CHAPTER 10

736 29 1
                                    

-- Hero POV --

Natapos ang activity naman at agad kaming na-teleport pabalik sa loob ng academy. I sigh.

Mabuti na lang at tapos na ang oras kundi lagot na ako sa lalaking lobo na iyon kanina. Actually, muntikan na rin ako dun kanina. Buti na lang at nakaiwas ako sa huling atake niya.

I felt his full power in that last attack awhile ago. Akala ko talaga ay katapusan ko na. Literal na katapusan ng buhay ko pero buti at umandar ang utak ko at nakaiwas dun sa atake.

Pero matapos rin yon ay hindi ko na matandaan pa, kung ano ang mga sumunod na nangyari. It felt like I was out of my body after I avoided that fatal attack that may cause my life.

And then, I don't remember anything at all afterwards. Its weird. Nang matauhan na ako ay may hawak na rin akong apat na piraso ng scarf maliban sa tinago kong scarf namin.

Hindi ko talaga alam kung anong nangyari kanina pero I'm glad that the activity already ends although I've forgotten something.

Just snap out of it, Hero! Bulong ng isipan ko.

Binaling ko na lang ang paningin ko sa paligid. Ako pa lang ang nakakalabas ng Training Ground. Maya-maya pa ay isa-isa na rin nagsulpotan ang mga kaklase ko mula sa training ground.

Hindi ko na iyon pinansin at hinintay na lang ang partner ko na sumolpot. Hindi rin nagtagal ay nakalabas na rin si Liam.

Lalapit na sana ako kay Liam upang ibalita sa kanya ang hawak kong scarfs ng mapansin ko ang pagtakbo nina Sir Callion at Ynah papunta sa isang direksyon.

Natuon ang paningin ko sa kanila ng mapansin ko ang isang lalaki na nakahiga sa sahig.

Nagsilapitan na rin ang iba kong kaklase sa kinaroroonan nina Sir Callion. Lumapit na rin ako para tignan kung anong nangyayari. Paglapit ko ay nakita ko si Ynah na nakapatong ang mga kamay sa dibdib ng lalaking nakahiga.

May kulay orange na liwanag ang nagmumula sa kamay ni Ynah. So, That's her prime. A Healer type.

"What's his condition, Ynah?" Tanong ni Sir Callion.

"He is not in danger. But because of his injury, he is unconscious, Sir" sagot ni Ynah saka pinagpatuloy ang paggamot sa lalaki.

"Can you heal his injury?" Tanong ulit ni Sir Callion.

"I can, but because of the damage on his muscle tissues, bones and cells, it may take days for him to fully recover. I can fasten his healing property but he may be unconscious as well in the next several days. His badly injured in his state right now. Swerte po siya at buhay pa siya ngayon" tugon ni Ynah na seryoso ang mga mata sa kanyang pahayag.

"Make sure to heal all his inner injury, Ms. Ynah. I'm counting on your prime" sabi ni Sir Callion.

"Yes, Sir" saka itinuon ni Ynah ang focus sa ginagamot.

Seryoso lang si Sir Callion na nakatingin sa lalaking nakahiga sa sahig. Malalim siguro ang iniisip. Ilang sandali ang lumipas ng magsalita si Sir Callion.

"The activity ends here. You may go now. Reagrding the results of the activity, I will announce it next meeting. Class dismissed" anunsyo ni Sir Callion.

Isa-isa rin umalis ang mga kaklase ko sa kinalalagyan ni Sir Callion. Nagpasya rin ako umalis ng mahagilap ng mata ko si Kira. Natandaan kong hindi pa pala ako nakakapagpasalamat sa kanya nung nakaraan.

Naglakas loob akong lumapit kay Kira. Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang lumapit pero pagkakataon ko na ito para magpasalamat.

Isa pa ay bukas na ang sinasabi nilang Clan War. Hindi iyon maialis sa isipan ko lalo na't ako ang dahilan kaya siya mapapasabak sa Clan War bukas.

He is not Ordinary (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon