CHAPTER 14

702 24 1
                                    

-- Kira POV --

I didn't expect to engage an opponent while tracking them. It was all planned. They prepare everything ahead of us.

Alam nila ang magiging galaw namin.

Sh*t!

"Tatakbo ka na lang ba habang-buhay? O lalabanan mo ako?" Sigaw sa aking ni Vera habang pinatatamaan ako ng mga poison stings niya.

Paikot-ikot kami ngayon sa ere. Umiiwas ako sa kanyang atake dahil sa lason na tumama sa akin kanina mula sa poison sting niya.

Hindi ko napansin ang surprise attack niya habang nagmamasid sa galaw ng mga kasama niya.

She is a tricky girl. She attack her opponent kung nakatalikod ito. Just like me, nakakalipad rin siya using her Poison Bee prime which she can possess bee wings and poison stings.

"Hindi ako tatakbo sa isang madayang kalaban" sabi ko rito saka sinalubong ang mga poison stings niya.

Maingat ko itong iniiwasan saka nagpakawala ng isang malakas na suntok direkta sa mukha niya. Tinamaan ko ang pisngi niya saka siya nahulog sa isang open area na maraming damo.

Kasabay ng pagkahulog niya ay ang paghina rin ng aking lakas dahil sa lason niya. Pareho kaming nahulog sa damuhan.

"Magbabayad ka sa ginawa mo sa mukha ko!" Galit na sigaw ni Vera sa akin. She deserves it. Sabog ngayon ang pisngi niya sa ginawa kong suntok.

Isa sa pinaka-kinaiinisan ko ay ang mga taong madaya at hindi lumalaban ng patas. Hindi ako kailaman magpapatalo sa isang kagaya niya.

"Bagay nga sayo ngayon ang itsura mo eh! Halos hindi na kita makilala sa bago mong look!" Pang-iinis ko pa sa kanya. I hit her hard kaya malala ang pamamaga ng kanyang pisngi ngayon.

"I'll kill you!" Sigaw niya saka nagpakawala ng maraming poison sting sa kanyang mga kamay. Umiilag lang naman ako sa bawat poison sting na tumatama sa aking direksyon.

Kasabay ng pag-ilag ko ay ang unti-unti kong paglapit sa kanya. Nang ilang hakbang lang ang lapit ko ay agad akong tumalon para suntokin ulit siya.

Nagulat ako ng harangin niya ang kamao ko gamit ang kamay niya saka siya nagpakawala ng suntok gamit ang kabilang kamay niya.

Tinamaan niya ako sa kaliwang pisngi ko. Malakas ang ginawa niyang suntok para tumilapon ako sa damuhan. I can feel the pain in my left jaw.

"Now, we're even!" Maarteng saad niya saka ngumiti nang kontrabida.

I miscalculate her physical strength. Akala ko ay dependent lang siya sa kanyang prime at mahina siya when it comes to physical strength.

But, I was wrong about it. Tumayo ako mula sa pagkakadapa ko sa damuhan.

"Don't underestimate me, Kira. I may not look like it, but I'm strong. Hindi mo ako madaling matatalo. On the contrary, ikaw ang matatalo sa laban na ito. Prepare to lose, Bitch!" Saad niya saka pinalabas ang pakpak niyang bubuyog at lumipad papunta sa akin.

She hit me with her poison stings again. Mabilis naman akong tumakbo sa kaliwang direksyon ko habang iniiwasan ang poison stings niya. Nagtungo ako sa may malapit na puno saka nagtago.

Tumama naman ang matutulis na poison stings ni Vera sa likod ng pinagtaguan kong puno.

I can't keep up avoiding her attack lalo na't nararamdaman ko na ang lason sa aking katawan. It started to circulate around my body.

Damn this poison!

Hindi ko tuloy magamit ang prime ko para makalipad!

"Hahaha. What now, Kira? Magtatago ka na lang ba diyan?" Rinig kong saad ni Vera. Wala na akong magagawa kundi ang talunin siya.

He is not Ordinary (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon