Amitie- Coli & her Boys

42 0 0
                                    

Chapter 3

Nasa isang kilalang bar kami nina Dave, Dennis at Nom ngayon. Ano nga bang ini-expect kong gawin namin? Simula 3rd Year High school kami ay HSHB(House- School- House-Bar)  ang destinasyon namin kung may class day at HBO(House- Bar-Overnight) naman kung weekend. Hanggang ngayon, ganito pa rin routine namin. Nakakasawa na nga pero dito kami masaya eh.

Bawat isa sa amin ay may kanya-kanyang problemang gusto kalimutan at takbuhan. Si Nom pinoproblema ang kanyang  mga magulang dahil ang Dad niya ay may ibang babae. Sina Dennis at Dave naman namumroblema sa pagpapatakbo ng negosyo nila dahil ulila na sila sa ama gaya ko. Sabihin na nating may bagong asawa ang Mom ko pero hianahanap ko ang tunay kong ama na alam kong hindi ko na uli makikita. Tama nga sigurong bawat isa ay may kanya-kanyang problema pero may iisa kaming problemang parehong hinaharap. Ito ay ang pare-pareho kaming hindi nabibigyan ng oras ng aming mga magulang.

Makakakain nga kami ng mga masasarap na pagkain tatlong beses araw-araw, may malalaki kaming mga bahay, may magagara kaming sasakyan at makakapag-aral kami sa isang primera klaseng paaralan pero katumbas naman nito ang oras na makakasama namin ang aming mga magulang.

Tanging kaming apat na ang bumuo ng aming sariling pamilya dahil sa hirap at ginhawa, thick and thin man, ang isa’t isa ang aming sumpungan.

Kaya nga noong mag-decide ang tatlong mokong  na maghihiwalay-hiwalay kami ng school, labis-labis ang Depression ko. At Nang, Makita ko silang nakasuot ng uniform which is the same with mine (Hindi ang skirt ha?)  sobra-sobra ang saya ko. Hamakin? Dahil sa sobrang saya ko nakangiti ako maging sa Classroom namin. Kaya nga lang dahil sa sobrang ngiti ko eh ako pa ang naelect na classroom President.

(Demmit!Tangama! El Presidente ako! Ni hindi nga ako marunong mag-speech ako pa ang napili??? Mundo pa ba to?)

Ako: Ano ba naman to? Ako pa ang napiling president!

Dennis: May sinasabi ka, Coli?

Ako: Oo. Naalala ko na naman ang election kanina.

Dave: Maniwala ka dyan. Si Julissa ang iniisip niyan.

Dennis: HAHAHAH! Tangama Coli! Magkakagusto ka sa babae hindi pa iyong tuald ni Miranda Kerr!!

Nom: Alam naman natin na iba ang tipo ng Coli natin.

Ako: Tumahimik nga kayo! May papasok na Bebot. 2 AM banda.

Napatingin silang tatlo sa babae na papalapit na sa amin. Bagay sa kanya ang mini dress sa mala-hour glass niyang katawan at mala-modelong mukha, Notice ko lang.

Dave: Hoh, tumitingin sa akin.

Nom: Dude, sa akin sya nakatingin.

Dennis: Anong sa inyo? Sa akin.

Nanaman! Nag-aaway sila sa babae palibhasa wala pa silang mga girlfriend. You read it right. Wala pa silang mga girlfriends since Birth… (NGSB=No Girlfriend Since Birth) d=___________=b

Sabihin na nating, experienced silang tatlo pero wala ni isa sa kanila ang nagkarelasyon.

Ewan ko ba kung bakit pa sila single hanggang ngayon. Minsan nagdadalawang isip na ako sa kasarian nila. Iyon nga lang, kilala ko na sila eh kaya hindi ko masasabing bebot  rin sila.

Speaking of bebot, ang bebot na pinag-aawayan nila ay hinalikan ang isang waiter. At doon natahimik ang  tatlo.

Waiter: Sino sa inyong nagsabing kayo tinitingnan ng girlfriend ko?

Nom, Dave, & Dennis: SIYA!!! (Sabay turo sa isa’t isa)

AmitieWhere stories live. Discover now