-- 3rd Person POV --
Hindi alam ni Hero kung anung gagawin sa mga oras na ito. He don't know his next move if he can escape his predator opponent. He really became like a prey for his werewolf looking classmate.
Kasama pa ba ito sa activity? The hell it is. I am half injured with my left arm. This isn't a simple activity anymore. Sambit ni Hero sa utak.
Nag-isip ng paraan kung paano matatakasan ni Hero ang kalaban. Aminado siyang dehado sa kalaban dahil sa taglay nitong malakas na kapangyarihan.
Kasalukuyan ngayon tumatakbo habang nagtatago sa mga gusali si Hero. Buti na lang at hinayaan muna siya ng kalaban na makalayo ngunit kasalukuyan pa rin siya nito hinahabol.
Tumatalon sa itaas ng mga gusali ang lalaking werewolf na kalaban ni Hero na mabilis na naabutan ang binata.
Dagdag sa injured na kaliwang braso ni Hero ay ang sakit ng katawan na dulot ng ilang ulit niyang pagtama sa lupa ng umiwas siya sa kalaban kanina.
Hindi nagtagal ang pagtakas ni Hero ng agad siyang naabutan ng kalaban. Mabilis na tumalon pababa ang kalaban saka tinira ng wind slash si Hero.
Agad naman iyon naramdaman ni Hero at umiwas sa pamamagitan ng pagtatago sa isang dingding ng isang gusali. Tinamaan ang dingding ng gusali at nahati ito sa tatlong piraso.
What the f---!
Bulalas ni Hero sa isipan dahil hindi ganito kanina ang atake ng kalaban sa kanya. Nakaramdam ng panginginig ng katawan si Hero habang nakatayo sa likod ng dingding.
Dammit! Seryoso na ang lalaking aso na ito sa pagpatay sa akin! Hindi pa pala niya lubusang ginagamit kanina ang kabuoan ng kapangyarihan niya. Lagot na ako ngayon.
Nang tumama na sa lupa ang mga nahati na dingding ay agad na tumakbo sa Hero paalis sa pinagtataguan.
Hindi ako pwedeng mamalagi sa isang lugar dahil tiyak na mahahati ang katawan ko kapag natatamaan niya ang pinagtataguan ko.
"There you are! Hahaha! I am really enjoying this hunting. Sige, Takbo ka lang hanggan sa kaya mo. Hindi rin magtatagal at mahuhuli rin kita!" Bulalas ng lalaki na narinig naman ni Hero.
Agad na lumiko at nag-duck si Hero para hindi matamaan ng wind slash na agad pinakawalan ng kalaban matapos nito makita si Hero sa isa sa mga gusali na tumatakbo.
Hati at wasak ang natamaan ng wind slash. Tumakbo ulit si Hero habang nakakalat pa ang abo sa paligid dahilan ng malakas na wind slash.
Naisip ni Hero ang pagkakataon iyon para makapagtago at makabuo ng gagawin plano para matakasan ang baliw na asong tao na humahabol sa kanya.
Sa isa sa mga gusali ay nakahanap si Hero ng isang kwarto at saka nagtago siya run. Agad na napaupo si Hero sa sahig at hingal na hingal sa kanyang pagtakbo kanina.
Naisip ni Hero na mapapagod at mawawalan siya lakas kung ipagpapatuloy niya ang pagtakbo. Kung nagkataon ay malalagay sa panganib ang kanyang sarili kapag nahuli siya ng kalaban.
Base sa kilos ng kalaban ay seryoso ito sa pag-atake kay Hero. Hindi alam ni Hero kung anong rason ng kalaban kung bakit ganito ito makipaglaban gayon simpleng activity lang ang kanilang ginagawa.
Ilang minuto ang lumipas ng makapag-pahinga si Hero at bumuo ng plano kung paano maiwasan ang kalaban. Alam niyang nasa labas pa ito ay hinihintay siyang lumabas para atakehin ulit.
Sa taas ng isa sa mga building ay nakatayo ang lalaking werewolf na umatake kay Hero. Hinihintay nito ang paglabas ni Hero sa pinagtataguan.
Hindi mahirap na matunton ng lalaking werewolf ang pinagtataguan ni Hero dahil sa malakas nitong pang-amoy.
BINABASA MO ANG
He is not Ordinary (Slow Update)
خيال (فانتازيا)I am not ordinary. I am aware of it, are you? #Heisnotordinary