- Hero POV -
Wala namang masyadong nangyari sa akin to be at the hospital. Nawalan lang ako ng malay at napagod sa sobrang pag-gamit ng lakas ko.
Its normal.
Ganito ang nangyayari sa katawan ko. I lost conciousness whenever I use too much energy. At kapag hindi ko na rin kontrolado ang sarili ko. My emotional stability to be exact.
Dalawang araw na ako rito. I just woke up today. Sabi raw ng mga doctor ay o-observahan pa nila ako to make sure na ayos na ako. Pero, seriously, ayos na ayos talaga ako. Hindi ko lang alam sa kanila kung bakit kelangan pa nila akong observahan.
Dumating na rin dito sina Sir Callion kahapon. Siya ang nakikipag-usap sa mga doctor rito. Kasama pala niya si Dr. Jenny. Sinama ni Sir Callion si Dr. Jenny para tignan rin ang kondisyon namin as primians. Akala kasi ng mga doctor rito ay normal na tao kami.
Normal na hospital kasi ito at ang mga patients rito ay mga normal na tao. Our kinds were hidden from normal people. That's the rule established for the common good of the society according sa government.
The government maintain peace. The government both monitor primians and normal humans para hindi magkaron ng gulo.
Though may mga nag-aamok na mga styxians outside primians assigned realms, the government took care of it. Sila na rin ang bahala sa mga taong nakakaalam ng existence namin except some private individuals na mapagkakatiwalaan. The government erased their memories para sa balanseng kapayapaan ng society.
The government decided na itago ang mga primians sa mata ng mga normal na tao. Naisip nila na magkakagulo ang lahat kapag nalaman ng mga normal na tao na may mga katulad nilang may kapangyarihan.
Regarding with the families, yung mga normal humans na may mga anak na primians, the government give them the right to choose. Kung tatahimik sila at ililihim sa karamihan ang aming existence, makakasama nila ang mga anak nila.
If they won't, kukunin ng government ang mga anak nila. Buburahin rin nila ang mga memories ng parents about their primian offsprings.
With the current situation, tama rin siguro ang gobyerno dahil sa namumuong arrogance attitude ng mga primians. May mga grupo kasi nang primians na nabuo at layunin nilang ipakita na mas nakakataas ang mga primians sa mga normal na tao. Ang gobyerno na rin ang pumagitna sa mga ito.
By the way, the government is composed of primians and normal humans. They said na walang dapat ikabahala ang mga primians sa normal humans na nasa gobyerno. They're on our side and the government doesn't want to start a ruckus. They are on peace side of society.
Nabaling ang atensyon ko sa taong kumatok sa pinto. It was Erin and the usual, nakangiti ito.
Sa pagkakaalam ko ay palaging nakangiti si Erin. I didn't see her frown once. She always show her smile which made me like her even more. Kapag kasi nakangiti siya, nakakalimutan ko ang mga alinlangan at problema ko.
I think she's my source of good vibes. Kapag nandyan, parang ayos ang lahat. Her presence says everything is normal and fine. Maaayos rin ang lahat. Yun ang laging dumadaan sa isip ko when I'm with her.
"Pwedeng pumasok?" Nahihiyang tanong niya sa akin. Tumango naman ako bilang tugon.
"How are you?" Tanong niya ng makalapit sa kama ko.
"Fine as new. Wala naman problema sa akin. Magaling na ako" confident kong sagot sa kanya then spread my arms indicating na ayos na ang kalagayan ko.
"I see" tumango lang siya bilang tugon.
"Ikaw, musta na yung sugat mo? Are you okay?" Tanong ko sa kanya in a sad tone.
BINABASA MO ANG
He is not Ordinary (Slow Update)
FantasiaI am not ordinary. I am aware of it, are you? #Heisnotordinary