Finale

1.4K 43 44
                                    

Finale

[Third person’s point of view]

“TATAY mo si  J—Jack?” hindi makapaniwalang tanong ni Jhay kay Onion. Natigil pa ito sandali at tinignan ang binata na pilit na umaalis sa hinihigaan nitong kama.

Mabilis ang ginawang paghinga ni Onion at tila kinokontrol niya ang kanyang emosyon. Kinakalma niya ang sarili, dahil bigla nalang pumasok sa isip niya ang napag-usapan nila ng kanyang Ina noong nakaraang araw.

Matapos niyang maka-usap noon si Meduim sa telepono, bigla na namang tumunog ang kanyang cellphone. Tinignan niya ito at kumunot ang kanyang noo ng tumatawag na naman ang kanyang Ina.

“Yes, ma? May nakalimutan ka ba?” sabi niya pagkasagot ng tawag.

Natahimik sandali ang nasa kabilang linya kaya’t nagsalita siyang muli.

“Ma?” aniya habang nakakunot na ang noo.

“S—siguro kailangan niyo ng malaman ang totoo. Hindi man ito ang tamang panahon pero kailangan niyo na talagang malaman, yung J-jack na naka-engkwentro ng kapatid mo kanina. H—he is your father.” Parang tumigil ang kanyang mundo sa narinig. Hindi niya alam ang sasabihin niya. Natahimik siya at tila naninigas sa kinauupuan. Narinig niya din ang mahinang paghikbi ng kanyang ina sa kabilang linya. “I want you to stay away from him. Wala siyang gagawing maganda sa inyo, kaya sana as soon as possible, makaalis na kayo diyan. And son, pls always remember, whatever happens use your mind. Not your emotions okay? I love you, I’ll just call you later.”

Napapikit si Onion at huminga na naman ng malalim.

“Masakit man tanggapin na anak ako ng isang demonyo, pero ano bang magagawa ko? Kung naging demonyo na din ako..” mahina niyang sabi kaya’t mas lalong naging interesado si Jhay na makinig sa kanya.

“What do you mean? You can tell me, maybe I can help you..” mabilis na giit niya. Napangisi ng bahagya si Onion at tuluyan ng umalis sa hinihigaan at tinignan si Jhay sa mata.

“No thanks dude. You’ll just judge me and my fucking reasons..” malamig nitong sambit habang tila nagkakasukatan sila ng tingin. Walang kumukurap, walang nagpapatalo hanggang nagsalitang muli si Jhay.

“Try me. My friends did worst but I never judge them.” Aniya. “Kahit masakit yung kinahantungan namin pinilit ko nalang inintindi, alam mo kung bakit? Hindi naman kasi ako santo, nakakagawa ako ng pagkakamali. Kung perpekto lang ako, malamang hinusgahan ko na sila.”

Napabuntong hininga muli si Onion na tila sumusuko na. Itinaas niya pa ang dalawang kamay niya sa ere kahit na patuloy ang pagdugo ng isa sa mga ‘yun.

“Garlic killed for me and I killed for her. Prinotektahan niya ako noon kaya’t ganun din yung ginagawa ko ngayon. Siguro mali yung mga naging paraan namin, mali yung pinili kong solusyon, pero anong magagawa ko? I owe her my life that’s why I’ll do anything just to protect her...Just to make her life a normal one despite the fact that she isn’t normal. She’s mentally ill.” Pagkatapos ay malungkot siyang ngumisi. Tinignan niya din kung anong magiging reaksyon ni Jhay at ganun nalang ang pagkabigla niya ng ngumiti ito sa kanya.

Another real psychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon