I had a bad day but every bad vibes went out when I jog at Esplanade alone. :D
Chapter 11
Nakita ko ang pag-awang ni Transferee aka Francis pero hindi siya nagsalita. Instead, hinawakan niya ang kamay ko at hinila palakad.
Ako: W-where are we going?
Francis: I know you are sad so I am taking you to the Happy land.
Putragis! Dapat bumitiw na ako sa pagkakahawak ko sa Alien na to. Pero sumusunod ang mga paa ko sa kanya. Maybe I really need a company right now.
Napansin ko na lang na nasa parking lot na lang kami. He opened the door for me.
Ako: Sa’n ba talaga tayo pupunta?
Francis: Trust me, Necole.
Now, he is smiling at me. Hindi na smirk kundi smile na talaga.
I get in his black BMW then he starts his car.
Well, his car is really like him. Simply black but fabulously pricey. Nga pala itong si Francis eh, Tunay ngang Ma-appeal. Ok, ma-appeal kasi parang pinaghalong Liam Hemsworth sa katawan at Nathan Max sa itsura itong isang to. Besides, hindi lahat ng gwapo may appeal at hindi lahat ng may appeal ay gwapo.
Wait…
Loading…
Ako ba talaga to? Creepy.
Francis: Necole. Necole.
Napatingin ako sa kanya.
Francis: We are here.
OHHHH. Why so fast?
Paglabas ko sumalubong sa akin ang hangin mula sa dagat sa baba. WE’RE ON A CLIFF. I didn’t know that this place is existing.
Ako: Ito na ba ang Happy Land?
He smiled and he takes my hand. Pumunta kami malapit sa edge.
Ako: Teka, teka… Wala akong planong magsuicide.
Natawa siya sa sinabi ko.
Francis: Who says na magsusuicide ka? I brought you here para mailabas ang lahat ng kinikimkim mo.
Ako: Sisigaw ako kagaya ng nasa mga stories at movies? NO WAY! Drama lang iyan.
Tumawa siya ulit.
Francis: Kung gusto mo pwd kang sumigaw kung makakatulong sayo. Ako kasi ang ginagawa ko, pinipikit ko ang mga mata ko at iniisip ko mga taong mahalaga sa akin o di kaya’y kina kinamumuhian ko. Kinakausap ko sila sa isip ko. . Minsan nga minumura ko pa sila. Harmless naman kasi wala kang masasakatan pero masasabi mo sa taong nasa isip mo ang mga bagay na hindi mo kayang sabihin sa kanila. Pakiramdam ko nababawasan ang kaba ko kaya nga minsan naipapahayag ko ang mga gusto kong sabihin. Subukan mo kaya baka makatulong sayo. Wala namang mawawala sayo. Pagbilang ko ng tatlo sabay tayong pipikit. Isa, Dalawa, Tatlo…
Pumikit siya.
Tinitigan ko siya at nakita ko ang kalmado niyang mukha. Siguro It really helps. Wala nga namang mawawala kung susubukan ko.
I close my eyes.
Ang unang pumasok sa isip ko ay sina Nom, Dave at Dennis. Ano kaya ang ginagawa nila? Namimiss ko na ang tatlong mokong na iyon. Since this morning kasi hindi na kami nagkikita. Noong lunch naman hindi ko rin sila nakita. Hindi talaga ako sanay na hindi sila nakakasama o di man lang nakikita. Nasaan kaya sila ngayon? Nagbasagan ng ulo nanaman kaya si Dennis? Busy kaya ngayon si Dave sa office niya? Si Nom kaya nakauwi na galing sa practice niya sa swimming? Putiks! Ano ba itong iniisip ko? Parang hindi na kami magkikita Ah! Sa school lang naman tayo hindi pwedeng magkasama. OA ko talaga.
Speaking of OA.. Naaalala ko si Mom na OA ang reaksiyon nang sabihin ko sa kanyang hahanapin ko ang biological father ko. Gustong gusto ko sanang makilala ang tunay kong ama. Sabihin na nating naku-curious ako. “Curiosity kills the cat.” So what? Buhay pa kaya siya? Ano kaya ang itsura niya? Sa kanya ko ba nakuha ang mata brown eyesn ko, ang roman nose ko, at kung anu-anu pang asset ko? May bago na kaya siyang asawa’t anak? Saan kaya siya ngayon? Bakit kaya niya kami iniwan ni Mommy? These questions haunt me all the time.
Now,now… Naaalala ko ang nangyari sa office ni Alvarez.( Dean namin. Eh di ko siya feel na tawaging Doc or anything pa. I don’t like him.) Nakakinis talaga siya. SOBRA! Ang gusto ko lang talagang sabihin sa kanya eh.
“TANGAMA MO ALVAREZ! SANA LAMUNIN KA NG LUPA! ANONG PAKIALAM MO SA MGA KAIBIGAN KO’T NILALAYO MO KAMI!? PAKIALAMERO KANG KAMBING NA MAY BANGS! SANA MABANGGA KA NG SASAKYAN NI BATMAN! SANA MATAMAAN KA NG PANA NI GREEN ARCHER! SANA MASUNTOK KA NI SUPERMAN! SANA TAPUNAN KA NI ZEUS NG KIDLAT! SANA KAININ KA NG HYDRA!!!!! SANA… SANA…”
Putiks! Parang basa na ang mukha ko ah. Minulat ko ang mga mata ko. Blurry pa ang paningin ko dahil sa luha. Shiks. Humarap ako kay Francis na nakatingin naman sa akin. Hindi ko napigilang mapayakap sa kanya at umiyak nang umiyak.
Francis: Sige lang Necole. I understand you. I know how it feels na nilalayo ka sa mga friends mo.
Sinabi niya habang nakayakayap sa akin. Wala na akong pakialam kung nananantsing na ang mokong na ‘to sa akin basta gusto kong umiyak.
Teka, ang kamay niya bumaba sa puwet ko. Putchi! Inalis ko ang pagkakayakap ko sa kanya.
Ako: Putiks ya Oh! Nakahawak ka na sa akin tsatsansingan mo pa ang pwet ko!
Sabi ko sabay sapak sa balikat niya. Sheezh. Matigas.
Ngumiti siya ng nakakaloko. OH MY OH MY!!! Mukhang di ko gusto ang ngiti nito ahhh!
YOU ARE READING
Amitie
General FictionRated-PG *This story tells about love in every form. *This has profanities. *Purely Fictional