JAGS [40] "HIS AGONY"

11.5K 120 7
                                    

****NOTE: the next chapters until  it's ending will be on Narration. They will be on third person's poin ot view focussing on Johann's side. Thank You!***

JAGS (Just Another Gangster's Story)

[40] "HIS AGONY"

Masakit na ang buong katawan niya dahil sa natatamo niyang bugbog sa katawan. Pero hindi niya kailangang sumuko. Hindi ito ang tamang panahon para maging mahina siya.

Ito na ang huling laban niya..

Pagkatapos nito, maayos na niya ang lahat.

Inilibot niya ang tingin niya sa buong 'arena'. Nasa loob ng isang enclosed podium ang mga maglalaban at nakapaligid lang sa paikot na bleachers ang mga suppliers at expectators. Kung bakit nauso pa ang ganitong set-up. Hindi ba pwedeng  manahimik na lang at lumayo sa gulo ang isang tao kapag naisip niyang mag-iba ng direksyon sa buhay at lumayo na lang sa pagiging gangster? Bakit kailangan pang labanan lahat ng gangster na nakapaligid sa kanya?

"Angeles, sigurado ka ba sa desisyon mo?" tanong ng isang gangster din na hindi katiwa-tiwala ang mukha.

'Tss..sa grupo ko lang namumukod tanging mga gwapo ang miyembro.'

"Sigurado na ako. Gagawin ko to para sa babaeng mahal ko." he said with conviction.

Ngumisi lang ang mga ito at sumugod na naman sa kanya. Anim ang kalaban. Hindi hamak na mas malalaki sa kanya pero patuloy siyang lumalaban. Kahit man lang sa hulimg laban niya, mapatunayan niya kung sino pa rin ang malakas at makapangyarihan.

One of the guys attaked him but he fought back in defense. He gave all his efforts on every blow he released. His fist colliding with the adversaries jaws. All that he can hear are sounds of thuds and woosh.. He wouldn't let anyone hurt him. May dapat siyang patunayan, not only to his adversaries and expectators but to his self mostly.

Bawat sipang pinakakawalan niya, sinisigurado niyang kakapusin sa hininga ang kalaban. Hindi siya naghihirap at nagsa-sacrifice sa pag-aaral ng martial arts para lang magpatalo.

JAGS (Just Another Gangster Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon