Chapter 22
*Dennis POV*
Nom and I are currently here at Harveys curb again. Nauna na kami ni Nom dito since Harvey gave us his penthouses passcode kaya nakapasok kami. Dave should have been with us right now but he has to fix some issues sa gaming-bar namin. It seems like our competitors in the business are badmouthing not only our business but us, the owners. I wonder, whos the f*ckhead behind this?
I could smell something fishy around here. Not metaphorically but literally To my surprise, Nom is waving his 3-day old socks to my face.
Ako: Tangma, Corpuz!!! What was that for?
Sa lahat sa amin, si Nom lang talaga ang may abilidad na maging sobrang kind (note the sarcasm),lalo na sa mga nakakasukang bagay.
Nom: Kanina pa ako nagsasalita rito pero parang bingi ka, g*go.
Ako: Ano ba iyon?
Nom: You think nagbibiro lang talaga si Harvey nang sabihin niyang manliligaw siya kay Coli?
Medyo uminit bigla ang paligid ko sa narinig ko. G*gong iyon. Biglang nagflash ang nangyari 3 days ago noong nagising kaming lahat with hangover
*Flashback*
Nagbreakfast/lunch kami dito kina Harvey pero ang kulit-kulit nina Dave at Nom. They are blackmailing me with something. I hate it but I am helpless right now. Tangmang mga ito oh!
Nom: Priceless talaga ang nakita natin, di ba Dave?
Imbes na sumagot, tawa lang ng tawa ang kakambal ko. Isa pa ito e! Tangma,oo!
Tapos inilabas ni Nom ang smartphone niya at parang nandoon ang pangblackmail niya sa akin.
Nom: Wanna see again Dave?
Tumango si Dave at lumapit kay Nom. Ilang saglit pay tawa lang sila nang tawa. Tangma!
Ako: Hoy mga g*go, patingin.
Imbes na sumagot, tawa pa din sila nang tawa kaya pinilit kong agawin kay Nom ang phone niya. Kaasar! Ano ba iyon? Tumayo na si Nom para mas hindi ko maabot sa kanya ang phone niya.
Until
Harvey: Pwede ba akong manligaw?
Narinig kong napaubo si Coli na parang nabulunan at parang nagfreeze kaming tatlo.
What was that?
Nabalik lang ako sa realidad nang marinig naming may bumagsak sa marmol na sahig. Nice timing.
Nom: Oh shit!!!! Ang iPhone ko!!!!
Mabilis na kinuha ni Nom ang phone niya sa sahig. Hindi naman ito wasak pero ang screen niya ay may crack na. He tried to open it pero ayaw talagang gumana.
Parang ako lang ang nakanotice ng effort ni Nom sa phone niya dahil parang walang napansin ang iba kong kasama. Hindi makatingin si Harvey kay Coli habang si Coli naman ay nakatulala na parang nag-iisip pa sa sinabi ni Harvey. Ang kakambal ko naman ay naghihintay sa susunod na mangyayari at ako ay tahimik na nagmamasid.
Tumikhim si Harvey bago magsalita.
Harvey: Biro lang, Coli!!! Ang iingay kasi ng mga mokong.
Parang nakahinga naman ng maluwag si Coli at napatawa ng bahagya.
Coli: Sus! Salamat, Harv at napatahimik mo nga sila. HAHAHAHAHAHAHA
YOU ARE READING
Amitie
General FictionRated-PG *This story tells about love in every form. *This has profanities. *Purely Fictional