- Hero POV -
Mabuti na lang at dumating sina Aiko at Liam noong isang araw. Muntik na ako dun. Kira is just an inch away to learn about my secret.
Saved by the two cat and dog tandem, nakahinga ako ng maluwag pero panandalian lang. Gaya ng sabi ko, hindi ko alam hanggan kelan ko maitatago ang katotohanan tungkol sa sarili ko. Things started to become complicated.
Noong nalaman ko ang hindi magandang nakaraan ni Kira ay siya rin ang unang magiging dahilan ng unti-unting pagkatuklas ng aking pagkatao. I feel like Kira and I were tied together.
From that prime bond, alam kong hindi na kami paghihiwalayin ng kapalaran. Nakita ko ang masalimuot niyang nakaraan. She didn't see mine but built her curiousity even more about me. Hindi ko na alam kung paano ko pa iiwasan ang mga tanong niya.
Bakit kaya gustong-gusto niyang malaman ang tungkol sa akin? Anong motibo niya? What made her to be interested about my life?
Ang hindi mawalang tanong sa utak ko. I want to confront her but I think hindi pa ito ang tamang oras. Hindi nila pwedeng malaman ang tungkol sa akin. Its risky.
I want to live a simple life here pero ngayon complikado na. Haist! Hindi ito ang gusto kong mangyari sa pagpasok sa school na 'to. Things happening in a way, opposite to what I wanted it to happen.
"Bro, okay ka lang? Lately, para kang tulala. Anong nangyayari sayo? . . Are you on drugs?!" Saad ni Liam na nanlaki kunwari ang mga mata and with an expression na para talaga akong gumagamit ng bawal na gamot.
"Ikaw, are you crazy?!" Ganti ko sa kanya with annoying look on my face.
"Nope. I'm perfectly healthy . . Pero seryoso bro, gumagamit ka ba?" Pinipilit niya talaga ang about sa drugs.
"Sa ating dalawa, ikaw ang mukhang mas gumagamit. Dapat ikaw ang tanungin ko, eh" sagot ko sa kanya with a smirk.
"Bro, mukha man akong adik sa paningin mo, goodboy 'to. Saka napaka-gwapo ko naman para maging adik. Itong mukhang 'to, pang-artistahin, bro" sagot niya sa akin saka hinimas ang baba niya na nagpapa-cute kunwari.
"Ikaw nga ang gumagamit. Lakas ng tama mo, eh!" Panunukso kong tugon rito.
"Grabe ka, bro. Nagsasalita lang ako ng katotohanan" depensa naman niya.
"Ako rin naman" tugon ko lang rito saka ngumisi. Napa-iling naman si Liam.
"Tapos na ba kayo? Bilisan ninyo. Marami pang box na dadalhin" sigaw sa amin ni Vito.
Ewan ko rin sa isang 'to kung bakit kami ang inutusan para mag-buhat ng mga box na laman ay mga libro. Ang bigat pa naman at malayo rin ang library kaya nakakapagod ang ginagawa namin.
Nagpapahinga kami ni Liam saglit tsaka nag-kukwentuhan. Ganun rin naman ang ginagawa nina Ram, Shaun, Geron, Klay at Dylan. Si Vito, parang commander kung magbigay ng utos.
Kami lang kasi yung available na lalaki sa klase. Si Allen ay busy sa inventions niya kaya hindi siya tumulong. Absent naman si Zeke as usual. Hindi mahagilap si Tyron na iniiwasan ko dahil sa sinabi niya nung nakaraan. Stalker ko yata kaya nag-iingat ako sa kanya.
Si Nathan naman, hindi malapitan ni Vito. Loner kasi ang isang yun at hindi nagsasalita. Nakakatakot rin siya minsan sa sobrang tahimik niya na hindi mo alam kung anong nasa isip niya. Kaya hindi na inabala pa ng lalaking 'to na kung maka-utos ay parang prinsipe.
Siya kasi ang VP ng Student Council pero wala siyang mautusan kaya kami ang inabala. Sana lang naman ay mayrong pagkain para ganahan kami sa pagbubuhat ng mga mabibigat na kahon ng libro na 'to. Kawang-gawa lang kami rito. Tch.
BINABASA MO ANG
He is not Ordinary (Slow Update)
FantasíaI am not ordinary. I am aware of it, are you? #Heisnotordinary