CHAPTER 25

632 21 0
                                    

- Liam POV -

"Malayo pa ba?" Inip kong tanong kay Tyron. Tumatakbo kami ngayon papunta sa kinaroroonan nina Hero.

Hindi sumagot si Tyron at nagpatuloy lang sa pagtakbo.
Kanina lang ay lumapit siya sa amin. We're about to take our lunch ng bigla na lang sumulpot ang lalaking 'to sa aming table.

"Yung kaibigan niyo . . nasa panganib"

Tinanong namin kung sinong kaibigan na tinutukoy niya. Kung si Vito lang naman, pass na kami. Hindi kami kargador ng mga kahon ng libro!

"Si Hero"

Tanda kong saad niya kanina. Nang marinig namin yun ay nagmadali kaming umalis ng Cafeteria. On our way, sinabi sa amin ni Tyron ang lahat ng nakita niya. Nakita niyang pumasok si Hero sa CR katulad ng paalam ni Hero sa amin kanina.

Ilang minuto raw ay may dumating na mga estudyante saka hinarang ang papalabas na si Hero. Ilang minuto pa ay lumabas na raw yung mga estudyante kasama ang isang student na may takip ang ulo ng sako.

Nakilala ni Tyron ang ilan sa kanila. Sila ang grupo ni Bryle. Kasama rin raw si Ritz. Sa sinabi niyang yun ay hindi na kami nag-aksaya ng oras at agad na sumama kay Tyron.

With Tyron's prime, kabisado niya ang amoy ni Hero pati na rin yun ilan sa mga ka-grupo ni Bryle. He is tracking them thru smells. Kaya ngayon ay tumatakbo kami papunta sa lugar kung saan naaamoy ni Tyron si Hero.

Naalala kong naligo pala kami ng pawis kanina, kaya malamang, malakas ang amoy ni Hero kung kaya't madali siyang na-track ni Tyron. Ang lakas ng amoy ni Hero!

Sa labas ng school kami nadala ng amoy ni Hero. Sa isang abandonadong warehouse. Kasama ko ngayon sina Dylan, Shaun, Geron at Klay. Hindi sumama si Ram. That guy don't like fighting.

Hindi namin alam kung bakit? Ayaw lang daw ni Ram na makasakit sa iba. Peace-loving ang isang yun. Hindi na namin siya pinilit at sinabing ipaalam kay Vito ang nangyari.

Dumating kami sa abandon warehouse at nakita ang lagpas sa dalawampu't katao ang nagbabantay sa labas. Ang higpit ng security nila. Hindi ko namataan si Ritz pati na rin si Jin na nabalitaan naming tumayo bilang leader, ng grupo nina Bryle, ng mawala na si Bryle sa school.

Isang matinding bakbakan naman ang mangyayari ngayon. Excited na ako! Kung anong nagpapasiklab sa akin ay yun ang makipaglaban. Matagal na rin ng may makalaban ako.

Sa tingin ko, isang linggo na ng huling may nakaaway ako sa school. Marami kasing mayayabang sa school kaya hindi ko maiwasang patulan sila. Syempre, ako ang nanalo kasi halos mahihina naman ang humahamon sa akin sa isang laban.

I also calculate the probability of winning against my opponent. Kung malakas ang kalaban ko, hindi ako tatakbo dahil kahit na matalo ako ay nakakuha naman ako ng experience at nadagdagan ang kaalaman ko para mas maging malakas sa susunod kong mga laban.

That's me. I'm a war freak guy. At kahit na adik ang turing sa akin ng mga kasama ko, tapat akong kaibigan. if my friends is in danger and need my help, i'll be there to lend a hand.

"Here's the plan. We'll divert there attention on us. We'll fight them at kung sino man sa atin ang magkaron ng pagkakataon, pumasok kayo sa loob ng warehouse, kahit dalawa lang sa atin. The remaining others na nasa labas will handle the rest of the opponents. Clear?" Pahayag ni Dylan sa kanyang naisip na plano.

No one argue with the plan. Sinunod namin ang plano at naghanda na para sa surprise attack sa clan nina Bryle. Humanda kayo dahil maling grupo ang kinalaban ninyo.

Its showtime!

***

- 3rd person POV -

He is not Ordinary (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon