CHAPTER 16

690 23 0
                                    

-- Aiko POV --

Nakakainis! Ba't ba kasi itong mayabang na 'to ang nakalaban ko?! Aarrrrgggh! Matatamaan rin kita ng cat claws ko!

Ilag lang ng ilag itong mokong na si Jerome sa pag-atake ko gamit ang cat claws ko. At sa tuwing makailag siya ay pinasmumukha pa sa akin na hindi ko siya matamaan.

This Jerk ! !

"Anu na, koting? Yan lang ba ang kaya mong gawin? Hindi mo man lang ako nagalusan sa lahat ginagawa mong atake eh. Nakakatawa ka! Hahaha!" Mayabang na saad niya sa akin. Tignan niyo nga ang attitude nitong mokong na 'to.

"Tumahimik ka, pangit!" inis na saad ko naman rito.

"Hahaha. Kung ganito rin naman ang mangyayari ay sana sinundan ko na lang si Dylan. Mabuti pa ang pinsan kong yun, may ibubuga. Unlike you, little kitten, you're no match for me. Hanggan kalmot lang ba ang kaya mo?!" Mayabang at nakakainis nitong pangmamaliit sa akin.

I attack him using my cat claws which he can easily avoid. Ba't ba naiiwasan niya ang mga atake ko?

Hindi ko alam na ganito kagaling ang mokong na 'to. Akala ko ay hanggang salita lang siya pero may ibubuga rin pala sa laban. Nakakainis na ha!

Sccrraaaaaatttccchhh!

Pag-atake ko sa kanya ng cat claws ko pero naiwasan na naman niya. Tumama ang atake ko sa puno dahilan para magkaron ng mga hiwa rito.

"Tama na ang laro. Lets start the real fight" saad ni Jerome sa akin ng mabilis siyang tumakbo papunta sa akin.

Nakatalon na sana ako paatras ng medyo makalapit siya sa akin nang maramadaman ko ang isang malakas na boltahe ng kuryente sa katawan ko dahilan para mahulog ako sa lupa.

"Aaaahhhhrrgg!" Hiyaw ko dahil sa kuryenteng aking naramdaman. Para natusta ang lahat ng cells sa aking katawan dahil sa kuryenteng pinakawalan ni Jerome.

"Masakit ba? Ganito ang tunay na laban. Ang makaramdam ng sakit ang iyong kalaban dahil sa lakas ng taglay mong kapangyarihan. Naaawa ako sayo dahil mahina ang prime mo kumpara sa akin. Hahaha!" Singhal niya sa akin.

Nagpakawala ng malakas na boltahe ng kuryente sa kanyang paligid si Jerome at nahagilap ako nito bago ako makaiwas kaya ako ngayon nakahilata sa lupa.

"Discharge! Ang tawag sa atake kong iyon kung saan ang naipon kong charged electricity ay pinapakawalan ko sa aking paligid at kung sino man ang tamaan nito ay mararanas ang makuryente ng 20000 Volts. Yun ang nangyari sayo. Hahaha! Nakakaawa kang tignan" paliwanag niya.

Like I care with the name of his attack!

Kahit na may nararamdaman pa rin akong kuryente sa katawan ay pinilit kong tumayo para ituloy ang laban na 'to. Hindi ko inaasahan ang malakas na atake niyang iyon.

"Lalaban ka pa ba?! Sumuko ka na lang bago pa kita lubos na pahirapan!" Mayabang niyang sambit.

"Hindi ako susuko sa mayabang na mokong na kagaya mo. Tatalunin kita at kakainin mo ang lahat ng sinasabi mo ngayon" Inis na bunton ko sa kanya.

Hindi ko mapigilan ang inis na nararamdaman ko ngayon sa lalaking kaharap ko.

"Kung ganun ay hindi ko na pipigilan ang buong lakas ko. Magsisisi ka na hindi sumuko ngayon din" sagot niya at sumeryoso ang mukha nito.

Wala akong pakialam kung seryoso na siya ngayon dahil sisiguruhin ko ang pagkatalo niya.

Mabilis akong tumakbo sa kinatatayuan ni saka tumalon at ginamit ang cat claws ko sa kanya.

He is not Ordinary (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon