Chapter 15
"Yes!!!" napasigaw ako sa tuwa ng nabasa ko ang text ni Mommy. Kasalukuyan akong nakikipaglaro ng basketball sa mga classmates ko. P.E. class namin ngayon. Ang mga girls nagvo-volleyball at ang mga boys naman nagba-basketball. Ayaw pa sana akong payagan ni Prof. Divinagracia pero binola-bola siya ng mga boys na pasalihin ako. In fact, pinag-agawan pa nila ako. *insert silent laugh*
"Ano iyon, Coli?"tanong ni PJ na kasamahan ko sa group.
"Ahhh...wala," sagot ko lang at binasa muli ang text.
From: Mummy
Necci, I can't make it today. I have an urgent meeting with your Dad's investors.
Iyon at binalik ko na agad ang cellphone ko sa bag. That message is enough para maging magana ako sa paglalaro at naipanalo ko ang game namin.
"Galing mo talaga, Coli,"pahayag ni Gerwin at nag-apir sa akin. After naming maglaro ay nagpalit na ako ng uniform ko at pumunta sa cafeteria bitbit ang sports bag ko.
I am so happy that Mom won't need to come here due to her busy schedule. It has been a week since our last talk and that was the time na nag-argue kami about sa cutting classes ko at pagsuntok kay Alvarez. I just couldn't contain the joy na hindi ko kailangang pumunta sa office ng dean na iyon. Bliss!!!
Pagdating sa canteen ay may namataan agad ang mga mata ko. Speaking of the devil!
Kasama niya ang ibang faculty members na kumakain sa Educators Lounge. Bigla siyang tumingin sa akin at ngumiti.
Urgh!
Imbes na tumuloy pa ako sa loob ng cafeteria ay tumalikod na lang ako at lumabas sa campus. Nagshortcut ako sa field papunta sa gate. I was half-way through nang may naramdaman akong humawak sa braso ko. Tiningnan ko kung sino at napaawang pa ang labi ko.
"Hey! Bitiwan mo nga ang braso ko,"inis na sabi ko sa kanya. Binitiwan niya naman ito at sumabay sa akin sa paglalakad.
"Saan ka pupunta, Necole?" nakangiting tanong niya. I dont know but I irritated by his smile.
"Pake mo naman,"sagot ko.
"I know, hindi ka pa naglu-lunch so sabay na tayo,"he knowingly said.
"Leave me alone,"inis na inis na talaga ako sa lalaking ito. Tumigil siya at bigla rin akong napatigil sa paglalakad.
"Sa gusto ko o gusto mo, magkasama tayong magla-lunch,"sabi niya at hinila ako papuntang parking lot.
I don't know pero hindi na ako nakakalas at nagpahila na lang ako kay Francis at natagpuan ko na lang ang sarili kong nakaupo na sa passenger seat ng sasakyan niya.
"Saan mo ako dadalhin, Francis?"galit na tanong ko sa kanya.
"Somewhere na magugustuhan mo,"sabi niya habang nakangiti.
At nakarating nga kami sa isang mall at huminto kami sa tapat ng isang fastfood chain.
"Tada!!!"presenta niya sa akin sa McDonalds. Magugustuhan mo ang food dito,he said.
"Jusko! Ive been here for a hundred of times Wala bang bago?"pagtataray ko.
"Meron... Ako. First time mong kumain dito sa McDo na ako ang kasama mo,"sabi niya at may sumilay na namang ngiti sa labi niya.
This guy is full of surprises.
Tahimik lang kaming kumain ni Francis. If he asks something, sasagutin ko lang tapos tahimik ulit. Ganito kami buong lunch time naming magkasama pero, I have to admit, busog na busog ako. Hindi niya ako tinipid.
Nasa car na kami nang nag-ring ang phone ko. Nagulat ako dahil si Mommy ang tumatawag.
"Hello, Mi?... Uhm sa labas pa po ako Pero di ba sabi mo di ka pwede?... Sige. Pabalik na.. Bye," I said as I ended the call.
"O, bat nakasimangot ka? Hindi ka nabusog?"nag-aalalang tanong ni Francis.
"Balik na tayo sa school,"sabi ko kay Francis at tumahimik na lang while nasa biyahe pabalik sa school.
Pagdating sa school ay mabilis akong bumaba sa car ni Francis
"Salamat sa Lunch!!!"sigaw ko habang tumatakbo papunta sa Deans office.
Hindi rin nagtagal ay narating ko ang Deans Office. Hay, makikita ko na naman ang pesteng iyon.
Humihingal akong pumasok sa opisina at nadatnan ko ang secretary ng Dean. Pinapasok niya ako agad. Without knocking, binuksan ko ang pinto at nakita kong nag-uusap si Mommy at Dean Alvarez. Napatingin naman sila sa akin at mukhang may kung anong sinabi ang Alvarez na iyon na may nakapintang galit at disappointment sa mukha ni Mommy.
"Have a seat, Ms. Gonzalo,"utos ni Alvarez. Naupo ako sa upuang opposite ng kay Mommy.
"Pinapaliwanag ni Dean Alvarez sa akin kung bakit pinaghiwalay kayong apat. Until now, you are acting like high school students kayat dapat lang na magseparate pala kayo,"sabi ni Mommy na ikinabigla ko. If my mom is in her right mind, she would not say this dahil alam niya kung gaano kahalaga ang mga bestfriends ko sa akin pero with Alvarezs lies, nasabi niya iyon.
"Mom!!! How could you?" I said as I stared at my mom like Im hurt. Im really hurt. "You know, how important they are for me, then you are siding on this impeccable guy?".
"Necole, he is not just a guy. He is your dean, You should thank him nga na hindi ka na-expel dito sa school na ito Necci dahil sa ginawa mong pagsuntok sa kanya,"galit na saad ni Mommy. My mom seems hypnotized by this guy like he is a saint. Itinaas ko ang kilay ko at hinarap si Alvarez.
"Then, give me one right reason kung bakit ako dapat magpasalamat sa lahat ng ginawa mo, DEAN ALVAREZ?"diniinan ko talaga ang sa title at name niya.
Tiningnan niya lang ako na parang tinatanggap niya ang hamon ko. "You want one right reason, Ms. Gonzalo?"he asked with an irritating smile on his face.
He said,"It's simply because I care for you, Ms. Gonzalo."
YOU ARE READING
Amitie
General FictionRated-PG *This story tells about love in every form. *This has profanities. *Purely Fictional