It was my first day at my new work where it all started. At first im fine with it dahil sabi ko sa sarili No Strings Attached to avoid the unnecessary pain but one particular person successful invade the wall i built up back when i was a little girl.
FLASHBACK
" Tigilan na natin to Paolo, di mo ba nakikita hindi na ako masaya sayo. Naging kampante ka bilang isang office worker akala ko ba pangatap mong magkaron ng sariling bahay pero bakit di ka magsumikap!"
I woke up dahil sa pagaaway ng magulang ko. Halos araw-araw ganto sila paguuwe si Papa galing trabaho siguro ayaw na ng Mama sa buhay na to kaya ganun niya pakitunguhan si Papa.
" Martina, ginagawa ko naman lahat ng makakaya ko ah, wag mo na kameng iwan ng bata pano kung magtanong siya anong sasabihin ko? Martina maaayos natin to magtiwala ka naman sakin"
" Paolo, Tama na, Isasama ko Isabel ako ang magpapalaki sa kanya."
" Hindi Tin, kung gusto mong umalis. Sige umalis ka pero dito lang si Isabel sakin"
Di na ko nagulat kung gusto ng iwan ni Mama si Papa pero kahit anong mangyari kay Papa lang ako sasama hindi niya deserve maiwan magisa dahil ginagawa niya naman ung kaya niya para samin. Lumabas ako ng kwarto ko at lumapit kay Mama.
" Isabel, anak ayusin mo na ung gamit mo aalis na tayo isasama ka ni Mama okay" hinila ko ni Papa pero di pumayag si Mama
" Tama na po! Mama hindi po ako sa inyo sasama dito lang po ako kay Papa" nagulat ang mama ng sumigaw ako at napaupo na lang silang pareho.
" Isabel, bumalik ka muna sa kwarto mo ha. Kakausapin lang ni Papa si Mama okay ba yun?"
Bumalik ako sa kwarto ko at patuloy ang pagaaway nina Papa at Mama tinakpan ko ang mga tenga ko pero narinig ko si Mama.
" Sige iiwan ko si Isabel panigurado naman akong hahanapin niya ko dahil di mo siya mabigyan ng maayos na kinabukasan"
Bumalibag ung pinto at narinig kong umiiyak na si Papa napaiyak na lang din ako dahil dun, iniwan na kame ni Mama.
When I was younger
I saw my daddy cry
And curse at the wind
He broke his own heart
And I watched
As he tried to reassemble it
And my momma swore
That she would never let herself forget
And that was the day that I promised
I'd never sing of love
If it does not existAraw-araw kong naaabutang umiinom si Papa at bigla na lang siyang iiyak at kung ano-anu ang sasabihin sobrang nasaktan si Papa sa pagiwan samin ni Mama pero sinisigurado niyang okay ako bago niya gawin un. Kumbaga hinanda na niya ung kakailanganin ko bago niya lasingin ang sarili niya. Minsan pa nga naririnig kong tinatawagan niya si Mama at nagmamakaawa na balikan kame. Pero naging matigas si Mama ayaw niya ng balikan si Papa dahil nga talunan na daw ito na wala ng magbabago kung babalik pa siya sa amin kaya dahil dun sinabi ko sa sarili ko na gagawin ko lahat para protektahan ang sarili ko sa sakit na pwede kong danasin ng dahil sa pagibig. Pero dumating siya. Dumating yung taong magpapabago ng lahat. Isang bagong umaga at kailangan ko ng pumasok sa trabaho pasakay ako ng elevator nun nang may biglang pumigil sa pinto bago siya maipit binuksan ko ito, nagulat pa ko dahil mukhang bago siya dito
" Salamat, hooh buti na lang nakaabot ako" sabi niya na halatang naghahabol ng hininga
" Bago ka dito noh?" Pagtatanong ko