naisip. Akala ‘ko nung nagbalik sya, magiging okay na ulit lahat. Pero, nung tinanong n’ya kung sino ako biglang nalang naglahong parang bula yung sayang naramdaman ko nung nakita ‘ko sya ulit.” Napanganga ako sa sinabi n’ya. Kilala nila si Clyde? Paano? Hindi naman sila kilala ni Clyde eh. Bakit ba ang gulo ng mundo?
Halos maibato ‘ko yung cellphone ko ng magring, napatingin tuloy sina Jhay sa direksyon ‘ko kaya’t napa-iwas ako ng tingin at medaling sinagot ang tawag. Ni hindi ‘ko nga tinignan kung sino ang tumawag eh.
“Sino ‘to?” bungad ko.
“Si Clyde ‘to. Sorry, may nangyare lang. Bakit ka tumawag?” tanong n’ya sa kabilang linya. Si Clyde pala ‘to. Napatingin ako sa direksyon nina Lorsen, pero wala na sila doon.
Napabuntong hininga nalang ako. “I need someone to talk to..”
[Third person’s point fo view]
Nakangisi si Chriselle ng makita ang reaksyon ni Kim ng makita ang nilagay nila sa locker nito. Patago nila ‘tong pinapanuod kasama si Angel. Kahait ayaw ng dalaga ay napilitan s’ya upang kahit papaano ang mabawasan ang galit sa puso ng kaibigan.
“Look at her Angel. She’s pathetic! Nakakatuwa lang makitang takot na takot s’ya.” Sabi pa ni Chriselle dito kaya’t umirap nalang ‘to ng patago.
“Chriselle, can we just leave her alone? Baka may makakita pa sa’tin dito eh. Puntahan nalang natin sina Raff.” Pag-aaya nya sa kaibigan.
“Fine! I’ll just take a shot.” Sabi nito at inilabas n’ya ang kanyang mamahaling cellphone at kinuhanan ng litrato si Kim na halos mapa-upo na sa takot.
BINABASA MO ANG
Another real psycho
Mystery / ThrillerBetrayal is not new. Be careful whom you trust. This is the sequel of Who's the real psycho?