JAGS [6] "KNOWING JOHANN"

21K 259 12
                                    

JAGS (Just Another Gangster's Story)

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 "Behind every sweet smile or cheerful jokes isn't always a happy story. Dry eyes don't always mean dry pillows at night."

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 

[6] "KNOWING JOHANN"

 

Naibaba naman agad ng maga bodyguards niya si Kelly. Takang taka ang mga ito kung bakit siya napapunta doon.

"Hello Kitty ran over there and I followed her. But she jumped to the other side."

Obvious na na-confused ang mga bodyguards niya pero di na lang nagtanong ulit sa kanya.

Nag-lunch na lang siya mag-isa sa canteen. Wala na kasi si Jazz, di na niya naabutan.

"Grrr. Imapaktong Johann talaga yun. Nakaka-imbyerna na." sabi ni Kelly sa sarili niya habang pabalik ng classroom nila.

Nag-start na ulit ang afternoon classes nila pero wala pa din si Johann. Gustong-gusto na ni Kelly pingutin ng pinong pino ang magkabilang tainga ni Johann. Ganti lang ba.

Pero third subject na nila, wala pa din si Johann. Napatingin siya sa bakanteng silya na nasa tabi niya. Maliwang na nag-cutting classes si Johann.

Parang sanay na ang mga teachers na bigla bigla nawawala si Johann. Ganun ba talaga pag pag-aari ang school? Pwedeng umabsent na lang ng basta basta??

"Psst. Psst. Hoy, Jarred." tawag ni Kelly kay Jarred na nasa may unahan lang niya.

Lumingon naman agad si Jarred at ngumiti. Muntik na siyang mapanganga. Ang cute kasi ni Jarred. Palaging naka-smile at labas pa ang dimples. She must admit, she's having a little crush towards him. Pero little lang naman..

"Yes, Kelly?"

She blushed. Di rin niya maintindihan.

"Ahmm...Ano kasi, ang lungkot dito. Wala akong katabi." mahinang sabi niya para di madinig ng Trigo teacher nila.

"Ahh." ngumiti ulit si Jarred sa kanya bago tumayo.

"Sir, excuse lang po. Tinext po ako ni Johann. Pinauupo niya po ako sa tabi ni Ms. Kelly Sy."

Lalo namang nag-init ang cheeks ni Kelly. Wala naman kasing tinetext si Johann na ganun eh. Naramdaman na lang niya na umupo si Jarred sa tabi niya.

JAGS (Just Another Gangster Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon