- Hero POV -
"Bro, okay ka lang? May problema ba?" Tanong sa akin ni Liam. Tinignan ko lang siya nang sandali saka tumingin ulit sa kawalan.
"Kung wala kang gana, sakin na lang 'tong pagkain mo" sambit niya saka inumpisahang kainin ang in-order kong lunch. Hindi naman ako tumutol. Wala rin akong gana.
Sa aking paglingon ay siya rin pagtama ng paningin ko sa direksyon nina Kira at Aiko. Nakita kong umiwas ng paningin si Kira. I know, why she do it.
Hindi ko siya masisi kung mailang siya sa akin. I have seen things I shouldn't. Things na tinatago at dinadala ni Kira from her childhood until now.
Flashback
"I'll be your partner!" Sambit ni Kira. Kinabahan ako sa sinabi niya.
Alam ko ang iniisip niya. Her curiosity towards me. She took this chance to see glimpse of my memories. To know things about me.
I can't allow her. Ayokong malaman niya ang tungkol sa sarili ko. Its not yet the right time para matuklasan nila ang buong pagkatao ko. The risk is too dangerous if they knew about me.
"Let Hero choose between us" rinig kong saad ni Erin. Kita ko kay Erin na gusto niya akong maging partner sa activity na 'to. Pansin kong persistent si Erin sa sinabi niya.
Kira didn't response to Erin's statement. Rather, Tumingin siya sa akin ng diretso.
"As I have said, you'll face your nightmare if you decline being my partner" nakakatakot na saad niya sa akin. Her tone is cold and scary like hell. Seryoso siya dahil sa talim ng mata niyang nakatingin sa akin.
She really is threatening me.
Why would she really wanted to know things about me? Anong iniisip niya at gusto niya malaman ang tungkol sa sarili ko?
Gusto ba niya ako? Impossible yun!
Maganda siya pero malabong magkagusto siya sa tulad ko. I know myself at ang mga tulad niya ay nababagay sa iba.
"Okay guys, my partners na ba kayo? Shall we start the activity? Lumapit kayo sa partners niyo saka maghawak kamay kayo" Anunsyo ni Sir Callion sa amin. Ginawa naman yun ng iba.
"Bro, partner tayo?" Sambit ni Liam pagkalapit sa akin. Ayaw ko man pero no choice na ako. Si Liam na lang ang pipiliin ko.
"Kira, lets be partners?" Lapit naman ni Aiko sa kaibigan.
Hindi umimik si Kira at naghihintay pa rin sila ni Erin sa sasabihin ko. I've decided.
"Si Li-" hindi naman natuloy ang sasabihin ko ng hawakan ni Kira ang mga kamay ko.
"Partners na kami ni Hero. Find someone" sambit ni Kira kay Aiko. Bahagya naman nagulat ang kaibigan.
"Bro -" hindi natuloy ni Liam ang sasabihin dahil sa malamig na aura ni Kira. Naramdaman rin yun ni Aiko kaya umatras ito ng konti.
Hindi rin ako naka-hindi dahil sa higpit na hawak ni Kira sa kamay ko. Pansin ko naman ang biglang lungkot sa mga mata ni Erin.
Gusto ko siyang lapitan pero nakaharang na si Kira sa harapan ko.
"Partners na lang tayo?" Tanong na lang ni Aiko kay Erin. Erin just smile and nod.
"Paano naman ako?" Sambit ni Liam sa tabi.
"Bahala ka sa sarili mo" sagot ni Aiko saka lumayo sa amin kasama si Erin. Napa-buntong hininga na lang rin si Liam.
"First, concentrate on your prime origin. Feel the energy coming out from it. Let all your thoughts and emotions flow like water stream. Concentrate and feel your partners energy as well" pahayag ni Sir Callion.
BINABASA MO ANG
He is not Ordinary (Slow Update)
FantasyI am not ordinary. I am aware of it, are you? #Heisnotordinary