JAGS [10] "IN KELLY'S ABSENCE"

18.9K 280 13
                                    

JAGS (Just Another Gangster's Story)

 ---------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Closeness is the tendency why we fall to somebody, this is based with the reality that even friends turns to lovers unexpectedly."

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------



[10] "IN KELLY'S ABSENCE"

¤JOHANN's POV¤


After an hour of discussion and argument with my Dad, napapayag ko din siyang bawiin ang bodyguards ko. Grown up na naman ako para bigyan niya pa ako ng bodyguard. I can defend myself. Kaya nga nag-aral ako ng self-defense eh.


It's Monday again and back to school. And finally, I'm going there alone. Yung big bike ang ginamit ko. I like the adrenaline rush. This is freedom. Palagay ko, nago-overreact lang yung mga parents na binibigyan ng bodyguards ang mga anak nila. As far as I know, wala pa namang napahamak na estudyante ng JAH. And mababa naman ang crime rate sa lugar na to.


Pagdating ko sa school, tinginan ang mga estudyante. Ako lang kasi ang gumamit ng motor pagpasok. At lalo silang namangha nung hubadin ko ang jacket at helmet ko. Dinig na dinig ko naman ang mga bulungan nila.


"Johann dude, gara ah. Wala na ata mga bodyguards mo." salubong sa akin ni Nick.



"Pinabawi ko na kay Dad. Nakakaasiwa kasi." sagot ko.


Sabay na din kaming umakyat ng building. At ang una kong napansin ay wala pa sl Kelly. Kung sabagay, maaga pa naman.


Naalala ko nung last Friday. I know i insulted her. I have to say it to cover up my feelings. Masyado na akong engrossed sa paghaplos ng pisngi niya. I don't know what force made me do that. Nung naisip ko kasing two days ko siyang di makikita, parang na miss ko siya agad. Para lang akong tanga. Eh makikita ko din naman siya ngayong Monday. And I did something stupid during last weekend. Wala na akong ginawa kundi tingnan yung pictures naming dalawa. Katangahan lang eh noh?


Tae. Mag start na ang klase pero wala pa din si Kelly. Ba't siya late ngayon? 7 AM na.


Maya maya, dumating na ang teacher namin. But still, there's no sign of Kelly. The chair beside me is still empty. And I'm starting to feel empty too. Nasanay na ako sa presence niya.

Bahala na nga siya. Pakialam ko ba kung absent siya? Mabuti nga to, matatahimik ako.


And because Kelly's not around, nag-cutting na lang ako. Hindi na ako pumasok sa afternoon classes ko. Boring din naman kasi, wala akong mapagkatuwaan.


The next day, me nadaanan akong thrift shop. Naisipan kong ibili si Kelly ng voo doo doll. Witch's doll. Bagay sa kanya. Mangkukulam naman siya eh.

JAGS (Just Another Gangster Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon