-- 3rd Person POV --
Biglang tumalon sa kinatatayuan niya si Liam na ikinagulat naman ng kasamang si Hero. Mabilis na tinungo ni Hero ang kaninang kinatatayuan ng kasama para tignan ito sa baba. Bumungad sa mata ni Hero ang bitak na lupang kinatatayuan ng kasama sa kabilang building.
Napa-iling na lamang ang binata ng makitang buhay pa ang kasama nito.
Tumingala naman si Liam sa kinaroroonan ng kasama saka tinawag ito.
"Bro, ano pang hinihintay mo? Tumalon ka na rin dito!" Malakas na sigaw ni Liam sa partner.
Natahimik si Hero sa kanyang narinig. Parang may dumaan na uwak sa ulo nito dahil sa sinabi ng kasama.
You crazy idiot! Hindi ako katulad mong handang mamatay. Ayaw ko pang suma-kabilang buhay. Marami pa akong gagawin sa aking buhay. Thanks for the offer na lang.
Hindi maiwasan mapa-isip si Hero sa pagiging reckless ng partner nito.
Nagtungo na lamang siya sa loob saka bumaba gamit ang hagdan na siya naman pinagsisihan ni Hero dahil sa taas ng building na kanilang kinalagyan.
I should took his advice to jump! Kung alam ko lang na nakapapagod ang bumaba sa mga hagdan na ito. Shit!
Napapamura si Hero dahil sa pagod na nararamdaman sa pagbaba niya sa walang katapusang hagdan.
Nakita naman ni Liam na hindi sumunod ang kasama kaya naman nagpatuloy na ito sa gusto niyang puntahan at iyon ay kung saan may naglalaban.
Tinapat ni Liam ang magkabilang kamay na hanggan beywang sa bandang likod nito na nakayuko ng konti ang balikat at nakatingin ng diretso.
May nabuong pulang liwanag sa magkabila niyang kamay at nang sapat na iyon ay bigla na lang itong naging pulang laser blast dahilan para maitulak ang katawan nito ng diretso.
Liam used his prime as booster para makagalaw siya ng mabilis patungo sa pupuntahan nito.
Nakababa na ng hingal na hingal si Hero. Hindi niya lubos akalain ang taas ng building na kinalagyan nila kanina nong mapunta sila sa lugar na maraming abandonadong building.
Hinanap ng paningin ang kasama ngunit nawala na lang ito na parang bula. Patay! Nasambit na lang ni Hero sa utak dahil nasa kanya ang scarf nila.
Para sa isang estudyanteng wala pang prime ay delikado na maglakad sa lugar kung saan hindi alam ang kinaroroonan ng kalaban. Naisip ni Hero na baka siya ang unang pupunteryahin ng mga kaklase nito dahil sa siya ang maituturing na pinakamahina sa kanila ngayon.
I am seriously in a big trouble! Nasaan na kaya ang baliw na lalaking iyon? Saan naman kaya iyon nagpunta at hindi ako hinintay? Hayst! Bahala na. Hahanapin ko na lang ang sirang ulong iyon.
Habang nag-umpisang maglakad ay hindi mai-alis ni Hero ang maging alerto sa paligid dahil sa nagbabadyang mga panganib.
He needs to be really careful in times like this. Sa kanyang paglalakad ay may narinig siyang yapak ng mga paa. Agad na kinabahan si Hero saka naghanap ng matataguan.
Nang masiguro na hindi siya makikita ay sumilip siya kung sinong kaklase niya ang parating.
Nakita niya ang isa niyang kaklase na lalaki. Naglalakad ito na may hinahanap at the same time ay nag-iingat rin sa paligid. Napa-isip naman si Hero kung aatakehin niya ito ng makita ang nakasabit na scarf sa beywang nito.
Nag-isip ng plano niya si Hero kung paano niya makukuha ang scarf ng kaklase kahit na wala siyang prime.
Kahit na wala pang prime si Hero ay marunong naman ito ng basic self-defense at offense martial arts. Kaya mabuti niyang binusisi ang pagpa-plano niyang ng kanyang gagawin.
BINABASA MO ANG
He is not Ordinary (Slow Update)
FantasyI am not ordinary. I am aware of it, are you? #Heisnotordinary
