-- Hero POV --
"Anong hindi mo sasabihin sa akin, Kira?" Tanong ng lalaking naka-salamin na kararating lang. Seryoso ito nakatingin kay Kira.
Nakakatawa ang mga mukha ngayon nina Liam at Aiko. Para silang nakakita ng multo. Habang si Kira ay ganun pa rin.
Cool na nakatingin sa lalaking nagngangalang Vito.
Pinagmasdan ko si Vito ng matandaan kong siya yung late na kasama ni Erin noon. Siya yung kasama sa student council ng academy. Gwapo, matangkad at katamtaman lang ang kulay na balat ni Vito.
Maliban sa physical na katangian ay pansin ko rin ang aura na strikto at seryosong lumalabas sa kanya. Kaya parang nakakita ng multo ang itsura nina Liam at Aiko ngayon dahil dun.
"May Magaganap na Clan War bukas. Ako laban sa Clan nina Jerome" simpleng sambit ni Kira kay Vito.
"Huh? Ikaw laban kina Jerome? Are you out of your mind?! I already told you guys na hindi tayo basta-basta lang pwede makipaglaban sa ibang Clan. But, you guys don't listen at madalas labagin ang sinasabi ko. I am your Clan leader but you don't follow my orders. Ano naman ba ginawa mo, Kira? Ano naman ang pinasok mong gulo?" Sermon ni Vito sa mga kasama.
"They were the one who started it. I just accepted their dare to a Clan War. And besides, I have decided to come only by myself. You guys don't need to come. I can handle it myself" sagot ni Kira. Sina Aiko at Liam naman ay tahimik lang sa paligid.
"Isang katangahan na naman ang gagawin mo, Kira. You're going by yourself? Are you kidding me? Then what, ilalampaso mo sila ng mag-isa? You really underestimating your opponent and overestimating your capabilities. Sa tingin mo ba ay mahina ang grupo na yun? I have heard reports from outside sources na kahit na madadaya at hindi patas makipaglaban ang grupong yun ay malalakas pa rin sila. Lalo na ang pinuno nila. Don't be a stubborn brat, Kira!" Pahayag ni Vito sa dalaga.
Hindi nakasagot si Kira at kita sa ekspresyon ng mukha nito ang inis. Napakuyom ito ng kamao saka nagsalita.
"I'm still going, no matter what!" Sambit ni Kira. Napahawak na lang si Vito sa ulo saka napa-iling ito.
" Uhhmm . . Ano . . Kasi . . Ako . . Ang may kasalanan ng . . buong . . Clan War . . Na ito bukas" kinakabahan na singit ko sa pag-uusap ng dalawa.
Dumako ang tingin sa akin ni Vito. Kinabahan naman ako roon dahil para siyang police officer na tatanungin ako about sa isang crime sa itsura niya ngayon.
Hinawakan muna ni Vito ang salamin saka inayos ito bago magsalita.
"Explain yourself, Mr. Hero. Bakit ikaw ang may kasalanan sa Clan War na ito?" Diretsong tanong ni Vito sa akin.
"Tinulungan lang ako ni Kira sa kamay ni Jerome. Hindi ko pa kasi alam ang prime ko kaya hindi ako nakalaban nang pag-tripan ako ni Jerome sa Cafeteria. Kapalit ng pagtulong sa akin ay ang pagpayag ni Kira sa isang Clan War laban sa Clan nina Jerome" sagot kay Vito.
Nahihiya akong sabihin sa kanila dahil sa kahinaan ko ay nagtatalo sila ngayon magkakasama.
"What? Bro! Hindi mo pa alam ang prime mo? Talaga?" Gulat na sigaw ni Liam sa tabi.
"Bingi ka ba? Kasasabi nga niya eh. Di ka lang adik, bingi ka rin pala" Hirit naman ni Aiko kay Liam. Tinignan naman ni Liam ng masama ang babae.
"Humihingi ako ng pasensya sa inyo. Hindi ko alam na kasama kayo ni Kira sa Clan. Kasalanan ko ang lahat ng nangyari kaya sana ay huwag na kayo magalit kay Kira" dagdag ko.
Ito lang ang magagawa ko para hindi lumala ang sagutan nila ngayon. Dahil sa kahinaan ko ay nagkakagulo ngayon ang ibang tao dahil sa akin.
"I see. Its alright, Mr. Hero. You don't have to be sorry. I understand" sabi na lang ni Vito. "And you plan to fight by yourself?" Baling niya naman kay Kira. Hindi sumagot si Kira.
BINABASA MO ANG
He is not Ordinary (Slow Update)
FantasyI am not ordinary. I am aware of it, are you? #Heisnotordinary